"Jusko naman Princess, iba ang awra mo ngayon? Ang ganda mo walang halong biro, pero kasi basta ka nalang umalis kahapon, gusto ko man na samahan ka pero ikaw lang talaga ang ipinapatawag ni Sir Zach.."
Nagkalat parin ang mga hindi naka unipormeng gwardiya ko, Si Kuya Garry nanatiling sa basement lang at palaging nakahanda ang sasakyan para sa akin, may mga kasamahan din siya roon, iba din ang mga nagkalat sa sa mismong gusali.
Magkasama kami ni Keb na pumasok ngayon, pero hindi na raw ako pwedeng sumabay o doon ulit magpalipas ng gabi sa condo niya. Hindi ligtas dahil baka may mag duda na sa relasyon namin kapag may nakakita. Naging maayos naman ang kalagayan ang pagdating ng mga pinsan ko at ni Kuya Sirius sa ibang bandsa, nagkahiwa-hiwalay sila at sa gano'n mahirapan ang mga tauhan ni Madrigal, pero hindi daw iyon sapat para mag hindi ako mag-ingat.
"Ba-bakit daw?" Kinabahan na naman ako.
Nagkibit balikat siya. Palingon-lingon sa mga armadong lalaki sa loob ng gusali, pasimple silang sumusunod sa amin, at yung iba naman ay nakakasalubong namin. "Bakit ang dami nila? anong meron?" She asked.
"Hindi ko alam. Tara na, at baka mapagalitan ako. " Hinila ko sa kamay si Grenny, kailangan umalis n kami doon bago pa siya magdududa at mag-isip ng kung ano-ano. Sa gitna ng paglalakad namin papuntang opisina ay bigla nalang siya natigil, sinundan ko ang tingin niya.
Nakatayo si Kara di kalayuan sa amin, She's wearing a sexy black fitted dress. Bagay na bagay sa kanya ang suot, agad kong napansin ang dala niyang bag. Sumakit ang dibdib ko ng makita iyon, bakit kasi naisipan ko pang magpalit ng bag sa naiwang kong gamit kay Keb.
And I'm sure, tulad sa bag ko kay Daddy iyon galing. Yon' ang mas lalong nagpasakit ng puso ko.
"Goodmorning po Ms.Kara.." Si Grenny.
"Goodmorning Ma'am." Pilit kong bati ng tuluyan na siyang makalapit.
She smiled, ni hindi nagsalita. Mukhang napansin agad ang parehong gamit namin. Huli na ang lahat kung itatago ko pa ito. Hindi na ako nagpahalata kaya huminga nalang akk ng malalim.
"Same bag.." Sabi niha, hindi na ako nagulat. Napatingin si Grenny sa bag ko at bag ni Kara. "Ang alam ko limited edition lang ito, apat na bags lang ang inilabas kasama pa ng Daddy ko ang dalawang kaibigan para ibili ang mga anak."
Si Seiko at Ara ang itinutukoy niya, naikwento kasi ni Daddy na minsan silang nagsama sa isang bussiness trip. At dahil magkakaibigan kaming tatlk naisipan nilang parehong bag ang ibili sa amin. Pero hindi ko inaasahan na pati si Kara at meron nito.
"Mahal pala yang bag mo Princess?" Bulong ni Grenny, pero di konsiya binigyan ng pansin.
"This is not original, Class A." Sabay taas ko ng bag. "Binigay lang ng kaibigan ko." Pagsisinungaling ko.
Tumaas ang kilay ni Kara. Hindi kombinsido sa aking sinabi, pero hula ko maniniwala din naman. "Kulang pa po ang sahod ko para sa makabili ng ganyang bag Ma'am."
"Talaga ba Princess? Something fishy.." She smiled. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, pero may mali. Iba ang tono ng pagsasalita niya, kilala na ba niya ako? pero hindi ba't dapat siyang kabahan na ako si Selena De la Merced?Eh bakit parang hindi?
Nagmadali akong pumunta sa opisina ni Yvo, pagkakita ng sekretarya niya sa akin ay agad aking itinuro sa pinto."He's waiting for you. Kanina pa po." Mataray na sabi ng babae. Tumango nalang ako at kumatok, bumalot ang lamig sa katawan ko ng marinig ang boses ni Yvo.
Gusto nong mangiti, pero ng maalala ko ang nangyari kahapon ay lalo akong nanghina.
May nga bagay ba talaga na hindi talaga para sa akin?