Dahil sa nabagot sa kwarto si Serene ay pinag pasyahan nyang tumambay sa garden, mahangin na relaxing pa. May duyan duon at mga upuan halatang sinadya para sa mga stressful na tao. Umupo sya sa upuan na duyan, pang tatluhan iyong duyan at sa tapat another pang tatluhan ulit at sa pagitan ng dalawang magka harap na duyan sa bandang gilid ay may mini table.
"Buti pa dito ang sarap ngumanga" wika ni Serene sa sarili at nag selfie selfie, sinend din nya ang selfie nya kay Summer.
~ (Buti pa dito Presko at maganda na di pa ako mangingitim., look Para akong fairy) Nag send sya ng selfie nya na may mabubulaklak na background. Agad namang nag message si Summer sa kanya ng picture na may caption na:
~ (After maligo sa ilog treat kami ni Adonis, Rocky Road and Double Dutch ice cream, Toblerone at Kit Kat, look para kaming nasa heaven!)
Medyo nainggit si Serene, why the hell on earth na hindi sya sumama? Lahat ng ginawa ng mga kaibigan nya ay puro refreshing, nakita nya pa ang pictures na sarap na sarap sila sa mga ice cream at chocolate, biglang nag pahabol pa ng message si Summer.
~ (Gosh, kung panaginip lang to ayaw ko na muna gumising, look oh, may fried siopao and fried siomai pa! san ka pa?! yum yum yum) at kitang kita ni Serene sa picture yung nilalantakan nilang lafang!
"Takaw!" sigaw ni Serene sa cellphone nya. "may tubig na malamig naman sa ref " hindi namalayan ni Serene na naka tulog sya, nagising na lang sya nang nasa harap na nyang naka upo sina Summer at Alyza.
"Hi..!" parang bangag na bati ni Summer, ang laki ng ngiti nya abot hanggang tuktok ng Mt.Everest at kasing lapad ng Milkyway Galaxy
Nakita ni Serene ang mga balat ng kit kat at toblerone, kinuha nya ito at ihinagis kina Summer at Alyza.
"Ang ganda mo sana eh, kaso nakaka asar ka" wika ni Serene. "Kanina pa kayo jan?"
"Kararating lang" sagot ni Alyza. Tumabi si Summer kay Serene.
"Pst! Anong sinabi mo kay Adonis kanina?" tanong ni Summer.
"Ha? saan?" tanong ni Serene.
"Denial pa! sa tawag syempre" sagot ni Summer.
"Wala, bakit ba? Para kayong mga bano promise ang weird nyo rin ngayon" halatang di maintindihan ang ibig sabihin ni Summer.
"Kanina kasi bigla nya kaming pina ahon sa ilog at ililibre daw nya kami tapos may take out pa!" wika ni Alyza.
"May part 2 tayo" tuwang tuwang sabi ni Summer sabay apir kay Alyza.
"Sabi ko lang masakit puson ko kasi meron ak-" biglang natigilan si Serene "ko?" nag tawanan sila Summer at Alyza
"Ah kaya naman pala!" wika ni Summer.
"Confirm!" sabay na wika nila Summer at Alyza.
"Anong confirm?" tanong ni Serene.
"Na concern sya sayo," sagot ni Summer. "Ayan na sya" bulong ni Summer kay Serene.
Nakita nyang papalapit sina Adonis, may hawak na mga baso, kutsara at platito na naka patong sa tray, sumunod naman si Eugene na may hawak na ice cooler at si Raph na may hawak na malaking Plato na may lamang fried something.
"Ang haba ng hair mo Pinsan" kinikilig na wika ni Alyza.
"Kumusta ka na?" tanong ni Adonis habang inilalapag ang mga dala sa la mesa.
"Okay lang" sagot ni Serene, nakita ni Serene na parang kinikilig sina Summer at Alyza kaya pinandilatan nya ito ng mata.
"Ay, Adonis nabitin ako sa rocky road" pag iiba ni Summer.
"Pareho talaga kayo ni Eugene, parehas kayong matakaw" puna ni Alyza.
"Kasi hindi kami tao, Bagay kami, bagay na bagay haha" biro ni Eugene.
"Alam mo Eugene ang hot mo" sagot ni Summer.
"Thank you" sagot ni Eugene.
"Oo ang hot mo, sa sobrang hot mo mainit na nga ang panahon, pinapainit mo pa yung ulo ko." Wika ni Summer.
"Alam mo sa tuwing nakikita kita, feeling ko nakatingin ako sa mapa," buwelta ni Eugene.
"Huh?" tanong ni Summer.
"Mapapangasawa ko! Boom!" sigaw ni Eugene at nag sasasayaw sya ng pang outer space dance.
"Parang tralalili to si Eugene! Hoy! Tumigil ka nga dyan, para kang posteng sumasayaw" puna ni Summer. "Hoy ano ba?! Ang hyper nito! Energy Drink ka ba?" tanong nito kay Eugene.
"Baket?" tanong ni Eugene.
"Mukha ka kasing Cobra! Boom Panes!" buwelta ni Summer.
"Alam nyo gutom lang yan tara ikain ulit natin to" pag basag ng trip ni Raph.
"Mamaya sakin tong dalawang to" bulong ni Serene sa sarili habang naka tingin kina Summer at Alyza na nakikipag selfie kina Eugene at Raph sa halamanan.
"Ha?" tanong ni Adonis na naka upo sa hagdan bago maka akyat sa duyan na inuupuan ni Serene.
"Ah, wala" sagot ni Serene., Medyo naiilang si Serene ang magagaling nya kasing friends, alam ng may issue sa puso nya pag dating kay Adonis ay para pang sinasadya na iwanan silang dalawa. "Anong nakain mo at bumili ka ng madaming pag kain?"
"Sabi mo kasi meron ka," sagot ni Adonis.
"Hindi ka ba naiilang na yun ang pinag uusapan natin?" tanong ni Serene habang kumakain ng ice cream.
"Hindi" sagot ni Adonis.
"Ang daya mo sabi mo kahapon dadalhin mo ako sa isang lugar na maganda" wika ni Serene, nakakapag palagayang loob na sya kay Adonis.
"Napansin ko kasi kahapon na iniiwasan mo ako kaya di nalang kita inaya, wala akong alam na dahilan para iwasan mo ako kundi yung bigla kong hinawakan yung kamay mo" sagot ni Adonis. "I swear Serene wala naman akong masamang intension , gusto lang sana kitang alalayan pero parang lumagpas ako sa limitation." Paliwanag ni Adonis.
"Hindi ko naman iniisip na nag te take advantage ka, hindi mo naman kasalanan yon, actually, wala ka naman talagang kasalanan " sagot ni Serene.
"Meron, Masyado kasi akong panatag, Hindi purke mag kaibigan tayo at pumayag ka na alalayan kita nung paakyat tayo sa bundok ay basta basta nalang kita hahawakan, everytime na aalalayan kita, everytime na kinakailangan kong hawakan ang kamay mo dapat lagi kong hihingin ang permiso mo" Paliwanag ni Adonis na nagu-guilty sa nagawa.
"Hindi mo kailangan gawin yun, hindi naman pwedeng sa tuwing tutulong ka sa kapwa mo ay palagi ka munang hihingi ng permiso, Nailang lang ako kasi meron ako" sagot ni Serene. "Akala ko kasi natagusan ako kahapon ayokong mapansin nyo kaya umiwas ako"
"Talaga?" tanong ni Adonis, "Edi ibig sabihin hindi ka galit sakin?"
Halos hindi makahinga si Serene ng makita nanaman nya ang mata at ngiti ng binata.
"Pahingi nga ako ng ice cream!" pag iiba ni Serene. Agad namang binigyan ni Adonis si Serene. "Napansin ko halos lahat ng kinakain natin ay favorites ko."
"Sinadya ko yang bilhin, kaya kita tinanong kanina diba?" sagot ni Adonis.
"Binabaan mo nga ako ng tawag , pero paano mo nalaman na gusto ko rin yung fried siopao at siomai?" tanong ni Serene
"Pinatay ko yung tawag kasi baka maubos yung pera ko hahah!" sagot ni Adonis. "Pero nung narinig ko kay Alyza na favorite mo yung fired siopao at siomai tapos kaya pa naman ng budget ko naisip kong bilhin na lang, minsan lang kita ilibre bakit di pa sulit diba?" wika ni Adonis.
"Eh bakit gusto mo akong bilhan ng mga to? Siguro suhol yun kasi akala mo galit ako no?" Tanong ni Serene.
"Hindi no, alam mo kasi tinanong ko kay Aluza kung anong gamot sa masakit na puson, ang sagot nya sakin hindi naman daw pwedeng painumin ng gamot ang hindi talaga nangangailangan ng gamot, ang mabisang paraan daw don, bumili ng mga pag kain na gustong kainin" Paliwanag ni Adonis.
"Ganon ba? Ang galing naman ng teacher mo" biro ni Serene.
"Pero di ko talaga ma gets yung hindi pwedeng painumin ng gamot ang hindi talaga nangangailangan ng gamot" nag tatakang wika ni Adonis.
Ngumiti lang si Serene.
"Alam mo hindi mo talaga yun ma get-gets, kaya mag move-on ka na" sagot ni Serene.
"Grabe ang hiwaga talaga ng mga babae" wika ni Adonis.
Kinagabihan ay nag kwentuhan nanaman ang mag kakaibigan.
"Ano? Okay na kayo ni Adonis?" Tanong ni Summer kay Serene.
"Oo okay na" sagot ni Serene
"So, inamin mo na yung feelings mo?" tanong ni Alyza.
"Hindi. Ayokong malaman nya" sagot ni Serene.
"Bakit naman?" tanong ng dalawa. Huminga ng malalim si Serene.
"Gusto ko syang maging kaibigan, Masarap syang maging kaibigan" sagot ni Serene na naguguluhan.
"Pero mas masarap magka BF na gaya nya, tingnan mo nga oh, napaka caring nya, lalong lalo na sayo" Paliwanag ni Summer.
"Paano kung mag break kami, mawawala sya sakin." Sagot ni Serene.
"Hindi mo pa nga tina try eh" wika ni Alyza.
"Eh paano kung umamin ako tapos hindi nya pala ako mahal? Paano kung talagang mapag mahal lang sya sa mga kaibigan nya, tingnan nyo nga diba, napaka close nya at napaka lambing sa kahit sino, kahit hindi nya kamag anakan, kahit sa inyo, pinapakita nya na minamahal nya ang mga kaibigan nya, paano kung Mahal nya ako pero bilang kaibigan lang?" tanong ni Serene.
"Kung sabagay" sagot ni Summer.
"Yun nga lang" sagot ni Alyza.
"Ayokong iwasan nya ako, ngayon pa na gustong gusto ko syang kasama palagi dahil sa ipinapakita nya, mas gugustuhin kong maging kaibigan ko nalang sya ng pang habang buhay kaysa aamin ako ng walang kasiguraduhan sa output" Paliwanag ni Serene.
BINABASA MO ANG
#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st Story
Roman pour Adolescents"Holy Cow!" sigaw ni Eugene habang nakatitig kina Serene at Adonis na magkayakap habang tulog sa sahig. Nang matauhan si Adonis ay agad itong napa upo, gayon din si Serene at naka taklob ng kumot, si Adonis naman ay kita ang hubad na itaas. "Dre...