𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 6

50 3 0
                                    

Parang na inlove ang tatlong mag kakaibigan sa nakita nila, habang nakatingala sila nakita nila na parang abot kamay nila ang buwan at mga bituin, napansin din nila na pa sphere talaga ang hugis ng kalangitan. Napaka linaw ng kalangitan kasabay pa ng lamig ng paligid.
    "Para tayong nasa garden" manghang wika ni Alyza kay Serene.
    "Ang ganda" wika ni Serene. Nang nasa damuhan na sila ay nakita nilang may malaking blanket na naka latag sa pinaka gitnang parte ng damuhan.
    "Tatlo pa lang kayong nandito?" tanong ni Adonis kina Venice. "Tara upo kayo" pag aaya ni Adonis. Hinubad nila ang tsinelas nila at umupo sa blanket.
    "Nandun sa likod ng puno sina Xerces, Brent at Mavz nakuha ng panggatong. Sina Gray, Juvia at Yash bumili sila ng marshmallow tsaka tubig" sagot ni Venice.
    Dumating sina Gray, Juvia at Yash na may bitbit na mga pagkain at tubig.
    "Oh picnic?" tanong ni Mavz na papalapit sa kanila bitbit ang ilang panggatong kasunod si Brent.
    "Sulitin na natin, last na to eh" wika ni Gray.
    "May bago pala sa tropa" puna ni Yash.
    "Ah, Oo nga pala" wika ni Adonis at tumayo. "Serene, Alyza, Summer, mga kaibigan nga pala namin." Pakilala ni Adonis. Tumayo sina Serene, Alyza at inalalayan naman ni Eugene si Summer na tumayo.
    "Napano yang tuhod mo?" tanong ni Yash kay Summer na parang insecure kina Serene, Alyza at Summer.
    "Nadapa ako" sagot ni Summer.
    "Lalampa lampa ka kasi" sagot ni Yash na parang nang uuyam.
Tumaas ang isang kilay ni Summer, si Summer kasi yung babaeng pabebe pero likas ang pagiging supladita at maldita kapag pinag mamalditahan din sya.
    "Wow ha! makasabi kang lampa ako tingin mo sa sarili mo maganda? Ang arte arte mo hipon ka naman!" Pag mamaldita ni Summer.
    "Ha?" tanging sagot ni Yash dahil nabigla sya sa pambabara ni Summer.
    "Awtz" sagot ni Adonis.
    "Palaban si ate, gusto ko yan!" puri ng isang pa girl.
    "Halika nga dito umupo ka sa gilid, maldita ka talaga no?" pag awat ni Eugene kay Summer at dinala si Summer sa kabilang gilid ng blanket. "Mga Dre ilugar nyo si Yash sa kabilang gilid, wag nyo pag tabihin tong dalawa na to baka mag sabunutan pag mag pang abot."
    "Talagang sasabunutan ko yan pag makalapit lapit yan sakin" hamon ni Yash.
    "Talaga? Try mo kayang sabunutan ako para makatikim ka ng upper cut ko." Palag ni Summer.
    "Miss wag mo na kasing patulan si Summer, hindi yan mag papatalo sayo. Ikaw kasi nangunguna ka sa pag iinarte" awat ni Serene.
    "Si Summer lang ang reyna ng kaartehan wag ka nang mag inaso ate" sabat ni Alyza.
    "Sapaw kasi eh" pahabol ni Summer.
    "Tama na mga girls, malapit nang lumabas ang mga friends natin." Pakikisali ni Adonis.
    "Shone dun tayo kay Summer, bet ko sya" aya ni Shine kay Shone.
    "Ateng, magka dugo talaga tayo pareho tayo ng bet" sagot ni Shine at lumapit sila kay Summer.
    "Nakakainis, sampid lang naman" inis na parinig ni Yash.
    "Shh- tama na" awat ni Gray.
    May nakita si Serene na isang maliit na ilaw napaka liit na parang kulay yellow na green hindi sya sure maya maya ay nag silabasan ang maraming ilaw napaka dami nila. Lalong namangha sina Serene, Alyza at Summer sa nakita. Magandang kalangitan, abot kamay na buwan at bituin, damuhang napaliligiran ng halamanan tapos biglang litaw ng mga mumunting ilaw.
    "Ano yan?" masayang tanong ni Serene.
    "Alitaptap" masayang sagot ni Serene. Nakita ni Adonis kung gaano kasaya si Serene sa nakita.
    "Ngayon lang ako nakakita nyan" wika ni Serene. "Thank You"
    "Thank You saan?" tanong ni Adonis.
    "Thank you dahil sa-" nakipag eye to eye si Serene sa kanya "Matagal ko nang gustong makakita ng fire flies sa personal, ikaw lang ang tumupad non" naka ngiti nyang sabi.
    "Ganon ba? Ang galing naman, gusto lang naming ipakita sa inyo yang mga alitaptap pero ikaw matagal mo palang pangarap mangyari ito" sagot ni Adonis.
    "Oo wala naman kasi akong alam na lugar sa Manila na may alitaptap eh" sagot ni Serene.
    "Mallows everyone?" tanong ni Venice. Habang nalitaw ang mga alitaptap ay nag ihaw sila ng marshmallow at nag kainan ng mga snacks, sina Shone, Shine at Alyza ay hinaharot sina Raph, Xerces at Mavz, si Brent, Adonis at Serene ay mag kakausap, Sina Venice, Juvia, Yash at Gray ay naka upo lang sa blanket habang nag kukwentuhan.
    "Naiihi ako" wika ni Summer kay Eugene. Tiningnan ni Eugene si Summer.
    "Walang cr dito" parang napaos na boses ni Eugene.
    "Ihing ihi na ako" sagot ni Summer.
    "Anong gagawin ko?" tanong ni Eugene.
    "Edi syempre dalhin mo ako sa kung saan pwedeng umihi" ani Summer. "Naiihi na talaga ako. Maiihian ko na ang panty ko" parang hindi na matiis ni Summer ang ihi nya.
    "Ihian mo na lang ang panty mo, umupo ka jan sa sulok tapos pasimple kang umihi jan" utos ni Eugene.
    "Bakit pag umihi ba ako sa panty ko ipapahiram mo yung brief mo?" tanong ni Summer. Agad tumayo si Eugene at binuhat si Summer sa damuhan.
    "Jan ka nalang umihi. Ingat ka sa ahas virgin ka pa naman" biro ni Eugene.
    "Bastos ka talaga" sigaw ni Summer.
    "Maginoo naman" sagot ni Eugene.
    "Letche! Wag kang sisilip ah" babala ni Summer.
    Nang tapos nang umihi si Summer ay inalalayan ni Eugene ang dalaga.
    "Bakit di mo ako binuhat?" tanong ni Summer.
    "Ang panghi eh!" biro ni Eugene.
    "kapal mo kahit tumira ka pa dito walang panghi yan, sira ulo" inis na wika ni Summer. Pinasan ni Eugene si Summer
    "Ayos ah, ikaw pa lang bwena mano sa likod at bisig ko" reklamo ni Eugene.
    "Bakit wala ka pa bang GF? Ilang taon ka na wala ka pang GF, bakla ka no?" tanong ni Summer na nang aasar.
    "Bakla, gusto mo halikan kita jan eh" hamon ni Eugene.
    "Weh" sagot ni Summer.
    "Sabihin mo lang" hamon ni Eugene.
    "Tigilan mo ako na be beastmode nanaman ako sayo" sagot ni Summer na kinakabahan dahil baka totohanin ni Eugene. Nang papalapit na sina Summer at Eugene ay napa sipat sya kina Yash nakita nya ang apat na naka upo at nag kukwentuhan, Si Venice katabi si Yash, si Yash katabi si Juvia at si Juvia katabi si Gray. Nakita nya rin na magka patong ng kamay sina yash at Gray sa bandang likuran ni Juvia. Pero hindi na nya ito pinansin dahil biglang tumunog ang tiyan ni Summer.
    "Nag vibrate yung tiyan mo!" nagulat pero natatawang puna ni Eugene.
    "Bilisan mo nagugutom na ako" utos ni Summer. "Mag ihaw pa ulit tayo ng marshmallow"
    "Kanina mo pa ako inaalila ah, baka naman mamaya magpabuhat ka nanaman dahil natatae ka" biro ni Eugene.
    "Pwede rin, malay mo" sagot ni Summer. "Nah, mag ihaw ulit tayo ng marshmallow"
    "Ang takaw takaw mo, kanina sa bahay nila Serene nakita kita ga bundok yung plato mo tapos kanina dito halos sinolo mo yung isang malaking pack ng marshmallow ngayon naman gutom ka ulit, ano bang meron sa tiyan mo? Sawa? O anaconda?" tanong ni Eugene.
    "Minions! Alam mo yun? Madaming minions ang nasa tiyan ko, hala sya! Mag ihaw na tayo, gutom na ang mga minions ko" sagot ni Summer.
    Habang nag iihaw ng marshmallow si Eugene ay kinakain naman ni Summer ang itinatabi na naihaw ni Eugene. Habang nala upo sa di kalayuan si Serene ay lumapit si Adonis at naki upo na rin sa isang log.
    "Mukhang masayang masaya ka ah" puna ni Adonis. Tumingin si Serene sa nag salita.
    "Ikaw pala, natutuwa kasi ako sa kanila eh" sagot ni Serene at itinuro sina Alyza, shone, shine, Raph, Xerces at Mavz na nag haharutan. Hawak ni Alyza ang kanang braso ni Mavz, hawak naman ni Shine ang kaliwang braso ni Mavz samantalang si Raph ay naka hawak sa kanang binti ni Mavz at sa kaliwang binti naka toka si Xerces. Ang kawawa ay si Mavz dahil bihag sya ng mga kaibigan habang tinatanggal ni Shone ang sinturon ni Mavz gamit ang bibig. Tawa ng tawa habang nag pupumiglas si Mavz.
    "Ayoko na! Dre! Di na ko maka hinga! Pleaseee!!" pag mamaka awa ni Mavz habang natawa.
    "Ngayon ko lang nakita na nakipag halubilo si Alyza sa mga lalaki, kung mapapansin mo para syang Summer kung umasta pag dating sa mga boys pero ang totoo ilag talaga sya, pihikan at mapili sya sa mga lalaking kaibigan pero tingnan mo, enjoy na enjoy syang kasama ang mga kaibigan mo na puro lalaki." Paliwanag ni Serene.
    "Hmm, siguro kapalagayang loob nya sina Shone at Shine, tingnan mo naman mas babae pa sa babae yung dalawang yon" sagot ni Adonis.
    "Buti napayag kayong may babae at parang babae sa tropa nyo" wika ni Serene.
    "Oo naman" kumuha ng maliit na bato si Adonis at hinagis sa bandang pinag lulutuan nila Eugene at Summer. Kasalukuyang naka talikod si Summer sa ihawan at kay Eugene dahil iniihipan nya ang marshmallow na naiwan ng di sinasadyang tinamaan ng batong inihagis ni Adonis ang ulo ni Summer. "Hala natamaan ko si Summer"
    "Hala ka" nabiglang wika ni Serene. Tiningnan ni Summer ng masama si Eugene na busy sa pag iihaw, sa pag aakalang binato sya ni Eugene at biglang kinonyatan ni Summer ng plastic ng marshmallow si Eugene.
    "Inaano ka?" nabiglang tanong ni Eugene.
    "Nambabato ka eh!" sagot ni Summer.
    Nag tawanan sina Adonis at Serene sa reaksyon nila Eugene at Summer.
    "Parang mapapalitan na ako ni Eugene sa pwesto bilang best friend ni Summer ah" wika ni Serene.
    "Hahah, parang tama ka, close agad sila eh" sagot ni Adonis. "Gusto mo mag laro tayo?" tanong ni Adonis
    "Anong laro?" excited na tanong ni Serene.
    "Gusto kong makilala kayo ng mga kaibigan mo wala kasi tayong formal na pag papakilalanan kanina kasi nagkainitan sina Yash at Summer eh" sagot ni Adonis.
    "Oo nga, gusto ko rin sanang makilala pa kayo ng lubusan kasi nakaka tuwa yung bonding nyo sa isa't isa." Pag sang ayon ni Serene.
    "Ganito na lang ang game natin, Tanungan tayo okay lang ba sayo? Kung na bo boring ka ibahin nalang natin" suggest ni Adonis.
    "Sounds interesting, mas gusto ko yung gantong game kaysa game na papawisan ako hahah" sagot ni Serene. "kaya ako mataba eh"
    "Di ka naman mataba, tama lang naman katawan mo, chubby" pag tatami ni Adonis. "Sino una?"

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon