Kina umagahan, nangising si Serene dahil sa napaka liwanag ng kwarto nila, napansin agad nyang naka bukas ang pinto. Sa pag kakaalala nya ay naka sara ang pinto ng matulog sila at hindi naka bukas ang pintuan papunta sa terrace ng kwarto nila, kaya pag upo nya sa kama ay napansin nya si Adonis na naka upo sa upuan at naka patong ang paa sa study table habang nag tutupi ng papel (origami), napansin nya rin si Eugene na naka higa sa ilalim ng double deck na kama habang nag dudutdot ng cellphone samantalang si Rap ay naka tayo sa may terrace.
"Good morning!" bati ni Adonis. Hindi maka salita si Serene, dahil siguro nahihiya sya dahil wala pa syang hilamos at mumong kaya imbes na bumati rin ay napa balikwas ito sa kama at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto para mag hilamos. Pag balikwas nya ay nauga nya ng matindi ang kama kaya naalimpungatan si Summer.
"Ang gulo mo Serene!" sigaw ni Summer, naingayan naman si Alyza kay Summer kaya kinuha nya ang unan at hinampas kay Summer.
"Ang ingay mo!" tulog ang diwa na sabi ni Alyza.
Patakbo ulit na bumalik sa kwarto si Serene dahil may nakalimutan sya.
"Anong nangyari sayo?" tanong ni Adonis. Hindi sumagot si Serene bagkus ay dali dali nyang kinalkal ang bag nya para kunin ang toothbrush nya, sa pag kakalkal nya ay hinahagis nya ang ilang damit sa kama dahilan para matabunan ang mukha ni Summer.
"Hoy! Ano ba Serene!" sigaw ni Summer sabay upo, nakita ni Summer na tumakbo palabas ng kwarto si Serene. "Nababaliw nanaman to"
"Anak ng baka naman oh!" sigaw ni Eugene sabay hagis ng kumot kay Summer. Napatingin si Summer sa sumigaw at napatili sya ng makita si Eugene.
"Aaahhhhhhh!!!!" pag ka tili nya ay agad nyang kinuha ang kumot at tinabon sa bandang dibdib nya sa gulat ni Eugene ay napa upo sya sa kama at nauntog sa railings "May nakita ka?!!!!" pasigaw na tanong ni Summer.
"Wala akong nakitang kakaiba! Napansin ko lang na wala kang bra yun lang!" sagot ni Eugene na nabigla sa tili ni Summer habang hinihipo ang nauntog na parte ng ulo. "Tanungin mo si Adonis sya yung nasa harap mo."
Pag turo ni Eugene kay Adonis ay tila nag teleport ang Pinsan at agad naka rating sa terrace sa tabi ni Raph. "Oi! Wala akong alam jan, nandito kami naka talikod" deny ni Adonis pero ang totoo ay may nakita syang ano- (cute na pasas)
"Ano yun?" tanong ni Raph na titingin sana kina Summer pero pinigilan sya ni Adonis.
"Porn yun! Masama yun bawal tayo dun!" sagot ni Adonis kaya hindi na rin tumingin si Raph. Nagising si Alyza sa ingay ni Summer at Adonis kaya umupo rin ito sa kama.
"Bat ba ang ingay nyo?" tanong ni Alyza at napatingin kay Summer. "Yuck naka bold!"
"Di ako naka bold no! pantaas lang ang wala ko" sagot ni Summer. "Hoy Eugene wala ka ba talagang nakita?" tanong ni Summer.
"Wala nga! Ang layo mo sakin oh! Tsaka naka side view ka wala akong makikitang front view!" sagot ni Eugene. "Kahit naman front view wala kong masisipat, flat eh" biro ni Eugene.
"Hahaha!" Biglang tawa ni Alyza. Tumayo si Summer na naka tabing ng kumot ang katawan at lumapit kay Eugene.
"Anong sabi mo?" tanong ni Summer at sinabunutan si Eugene.
"Aray biro lang!" natatawang sabi ni Eugene "Bundok yan! Bundok!" biro ulit ni Eugene.
"Lumabas ka nga dito mag bibihis ako!" sigaw ni Summer.
"Eh bakit sila?" tanong ni Eugene at itinuro sina Raph at Adonis sa terrace.
"Nasa labas na sila ng kwarto, ikaw lumabas ka mag bibihis muna ako" sagot ni Summer.
Lumapit si Alyza sa pinto ng terrace. "Wait lang boys ah, isasara ko muna yung pinto mag bibihis lang si Summer" wika ni Alyza kina Raph at Adonis. "Walang maninilip"
Nang isinira na nila ang pinto ng kwarto ay humarap si Summer sa salamin at tiningnan ang front view nya.
"Flat ba talaga? May cleavage naman diba?" parang malungkot na tanong ni Summer kay Alyza.
"Sus! Wag ka maniwala kay Eugene na flat chested ka, ang paniwalaan mo, di nya nakita yan joga mo, tingnan mo nga malaman yan tapos sasabihin nya flat, ibig sabihin hindi nya talaga nakita, nanghula lang sya" Paliwanag ni Alyza.
"Bwisit talaga yang Eugene nayan inumpisahan nya nanaman araw ko" wika ni Summer at nag bihis na ng damit. Pag ka bukas ng pinto ay nag si pasok sina Adonis at Raph mula sa terrace at sina Eugene at Serene mula sa labas ng kwarto.
"Bakit nyo ni lock yung pinto?" tanong ni Serene.
"Nag bihis ako" sagot ni Summer. "Tara Lyza mag hilamos na tayo" aya ni Summer. Nang nag hilamos na sina Summer at Alyza ay kinausap ni Serene ang tatlong lalaki.
"Bakit ba kasi kayo nasa kwarto ng babae?" tanong ni Serene habang naka harap sa salamin at nag susuklay ng buhok.
"Pinaakyat kami dito ni Tita Sharina, gisingin na daw namin kayong tatlo." Sagot ni Adonis at hinawakan ang cellphone ni Serene. "Anong password nito?"
"0-1-0-1-0-1" sagot ni Serene. "Eh bat ang aga nyong pumunta dito?" tanong ni Serene.
"Mag pipicnic tayo sa may bundok." Sagot ni Adonis, "dun sa may fishpond at mini rice terraces, maganda dun"
"Sinu-sino naman ang kasama?" tanong ni Serene at umupo sa tabi ni Adonis sa kama, nakita ni Serene na pinapasa ni Adonis ang pictures nya sa cellphone ng binata. "Hoy! Bakit mo kinukuha yung pictures ko?"
"Ang cute mo kasi dito" sagot ni Adonis.
"Pasahan mo rin ako ng picture mo" utos ni Serene.
"Picture ko ayaw mo?" tanong ni Eugene na naka higa sa kama ni Summer.
"Ipasa mo kaya kay Summer" sagot ni Serene.
"Ayoko, ipakulam pa ako nun" biro ni Eugene.
"Sino ba kasama natin?" tanong ni Serene.
"Tayong anim lang" sagot ni Adonis. "Nag paalam kami kanina sa Mommy mo kaya nga pinapa gising na kayo para maaga tayong maka rating.
"Hindi sasama sila Mommy" tanong ni Serene.
"Umalis sila eh, pumunta sa Bautista, nag gala, kanina pa sila umalis" sagot ni Raph na good boy na nakaupo lang sa swivel chair.
"Lahat sila? Sina Mamang at Aluza?" tanong ni Serene
"Sumama rin sila pati nga si Tito Alfi" sagot ni Eugene.
"Anong kinakalkal mo jan?" tanong ni Adonis kay Serene habang nag hahanap ng kung anong bagay sa bag.
"Snacks," sagot ni Serene.
"Oh sige mag dala ka ng snacks nyo." Wika ni Adonis.
"Pano yung ibang pag kain wala tayong na ready" tanong ni Serene.
"Ay, meron na duon. Iluluto na lang natin" sagot ni Adonis. Pag labas nila ng bahay ay nakita nila na may tatlong motor.
"Angkas ako kay Raph!" sigaw ni Alyza at umupo na sa motor na ida drive ni Raph. Sumakay naman si Serene sa motor ni Adonis.
"Sigurado kang marunong ka mag drive?" tanong ni Summer.
"Madadala ko ba to dito kung hindi ako marunong?" tanong ni Eugene.
"Malay ko bang tinulak mo lang simula sa inyo hanggang dito?" tanong ni Summer. Sumakay si Eugene sa motor at ini start ang makina.
"O sige wag ka sumakay, mag lakad ka ha?" sagot ni Eugene.
"Biro lang okay?" sabi ni Summer.
Habang nabyahe sila ay nakita nila ang mga mag sasaka na busy sa pag tatanim ng palay. Ngayon lang nakita ni Summer ang ganon sa personal dahil laking Manila sya gayun din ang parents nya at grandparents nya. Both side yun.
"Picture picture!" aya ni Alyza. Bumaba silang anim sa motor na sinasakyan nila at nag picture picture sila sa kalsada pati view ng palayan at bundok ay dinamay nila.
"Tag mo ko sa Fb ah!" wika ni Raph kay Alyza.
"Oh, sure ikaw pa! malakas ka sakin eh" sagot ni Alyza.
"Ano bang meron sayo Raph at malakas ka sa lahat nalang ng babae?" Tanong ni Eugene kay Raph dahil 2nd time na nya itong narinig.
"Good boy kasi ako" sagot ni Raph kay Eugene.
"Kumusta naman ako, Good Boy din naman ako, tingnan mo, inaabuso ako ni Summer" Biro ni Eugene.
"Ako nanaman nakita mo? Uumpisahan mo nanaman ako?" tanong ni Summer.
"Di ka naman mabiro madam" sagot ni Eugene. Nag byahe ulit sila paakyat ng bundok at ng nakarating sila sa destinasyon ay bumaba ulit sila sa motor para mag lakad papasok sa gubat,
"Ingat girls baka mahulog kayo" babala ni Adonis habang natulay sila sa tatlong hakbang na log bridge.
"Di naman ako mapipilayan pag mahulog ako sa butas" sagot ni Summer. Kampante kasi sya dahil natantsa nya ang hukay na hanggang tuhod lang. Habang tinutulay nila ang maiksing log bridge ay biglang sinundot ni Eugene ang tagiliran ni Summer sa sobrang gulat ni Summer ay natulak nya si Eugene at nahulog ang binata sa hukay.
"Hala nahulog!" sigaw ni Summer. At ginaya nya ang nag trending sa FB na Hala nahulog song. "Hala nahulog! log! Log! Log! Log!"
"Oh! Dre! Buhay ka pa?! Bakit ka natalon jan? di ka mamatay jan masyadong mababa!" biro ni Raph.
"Hilahin mo ko Raph!!" sigaw ni Eugene, pag hila sa kanya ay nandiri sina Serene at Alyza dahil may naka kapit na mga linta sa binti ni Eugene.
"Hala dre! May linta!" sigaw ni Adonis.
"Dre tanggalin nyo! Tulungan nyo ko" utos ni Eugene.
"Wag na Dre! Jan na lang yan, accessory ng binti mo yan" biro ni Raph
"Di naman nakakamatay yan Dre, ni nerbyosin ka lang" biro ni Adonis.
"Ayan tayo eh!" feeling nag tatampo si Eugene pero tinatanggal nilang tatlong mag kakaibigan ang mga naka dikit na linta.
"Bakit kasi nag da dive ka jan sa hukay masyadong mababa oh, may pagkakataon ka pa tuloy mabuhay?" tanong ni Raph.
"Nag bungee jumping ka nalang sana para straight na" biro ni Adonis.
"Ganyan kayo! Di nyo na ako Mahal!" sagot ni Eugene. "Si Summer kasi eh, kurdapya!" Nag tawanan sina Adonis at Raph.
"Ikaw kasi nanunusok ka yan tuloy! Karma express nangyari sayo" depensa ni Summer.
Nang makarating sila sa Kubo ay napansin agad ni Serene ang mini rice terraces, Fish pond sa irrigation, isang malaking puno ng sampalok na nag bibigay lilim sa kubo, mga nag lalakihang dahon ng gabi sa may bundok at mga puno ng mangga. Agad nilang nakita ang isang matandang lalaki na umiinom sa isang bukal.
"Ammang" tawag ni Adonis. Lumapit ang matanda sa mga kabataan.
"Donis?" tanong ng matanda.
"Ako nga Ammang," sagot ni Adonis.
"Sino mga kasama mo?" tanong ng matanda. Iniabot ni Eugene ang salamin ng matanda. "Ah! Si Rap at si Gene" masayang wika ng matanda ng malinaw na nakita ang mga mukha ng kasama ni Adonis. "Sino sila? Nobya nyo?" tanong ng matanda habang naka tingin sa tatlong binata.
"Hala Lolo hindi no" sagot ni Summer.
"Hindi po Ammang" mahinhing sagot ni Serene.
"Hindi po" sagot ni Alyza.
"Ammang mga apo nyo po sila"pakilala ni Adonis.
"Ha?" Gulat na tanong nila Serene at Alyza.
"Ammang, sila yung mga apo ni Mamang Sun" pakilala ni Adonis.
"Apo ni Sun sa kaninong Anak?" tanong ng matanda.
"Auntie Sharina" sagot ni Adonis. "Mag bless kayo, Lolo nyo yan si Ammang Janus, asawa sya ni Mamang Moon, yung kakambal ni Mamang Sun" pakilala ni Adonis. Nag mano sila Serene at Alyza sa matandang lalaki.
"May kakambal si Mamang Sun?" tanong ni Serene.
"Oo, hindi mo alam?" tanong ni Adonis. Napa hinga ng malalim si Serene at humawak sa dibdib nya.
"Nung pamamanhikan po ba nasa bahay kayo ng kambal ni Mamang Sun?" tanong ni Serene sa Lolo Janus nya.
"Oo apo, bakit mo natanong?" tanong ng matanda
"Hooh!" sigaw ni Serene at natatawa. "Nung nalaglag po ako sa terrace nakita ko po silang dalawa na nag aalala, akala ko po nahihilo at naduling lang ako, ayun pala totoong dalawa ang nakita ko dahil kambal sila" paliwanag ni Serene.
"Bless po Ammang, ako po si Serene" pakilala ni Serene.
"Mano po, ako po si Alyza" pakilala ni Alyza. "Anak po ako ni Daddy Kifer kay Mommy Meg"
"Ikaw pala ang anak ni Meg, kumusta ang Mommy mo?" tanong ng matanda.
"Po?" tanong ni Alyza. "Hindi ko po alam, matagal na po kaming hindi nagkikita at nag kakausap ni Mommy simula nang iwan nya ako nuong bata pa ako" paliwanag ni Alyza.
"Hindi mo pa rin nakita ang Mommy mo?" tanong ni Janus "Ibig sabihin hindi sya nagpakita sayo nang lumuwas sya sa maynila?" tanong ng Lolo Janus nya.
"Lumuwas po sa Mania si Mommy?" gulat na tanong ni Alyza.
"Oo, pero matagal na iyon. Nuong nag away ang magulang mo at nag hiwalay, bumalik si Meg dito para kunin ka pero wala na kayo kasi tumira na kayo ni Kifer sa Maynila. Nuong bumalik si Kifer dito nagkita at nagkausap na sila ni Meg, ibinigay ni Kifer ang address ng ng Tita Sharina mo para madalaw ka nya pati ang contact number nyo." Paliwanag ni Lolo Janus.
"Pero hindi po dumadalaw si Mommy ni hindi rin tumatawag" sagot ni Alyza.
"Baka naging busy lang si Tita Meg"sagot ni Serene.
"13 years naging busy si Mommy?" tanong ni Alyza. "Hayaan mo na. Kung ayaw nya akong makita ayos lang tutal may Mommy Sharina naman ako" Biglang iniba ni Lolo Janus ang usapan dahil ayaw nyang mahaluan ng lungkot ang pag dalaw ng mga Apo nya.
"Ay sya, kumain na ba kayo? Wala akong niluto jan di naman kasi kayo nag sabi na pupunta kayo dito, mag luto na lang kayo at may gagawin pa ako sa taas" Pag iiba ng matanda sa usapan. "Raphael, mag saing ka jan, nasa ilalim yung bigas."
"Raphael pangalan mo?" tanong ni Alyza.
"Raph lang" sagot ni Raph, "Tatay ko yung Raphael, carbon copy daw kasi kami eh"
"Ammang si Jenas at Nieves?" tanong ni Raph
"Nandoon sa Manggahan mamaya bababa sila" sagot ng matanda habang papalayo sa kanila. "Akyat na ako sa taas , kayo na bahala dito"
"May kakambal pala si Mamang Dalisay bakit hindi mo sa akin sinabi?" tanong ni Serene kay Alyza.
"Hindi ko alam na may kakambal si Mamang Sun, hindi naman sila dumadalaw sa bahay nuong dito pa ako sa Central naka tira." sagot ni Alyza.
"Oo may kakambal sya di nyo ba nakita sa Family frame nyo sa Salas?, haaay pambihira! Palibhasa kasi ayaw lumabas ng kwarto" puna ni Adonis.
"Sino naman sina Jenas at Nieves?" tanong ni Serene kay Adonis.
"Pinsan nyo sila, Anak ng Tito Kierr nyo" sagot ni Adonis.
"Kakaiba ang pangalan ni Tito Kierr no?" tanong ni Serene.
"Pinangalan sya sunod sa pangalan ni Papang Kiel" sagot ni Eugene.
"Ganun ba" sagot ni Summer.
BINABASA MO ANG
#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st Story
Подростковая литература"Holy Cow!" sigaw ni Eugene habang nakatitig kina Serene at Adonis na magkayakap habang tulog sa sahig. Nang matauhan si Adonis ay agad itong napa upo, gayon din si Serene at naka taklob ng kumot, si Adonis naman ay kita ang hubad na itaas. "Dre...