Kaizer's POV:Nag-ayos na ako at nagbihis ng damit pangkasal pero naisipan kong mauna na lang muna sa Wedding Venue dahil may kailangan pa akong gawin doon kaya pumunta muna ako sa kwarto ni Direck na sya na lang maiiwan dito para may Driver ang dalawa. Tumango namn si Direck at umalis na ako.
Pagkadating ko sa wedding venue ay tinawag ko yung wedding organizer kong okay na ba lahat at umoo namn ito at tiningnan ko muna yung venue at maganda namn ang pagkakadecorate. Kaya umupo muna ako dahil napagod ako sa kakatayo.
Malapit ng mag10am kaya kinakabahan din ako pero dahil pupunta namn ang bride kaya wala dapat akong ikakakaba.
Nang sinabi ng wedding organizer na andyan na ang bride ay tumayo ako at pumunta na sa harapan ng altar.
Nang tumunog na ang musika ay binuksan na nila ang pintuan at nakita ko si Selene na may parang hinahanap sa likod nya. Kaya nagtataka namn ako kung sino yun pero nung bumalik ang tingin nya sa loob ay nakita nya sila ni Direck at Karen na kumakaway kaya medyo umaliwalas ang mukha nya dahil kitang kita yun sa kinatatayuan ko.
Tumingin din sya sa akin at ngumiti lang ako. Sa totoo lang ang ganda ganda nya sa suot nya ngayon. Ewan ko ba bat pa ako kinakabahan ako lang naman ang may gusto nito or MAHAL KO na sya noon pa. Haysst ewan.
Inantay ko na lang si Selene na naglalakad papunta sa akin. Nung makalapit na sya ay inilahad ko ang kamay ko at binigay nya din ang kamay nya sa akin. At nafefeel ko yung kaba nya at ang lamig ng kamay ni Selene sa sobrang nerbyos.
Pagkadating namin ni Selene sa harapan ni Tito Aaron ay ngumiti sya sa amin at ginantihan namn namin sya ng ngiti.
"Hi everyone I am Aaron Santillan I am the one who witness this wedding of this two children here in front of this Venue."
"So let's start. May gusto bang patigilin tong kasalan?" agad na tanong nito. Kaya lumingon kami ni Selene sa mga taong naimbitahan kong ninong at ninang.
"Wala naman pala so Start na tayo." at nagmisa ng konti si tito at pinatayo na kami ni Selene.
"Selene." tawag namn ni tito kay Tito.
"Yes po Father."
Father: "Do you take Kaizer Kiel Madrigal as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
Selene: "I do father"
"Kaizer." tawag namn sa akin ni Tito Aaron.
"Yes po Father."
Father: "Do you take Selene Dela Cruz as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
Kaizer: "I do father"
"Kaizer and Selene repeat After me." at nagsalita na si Tito Aaron at ginaya namn namin iyon ni Selene.
"Selene/Kaizer: "I take this ring as a sign of my love and faithfulness in the name of the father, the son and the holy spirit." at sinuot na din ni selene sa akin yung singsing at ganu din sa akin.
"Kaizer you may now kiss you bride." ewan ko ba kung saan ko hahalikan si Selene dahil alam kong namumula na sya. Kaya napag-isipan ko na lang na sa noo ko na lng sya halikan pero nagsabi sa akin yung mga nanonood dapat daw sa lips kaya nanghingi ako ng permiso kay Selene at tumango namn sya at dinampi ko ang labi ko sa kanya.
At naghiyawan silang lahat at may nagsabi pang... MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!...
Nung narinig ko yun ay napatawa lang ako na parang nahihiya.
At pumunta na din kami sa reception para kumain dahil alam ko na gutom na gutom na ang bisita namin.
Habang nasa reception kami ay madaming bumatu sa amin at pinasayaw kami ng konti at iniwan na namin sila para umuwi dahil alam kong pagod na pagod na tong si Selene.
Habang nagbabyahe kami ay tumawag si Direck.
"Bro, asan na kayo?" bungad agad nito sa akin.
"Bro, pauwi na kami kayo na bahala dyan ni Karen ha?" natatawa kong sabi.
"King ina bro, bat mo kami iniwan dito e di sana sumabay na lang kami ng uwi sa inyo ni Karen." natawa ako ng tawa dahil sa sinabi nya.
"Uwi na din kayo kung gusto nyo na ha? Pagod na kasi si Selene eh..kaya hindi na kami nagkapagpaalam sa inyo at sa mga bisita.
"O sige sasabihin ko na lang sa kanila na umuwi na kayo." nagtatampo pang sabi nito at enend call na ang tawag.
Napatingin ako kay Selene at nakita ko na syang natutulog kaya pinatabi ko muna ang sasakyan para ayusin ang upuan nya.
Mga ilang minutong byahe namin ay nakarating na kami sa bahay at ginising ko na si Selene at pumunta namn sya sa kwarto nya.
Ako namn ay pumunta din sa kwarto ko at nagpahinga muna ng konti bago maligo.Pagkaligo ko ay natulog na ako.
End Of Kabanata 14
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomanceGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020