Day 01: It Started in the Groupchat

16 0 0
                                    

Day 01: It Started in the Groupchat

Crush.

Ano nga ba ang crush? Paano mo masasabi kapag crush mo na ang isang tao?

Kapag kinilig ka? Kapag napa-smile ka niya? Kapag napatawa ka niya? Kapag gusto mo siya makita? Kapag napahanga ka niya? Ganon ba?

After months of breaking up with my asshole of an ex, tumigil muna ako saglit sa crush at like na yan. Sakit sa puso masyado eh. Pero nung tumagal yata parang biglang nag-iiba na ang gusto ko. Parang... Parang biglang gusto kong kiligin.

One time, sabi ko sa mga kaibigan ko...

"Hanapan niyo nga ako ng crushie!" lumambitin ako sa braso ng best friend ko at ngumuso.

"Please?" prolonging the 's' sound.

"Ay nako, Kylene, ha. Tumigil ka diyan sa crush mo na yan. Walang crushable dito sa school," kontra sa akin ni Mila. Napasimangot lalo ako at napapadyak nalang sa gilid ni Isla. Natawa naman silang dalawa sa inasal ko at di nagtagal ay natawa na rin ako.

Parang tanga lang, hays.

Lumipas ang ilang linggo at ganoon pa din ang estado ko. Walang crush. Hindi naman ako nabo-bore ng sobra since ang dami ko ring gawain sa school. Yun nga lang, nakakastress ang mga pangyayari kaya gusto ko ng breather.

Kayden:
Anong crush ka diyan. Tumigil ka nga.

Kuya naman! Gusto ko lang namang kiligin ihhh🙎‍♀

Kayden:
Para kang tanga.

Susumbong kita kina Mommy, dami mong nilalandi! HMP!

Kayden:
Susumbong din kita, nagsisimula ka nang lumandi. HMP!

Masama na ba kung gusto kong kiligin ha? Hanapan mo na kasi akong crush!!!

Kayden:
Marami kang pwedeng maging crush pero sa dami nila, wala kang deserve don ni isa kaya tumigil ka diyan.

Sineen ko lang si Kuya and tossed my phone on the bed and slouched more on my couch. Kontrabida talaga ang kuya ko sa lush life ko. Ugh. Di ko siya papansinin mamaya. Hmp.


Ilang minuto kong tinitigan ng masama ang phone ko. Bakit ba ayaw nila ako hanapan o bigyan ng crush? Problema ba nila? Kainis.

I closed my eyes tightly and breathed deeply. Kalma, self. Masyadong mababaw ang reason mo para ma-stress. Masyado ka ring maganda para magpa-stress sa paghahanap ng crush. Wag desperada, okay?

Tumayo ako para kunin ang phone ko sa kama at saka binuksan ito. Sakto namang nag-pop ang chathead ng groupchat ng section namin. Bumalik muna ako sa pagkakaupo saka ito binuksan.

My forehead creased when I saw my classmates greeting Benj, our gay classmate and my friend. Then I remembered that today is his birthday.

Napakagat ako sa labi ko habang nagsisimula sa pagtipa. I freaking forgot that today is his birthday. Damn.

@MarcusBenjaminDeMartin HAPPIEST BIRTHDAAAY!💜

I opened my Twitter account after greeting Benj. I wasn't expecting for a quick reply but seconds later, our GC's chathead popped up again so I looked into it and was taken aback by the message.

Did he just... Fuck, seriously?!

"Thank you, big boss. Luv u... What. The. Hell?" I gasped after reading his reply out loud.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Caution: Mahulog TaloWhere stories live. Discover now