Clifford's POV"Pre ngiti ka naman diyan oh. Lagi ka na lang nakasimangot eh." asar sa akin ni Choi habang nandito kami sa meeting room ng opisina namin.
"Things will be okay Clifford." Dagdag ni Seb habang nililigpit niya ang mga gamit niya.
"Saka wag ka na maginarte diyan. Napalitan mo nga agad si Ken eh, bebot pa. Kaya lang nakakatakot eh parang kontrabida" asar ulit ni Choi dahilan para tignan ko siya nang masama. Nakakarami na tong ulul na to ah.
Katatapos lang din ng mga meeting namin lalo na sa mga bagong projects, ang dami kodin kasing namiss na projects kaya parang inupdate na lang din nila ako. Mabuti na lang din talaga at kaagapay ko si Choi at Seb sa negosyong ito dahil aaminin ko na nitong mga nakaraang linggo ay lagi akong wala at hindi maka-usap nang maayos. Hindi ko alam pero halos mawalan ako ng motivation and energy to live.
Ano nga ba nangyari sa akin pagkatapos ng tagpong iyon?
Ayun syempre nasaktan. Nadurog to be exact. Hindi ka ba masasaktan kung ganun? Para akong inalisan ng karapatan para mabuhay, I am not exagerrating mga pre pero yun talaga ang naramdaman ko. Pakiramdam ko wala na akong ibang pwedeng gawin sa buhay ko para mag-umpisa muli. Bakit pakiramdam ko wala na ako chance na itama ang mali ko at mag-umpisa muli? The feeling of being deprived na wala ng choice kung hindi ipaskil yung pagkakamali sa noo ko.
Simula nang magawa ko ang kasalanang iyon kay Ken ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang pagsisihan yun. Wala akong ginawa kung hindi tanungin ang sarili ko kung bakit ko nagawang saktan yung taong alam kong mahal ko at mahal din ako? Kung bakt sinira ko yung maganda naming memories para lang sa isang gabing yun? Kung bakit ko hinayaang mangyari yun? Yun lang yung mga tanong na laging bumabagabag sa isip ko until dumating at bumalik si Ken.
When he came back, pakiramdam ko way yun ng Universe for me to redeem myself, to show Ken that I am more than that mistake and above all that I am willing to to everything just to win him back. Mga pre I am not perfect, far from being perfect to be exact pero ang alam ko lang ay mahal ko si Ken. Mahal na mahal ko lang talaga siya na halos lahat ng mga ginagawa ko ay iniisip ko kung magiging proud ba siya sa akin, matutuwa ba siya up to the point na makakalimutan niya yung kagaguhan ko.
And when that Happened? It tore me apart. I dont want to invalidate Ken's pain pero bakit hindi niya man lang ako mabigyan ng pangalawang pagkakataon? Bakit ang hirap sa kanya na patawarin ako? Bakit pakiramdam niya hindi ako nasasaktan? I must admit, na galit ako sa ginawa niya. Bukod sa awa sa sarili ay lagi kong iniisip ko bakit mas nangingibabaw ang galit sa kanya gayong parehas naman naming alam na mahal pa namin ang isat-isa? I was broken,torn and alone and in here Alicia came.
For the past weeks bago mangyari ang tagpong yun sa amin ni Ken ay halos naging kaibigan ko din si Alicia. Sa madalas kasi na pagsundo ko kay Ken o di kaya ay pagdadala ng lunch ay madalas ko din itong nakikita sa office na nakikipagusap o nakikipagbiruan sa mga security guards o di naman kaya ay sa mga maintenance. Hindi ko alam kung bakit sila ang mga lagi niyang kausap pero humanga ako sa kanya kasi malayo yun sa character na iniisip ko tungkol sa kanya.
I know hindi obvious pero Alicia is a really nice woman, shes more than her image, shes more than her looks. She grew up in Europe kung saan nakuha niya ang pagiging liberated, her dad was a soldier na tinuruan siyang maging matapang, she basicaly grew up with tough love kaya medyo malakas ang personality niya.
We became friends ng hindi namin namamalayan until ilang araw after mangyari ang tagpong yun ay pinuntahan ako ni Alicia sa opisina namin.
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?