Kababa lang ni Seth ang telepono niya ng lumapit siya dito.
" Naabala ko ba schedules mo sa trabaho?"
"no, may mga meetings lang akong kelangang iresched at ung iba eh makakapaghintay naman."
" Pag ok na ang kapatid ko eh pwede kang maunang bumalik sa Manila, saka salamat at nandito ka." ngumiti siya ng tipid dito saka ginagap niya ang kamay nito.
Hinawakan nito ang kanyang kamay at yumakap sa kanya mula sa likod.
" welcome, I'm always here for you and for the baby, pag uwi natin sa manila let's fix our wedding right away, pwede ring sumama ang nanay at mga kapatid mo. "
sumandal siya dito, di niya masabi ang kanyang nararamdaman sa sobrang saya.
Lumipas ang mga araw at gumaling na ang kanyang kapatid, sa loob ng halos buong linggo ay hindi siya iniwan ni Seth, Alam niyang marami itong trabaho pero nagagawa pa rin nitong samahan siya. Agad ding pinaschedule nila ang opera ng kanyang ina at sa wakas ay maayos din ang operasyon.
Pagkauwi nila ng Manila ay agad inasikaso ni Seth ang kasal nila at pagkaraan ng dalawang linggo ay Nagpakasal na sila, Garden wedding ang wedding nila, saka na sila magpapakasal sa simbahan pag lumabas na ang anak nila.
Walang pagsidlan ang kanyang kasiyahan, Lahat ng kanilang kaibigan at malapit na pamilya lang ang inimbita nila. Lumipat na rin sa sa Manila ang kanyang pamilya, pero tumutuloy ito sa isang bahay ni Seth malapit sa bahay nila.
Lumipas ang tatlong buwan at naipanganak na niya ang kanilang anak na babae. Pinangalanan nila itong Anica Lei Castillo. Kamukhang kamukha niya ang kanyang anak, at giliw na giliw naman si Seth dito.
Wala na siyang mahihiling pa dahil natupad na ang kanyang pangarap, higit pa sa hiniling niya, dahil dumating sa buhay niya ang isang Seth at Anica, wala na siyang mahihiling pa.
Kasalukuyan silang nasa bakasyon ngayon sa Palawan at naglalaro ang kanilang anak sa buhangin. Nakaupo sila sa tabi nito.
" akalain mong matutuloy pala sa kasalan ang pagkikita natin." tudyo niya dito.
" I think you are my destiny, mali man ang paraan ng pagkikita natin pero siguro it's way for us to be together." sagot nito sabay pisil sa pisngi niya, kitang kita ang muscles ng kanyang asawa dahil nakaswimming shorts lang ito. Siya naman ay naka one piece bikini.
" salamat dahil minahal mo ako."
" you're my life right now, kayo ni Anica and I hope soon, another one will come." Saka sila nagyakapan ng sabay.
WAKAS
Next: Marco and Cheska
BINABASA MO ANG
Take a chance with me
RomanceSeth is one of the richiest bachelor in the country, he loves to play with girls at walang sineseryoso pero ng makilala niya si Rhianna ay nagbago ang lahat, naging seryoso siya dito pero iniwan siya ni Rhianna dahil sa kagagawan ni Nicole. Ambisyos...