Chapter 2

1.9K 55 23
                                    

Jerlyn's pov

"Woonie? Ano 'yan?" Bulong ni Jenilene.

"W-wala!"

"Bahala ka nga d'yan, guys anong plano?" Sabi ni Jenilene.

"Hindi ko alam, I need to find my sister."

"E, paano kung patay na siya? Paano kung monster na din siya?" kinakabahang sabi ni Jenilene. "E, kung ikaw kaya patayin ko?"

"Sorry nama--" hindi na niya tinapos ng sinampal ko siya. Minsan kasi nakakainis na din itong babaeng 'to. " Tigilan niya na nga 'yan!" pagpipigil ni Woonie. "Jenelene, ano'ng feeling na masampal?" rinig kung bulong ni Woonie kay Jen. Hindi na ako nag salita pa bagkus ay nagpatuloy nalang ulit kami sa paglalakad.

"Gutom na'ko." reklamo ni Jeneline. "May tindahan akong nakita, puntahan natin." tipid kong sabi. Mabuti nalang at may mga pagkain kaya kumuha na kami ng  naraming mga pagkain. Maya-maya pa'y may narinig kalabog kaya napatigil kami sa aming pagkuha ng pagkain. "Huwag kayong maingay." mahina kong sabi. Nang masilip ko kung saan nanggagaling ang ingay, muntik na akong sumigaw sa takot dahil apat na zombie ang nasa loob ng store. Dahan-dahan kaming lumabas upang hindi kami mapansin. Pero dahil sa katangahan ni Jenelene na apakan niya ang isang lata, dahil sa ingay ay napansin kami ng mga zombies.

"Takbo!" sigaw ni Woonie na agad naman naming sinunod. Dahil hinahabol parin kami ay kinuha ko ang isang kahoy upang gawing panlaban sa humahabol sa amin.

"Ayoko pang mamatay!" iyak ni Woonie.

"Ikaw kasi Jenilene e, ang shonga-shonga mo!" pagalit na sabi ni Woonie. "Oo na kasalanan ko na, happy?"

"Tumahimik nga kayo! Kung tumakbo nalang kaya tayo, hindi yung nagsisisihan pa kayo!" naiinis kung sigaw sa kanila.

"Bahala kayo!" tipid na sabi ni Jenelene at tumakbo sa kabilang bahagi ng daan.

"Jenilene!"

"Hayaan mo na siya, Woonie." wika ko't hinawakan ko ang kanyang kamay.

End of POV

Trisha's POV

"H'wag mong buksan ang pinto Pearl."

Hindi na siya napigilan dahil nabukasan na niya ang pinto.

"Ahh!" sigaw namin.

"Isara niyo bilis!" nakikilala ko ang babaeng ito, siya si Jenelene ang kaibigan ng kapatid ko.

"T-Trisha? b-buhay ka?" aniya.

"Nasaan si Jerlyn?"

"Nag kahiwalay kami kanina habang hinahabol kami ng mga Zombies."

"Kailangan kong puntahan ang kapatid ko." natataranta kong sabi, siguro hindi pa siya nakakalayo. Mahahabol ko pa si Jerlyn. "Mapanganib sa labas Trisha."

"Bahala na." ani ko

"Trisha, listen to this girl, mapapahamak kalang sa labas." singit naman ni Pearl na kanina pa hawak ang kanyang baseball bat.

"Hindi ako maaaring tumunganga lang dito, Pearl dahil nasa panganib ang kapatid ko." magsasalita pa sana si Pearl nang pigilan siya ni Jen.

"Hayaan mo na siya."

"Pearl saan ka pupunta?" rinig kong wika ni Jen, kaya nilingon ko sila sa pinto, aalis na kasi dapat ako pero napatigil ako ng makita ko si Pearl na papalabas na din at may dalang bag na nilagyan namin ng mga pagkain at ilang mga kutsilyo.

"Sasamahan kita." tipid na sabi ni Pearl na halatang nabibigatan sa kanyang dala. "Mapanganib."

"Duh, I love Danger, at isa pa hindi naman kita kayang hayaan nalang na mag-isa 'no! We're partners, kaya sasamahan kita kahit saan. Got it?" Ani niya at pumayag nalang ako

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon