Kanina pa hindi mapigilang maglinis ni Amora kahit pa ginagawa palang ang bubungan.Ganoon kasi siya talaga.Todo bantay siya ngayong sabado dahil nagpaalam siya sa boss niya na umuwi ng maaga ng dahil nga rito.
"Alam mo dapat talaga mag asawa kana."
"Ano naman ang kinalaman niyon sa bubong ko?"
Tanong niya sa kaibigang kausap sa cellphone kanina pa."Para naman may katuwang ka sa pagpapagawa niyan."
"Kung ang pagpapagawa ng bubong lang ang katumbas ng pagpili ng mapapangasawa'y,bakit pa ako mag aasawa?Hahanap nalang ako ng karpintero!"
Tawa lang ng tawa ang kanyang kaibigan sa sinabi niya.
Bakit hindi pa nga ba siya mag asawa?Malapit na ang kanyang susunod na kaarawan.Mag te trenta'y uno na siya.
Well,PIHIKAN"siya.Period!Bigla tuloy nanumbalik sa ala-ala niya noong collage days niya.May nagkakagusto sa kanya noong kaklase,kalauna'y naging kaibigan niya at di nagtagal ay sinagot niya rin ang lalaki.Bakit pa?E sino ba naman ang hindi kung ang manliligaw mo'y naka kotse at may mga condominium na pinauupahan at teachers pet ng lahat at bonus na ang gandang lalaki pa nito.Kapag lumalabas sila'y bongga ang pinagdadalhan sa kanya nito.Puro sa mamahaling restaurant siya nito dinadala.Pilit pa siyang binibigyan nito ng allowance dahil narin sa alam nito ang kalalagayan niya at siyempre pa'y hindi niya iyon tinatanggap.
Marami na silang plano noon.Ang balak nila'y magpakasal na kapag nakapagtapos na sila.Wala rin naman siyang masasabi sa lalaki dahil kahit nakakalimot ito pag minsa'y iginalang naman siya nito.
Hanggang sa dumating ang araw na makilala niya ang kanyang nag iisang tiyahin.Dumating iyon sa araw na ipinagdiriwang niya ang kamatayan ng mga magulang.Hindi niya alam kung bakit ngayon lang ito nagpakita,hindi niya nalang iyon binigyang pansin dahil nasorpresa naman siya sa kanilang pagtatagpo at ipinakilala niya rito ang kanyang nobyo.Dumating ang pagkakataon na sinorpresa niya ng bisita ang lalaki sa condo nito dahil nga sa ilang beses na inaaya siya ng lalaki'y lagi naman niyang tinatanggihan.Nang araw na iyon ay nagtanong tanong siya dahil narin sa kinabukasan ang kaarawan ng lalaki'y balak niyang siya ang maunang bumati rito ng personal.
Nagtaka siya ng maiwang nakabukas ang tinutuluyan nito dahil aywan ba niya kung bakit niya naisipang pihitin ang pinto at pumasok sa loob,dahan dahan siyang pumasok at natanaw niya mula sa sala na nakabukas pa ang kwarto nito.Sa pag aakalang nakalimutan lamang nito ang mga iyon na isara ay pumasok narin siya sa kwarto nito ng hindi nito alam.Upang mahindik lamang sa nakitang tagpo.
Ang kanyang tiya at ito sa ibabaw ng kama.
Nagulantang din ang dalawa ng maibagsak niya ang mga dala dala niyang cake at kung ano ano pang pangsorpresa.
Nanakbo siya at rinig niya pa ang pagtawag sa pangalan niya ng nobyo.
Tulo ng tulo ang kanyang mga luha ng dahil dito.
Hindi siya nagpakita rito ng mga ilang buwan at umiwas.
Ngunit hindi niya ito mapagtataguan ng matagal.Nagkausap sila nito at noon niya nalaman ang lihim ng nobyo.Isa pala itong bayaran.At may balak na raw sana itong huminto ng dahil sa kanya.Kaya lang ay muling nagpakita at nagbanta ang pinakamayaman nitong kliyente.Iyon ay ang tita niya,na sasabihin daw sa kanya ang katotohanan kung hindi ito mapapasa kanya kahit na sa huling pagkakataon.
Hindi niya mapatawad ang lalaki.Magalit man siya sa sarili'y hindi na niya maiwasang hindi mandiri rito.
Sa kadugo niya pa?Hindi niya kayang tanggapin.
Kaya nagkahiwalay sila nito sa masakit na paraan.Nang dahil din iyon sa sarili niya.Hindi niya maipaliwanag kung bakit siya ganoon.Kung ang Diyos nga nakakapagpatawad.Nakakapagpatawad naman siya,pero hindi yata siya marunong lumimot.Kahit man siya sa sarili niya'y naiinis rin.Pihikan siya talaga,lalo na sa lalaking walang bait sa sarili.
At naiinis siya sa sarili!
Ngunit hindi niya yata kayang baguhin pa iyon..."Ano po?Kulang parin?Hanggang dito lang po ba ito?"
Tanong ni Amora sa kumontrata sa kanya ng matigil ang pagbabalik ala-ala niya."Wala po tayong magagawa.Hindi po kasi kasama sa pinag usapan natin iyan."
Napabuntunghininga siya sa nalaman.
Paano naba ito ngayon???
...
"What?Ngayon pa Dar?"
Galit na galit na sigaw ni Graham sa assistant niya.Hindi ito kumikibo dahil sa galit si Graham.
Tinapik tapik siya ng manager niya sa balikat na para bang sinasabing ok lang yan.
Napa upo si Graham sa sulok.
"Alam mo namang siya lang ang nakakagamay na sa mga trabaho ko,bakit biglaan naman at hindi man lang siya nag dahan dahan?!"
Sabi ni Graham sa kanyang Kaibigang manager."E anong magagawa mo,e sa ayaw na ng tao?Alangang pilitin mo pa,e tapos na pala ang kontrata?Wala ka ng habol pa?!"
Napahawak si Graham sa kanyang batok.
"Bakit hindi ka nalang humanap ng iba diyan?Yung makakapalagayang loob mo rin?Marami naman diyan."
"Hindi lang naman sa marami tol,kaya lang ay,,,mahirap humanap ng mapagkakatiwalaan.Yung hindi malikot,yung pipi,yung kahit saan mo isalpak ay oo lang ng oo,kahit saan mo bitbitin ay laging pwede."
"Eh,mag aasawa na si Darwin eh,ano gusto mong mangyari?"
"Bakit?Hindi ba dapat nga na lalo siyang magsikap dahil mag aasawa na siya?"
Takang inis niyang sagot sa kaibigan."Uhem,,siyempre alam mo na 'yon."
Sabi nito na alam na niya ang ibig ipakahulugan." Bakit siya ba ang sumasalang?Siya ba ang nagpapakita ng katawan?"
"Hindi nga,kaya lang.Kita mo naman sa atin palang ang dami ng nasusuklam,kaya nga itinatakwil tayo hindi ba?Pati ako,bakit?Kasi partner in crime tayo eh.So magtataka kapa ba kay Darwin kung gusto na niyang kumalas?"
Napatingin si Graham sa kaibigan sabay tapon ng tingin sa aalis na assistant na yukong yuko dahil sa hiya sa kanya.Bakit hindi e,karay niya ito kahit saan.Kapag nagigipit ang lalaki'y siya ang tumutulong rito.Marami na silang pinagsamahan.Marami na itong nalamang katarantaduhan niya.Ganoon din siya rito.Ngunit ang trabaho'y trabaho.Mapagkakatiwalaan ang lalaki.Alin sa iba?Baka lihim na siyang ninakawan ng video at ibinenta't inilabas na sa kung saan saang parokyano?
"Ang video niya kasi'y pang ibang bansa lang at hindi dito sa pilipinas.Screen name lang din ang gamit niya.Kapag on screen na siya'y naka maskara siyang itim.Isa rin iyon sa tinatangkilik ng mga nagbabayad sa kanila.Darating kasi ang panahon na mag fe face reavel siya at nakasaad iyon sa kontratang pinirmahan niya at iyon ay sa susunod na taon na.Medyo malapit lapit na kasi'y halos walong buwan mula ngayon ay magaganap na iyon.
"Sino naman kaya ang ihi hire ko na kasing level niya?"
Namumrublemang tanong ni Graham."Hamo't maghahanap ako.Ok kaba sa bading?"
"Fuck you!"
"Bakit?Malay mo naman?"
"Wala akong tiwala sa bakla.Mas madaldal pa sa babae iyan.Saka alam mo na iyon."
"Sa babae?"
"Call!"
Mabilis na sagot ni Graham."Ulol!Kala mo naman may papayag?"
"Bakit wala?"
"Ang lakas ng fighting spirit mo!"
"Ah,para dalawang kalapati sa isang putok!"
"Siraulo!Diba stone 'yon!"
"Fool! baril ang gagamitin ko.Ibang klaseng baril.Iba ang bala."
"Gago!
"Parehas lang tayo!"
"Muka mo!"
"Bogils!"
Pahabol ni Alech sa kanya bago ito umalis.
BINABASA MO ANG
Tres Bastardos
RomanceThe three prodigal sons: This Story is about the Cordova Brother's,Graham,Drako and Zebh.The three Eligitimate Child of Cordova's.Came from the same seed but not in the same womb.Different personalities but they have one thing in common.A hit and...