A Bet to Remember- Prologue

73 1 0
                                    

Sana ang pag-ibig ay parang "volleyball", pag sinabi mong "Mine!", tatabi ang lahat at hahayaan kang makuha mo ang bola. Pero ang katotohanan, ang pag-ibig ay parang "basketball", kapag hindi ka marunong magdala, maaagawan ka. At may mga taong mahilig mag"football", pagkatapos sipain ang bola, hahabul-habulin pa.

-Bob Ong

-___________________________________-

Suddenly, sinampal ako sa mukha ng papel na ito. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ba ito nanggaling. Basta lumipad na lang kahit saan. Ang pinagtataka ko pa, ang pangit ng sulat, parang kinalahig ng manok. Mahirap maniwalang babae ang nagsulat nito (di ako feminista, bahala ka na kung anong gusto mong isipin). Anyways, wala akong oras para aksayahin sa mga papel na ito. Hindi dapat ako magpatinag sa isang pirasong papel lang.

Sanay na ako na ganito, mag-isa lagi. Hinaharap ko sila nang hindi nagbabago ang aking expression. Anyways, it's just a waste of time. Wala namang dahilan para ngumiti, tumawa, magalit at kung ano pa man. Hindi ko na lang pinapansin yung mga taong gumagawa ng paraan para galitin ako, pangitiin ako, paiyakin ako, patawanin ako o para magkaroon ako ng emosyon. Hindi ko sila pinapakaelaman so hindi rin nila ako dapat pakaelaman. I don't need them to live.

I really don't care kung saang university ako pumasok. Any school would be fine. Dahil tamad ding magdecide ang mama ko, sinulat niya ang mga pangalan ng universities na malapit samin at pinabunot ako. Ganun na rin sa kursong kukunin ko. Kahit kelan ay hindi pa ako nagkainteres sa kahit ano. Okay na ako na ganito ako.

"Kaye Anne Santillan? Ohhhhhhhhhhhhhhh~~~ Tama nga ang sabi nila, ikaw nga ang Legendary Ice Princess!!!"

Sino ba taong 'to? Tsaka anong legendary ice princess? Hindi ko na lang siya papansinin. Masasayang lang ang oras ko.

"Waaaaahhhhhh~ Hindi talaga nagbabago ang hitsura ng mukha mo 'no? Simula nung bata ka ba ganyan na yan? Ahhhh. Nakakatuwa naman. Nakita rin kita sa wakas. Isa itong rare chance sa buhay."

Anong rare chance ba ang pinagsasabi nito? Makaalis na talaga. Kanina ako lang mag-isa dito sa puno ng mangga, ngayon may asungot na. Hindi dapat ako mainis. Masasayang lang ang oras ko.

"Hindi mo ba ako kakausapin Kaye?"

Kahit umiyak ka pa, hindi kita kakausapin. Hindi ako magsasalita. Aalis na talaga ako.

"HOOYYYY~~ Iiyak ako, sige ka...."

So? Baka hindi na ako makapagtimpi at masabi ko ang nasa isip ko. I should not lose my cool. Sayang lang sa oras.

"Totoo nga ang sabi nila, wala ka talagang emosyon. Mas lalo akong nachachallenge. Miss Santillan, hinahamon kita ng isang pustahan. Ngayong araw, bago lumubog ang araw, MAPAPANGITI kita. Kapag nangyari yun, lagi ka na dapat ngingiti. Ano payag ka???"

Ano bang problema nito. Hindi kita papatulan. You're so annoying. Makapagsalita na nga.

"There is no way that I would agree to your childish game. I won't smile anyway. It's just a waste of time."

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH~~ Nagsalita ka rin. Confident ka naman na hindi ka ngingiti diba? Diba, diba? Ibig sabihin, tinatanggap mo ang hamon ko. YAY~~! Kailangan ko manalo!!"

Is this idiot listening to what I'm saying? Really an idiot. Anyway, I just have to avoid him para hindi siya manalo. Hanggang lumubog lang naman ang araw eh.

"Okay. Ako rin naman ang mananalo."

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag makipagpustahan. Never pa akong naging interesado sa kahit na anong bagay. I want to keep it that way. Pero hindi ko talaga alam. Siguro kasi bored lang ako at masarap pagtripan ang taong ito.

It is indeed better to think that way.

A Bet to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon