Habang nasa parking lot ay todo ang iyak ni Alyza.
"Bakeeettt..." iyak ni Alyza at suminga sa tissue, "Bakeet nya nagawa sakin yooonnn.."
"Para kang bata ngawa ka ng ngawa!" naiinis na wika ni Summer. "Inubos mo pa yung tissue ko, bayaran mo to ha."
"Sampung piso lang naman yannn.." iyak ni Alyza. "Pero Bakeet nya ako nilokooo" para syang bulateng naasinan kung umiyak.
"Akala ko ba sabi mo kanina hindi ka iiyak tapos bubugbugin mo pag makita mong may babae si Yao, bakit ang O.A mo ngayon umiyak?!" naiinis na wika ni Summer.
"Matutuwa ka ba kung ikaw yung kulasisi? Baka naman pamangkin nya lang yung bata..." iyak ni Alyza.
"Anak nga nila! 2 years nang kasal yang jowa mo" wika ni Serene.
"Mahal ko sya ehhh" iyak ni Alyza.
"Mahal mo nga sya tapos kabit ka lang naman! Hoy babae, kasal na yung jowa mo, pamilyado na, may anak pa, ano? Iisipin mo yung bwiset na pag mamahal mo kaysa sa kinabukasan nung bata na walang kamalay malay?" pag lilinaw ni Summer.
"Pero hindi ko talaga alam na may asawa na sya" iyak parin ni Alyza.
"Kaya nga habang maaga pa tapusin mo na yung sa inyo para di ka mag mukhang masama at hindi ka makasira ng pamilya" sagot ni Serene.
"Kaya nga hindi ako lumapit diba? Kasi baka di ko macontrol yung sarili ko baka masabi kong Gf ako ng asawa nya." Naiyak na wika ni Alyza. "Buti na lang hindi nya pa nakukuha ang puri ko"
"Good for you" sagot ni Serene.
"Hah!" sigaw ni Summer at tinakpan ng palad ang bibig. "Wala pa bang nangyayari hahah, sabi ko pa naman sa babae kanina madaming nangyari sa inyo, hahah" natatawa tawa nitong wika.
"Grabe ka talaga Summer, hindi ka tunay na kaibigan" naiiyak na wika ni Alyza. "Gusto ko nang umuwi..."
"Tara na nga, nakaka loka ang araw na ito, best friends forever nga tayong tatlo, kahit sa love life walang iwanan" sagot ni Summer. "San mo ba pinark yung kotse mo Serene?" tanong ni Summer.
"Hindi ko dinala yung kotse ko, coding ako ngayon" sagot ni Serene. "Yung sa inyo nalang ang gamitin natin"
"Hahah! Nang iinis ka ba? Wala kaming kotse diba?" poker face sagot ni Summer
"Gosh! Mag taxi na lang tayo" wika ni Serene.
"Ayokong mag taxi, baka malasin nanaman tayo, di nyo ba napapansin, pag tayo lang ang mag kakasama sunod sunod na kamalasan nangyayari sa atin" nakatulalang sabat ni Alyza.
"Hala girl! Para ka ng losyang!" puna ni Summer sa na I stress nyang kaibigan.
"Baka ma flat yung gulong ng taxi, kawawa si manong driver." Sagot ni Alyza.
"Baka ikaw ang malas sa ating tatlo Lyza, may balat ka ba sa pwet?" tanong ni Serene.
"Mag jeep na lang tayo, atleast don may kasama tayo, mahihiya akong umiyak" naiiyak na wika ni Alyza.
"Yan! Good Idea!" puri ni Serene
"Mag fx kaya tayo" suggest ni Summer.
"Mas bet ko mag jeep" sagot ni Alyza.
"Jusmiyo Lyza, lalaki lang yan! Ang dami daming otoko sa daan puro check pa! Iniiyakan mo yung mukhang hito mong jowa?" wika ni Summer.
"Palibhasa di mo mahal yung jowa mo eh" sagot ni Alyza.
"Mahal ko si Kent, pero sadyang hindi ko maatim ang mag mahal ng walang hiya so, I dump him" sagot ni Summer habang nag lalakad sila para makahanap ng jeep.
"Pwede ba, wag kayong mag away sa daan, mag hanap na lang tayo ng jeep na masasakyan" wika ni Serene, maya maya ay naka kita sila ng jeep kaya agad sumakay ang tatlo, pagka upo na pag ka upo nila ay agad silang nag bayad habang natagal ang pag kakaupo nila sa jeep ay may napapansin sila. Mag kakatabi sina Serene, Alyza at Summer, sa kanan ni Serene ay may mag lovers, magka holding hands, sa kaliwa ni Summer ay may mag lovers nanaman yung lalaki naka patong ang kamay sa hita ng Gf nya habang yung babae ay nakasandal ang ulo sa balikat ng Bf, yung sa tapat naman ni Alyza ay may mag lovers din, naka sandal ang babae sa katawan ng Bf at ang lalaki naman ay maya't maya ang punas sa pawis ng nobya sabay halik sa buhok ng babae. Ibinaling na lang nila ang tingin sa harap ng jeep dun kay manong driver para hindi ma O.P pero hayun, kung hindi nga naman talaga inaasar ng tadhana, si manong driver kasama ang misis nya at ang anak nila, habang naka hinto ang jeep dahil naka red ang stop light ay sinusubuan ni misis ng biscuit ang mister nya.
"Aaahh! Manong para okay para!" sigaw ni Alyza at bumaba ng jeep, sumunod na lang sina Serene at Summer sa kanya. Nang umandar na ang jeep ay sumigaw si Alyza patukoy sa mga kasakay nila. "Sa umpisa lang yan sweet! Mag be-break din kayo!!"
"Hoy!" sigaw ni Summer sabay konyat kay Alyza.
"Aray ko ang sakit" sagot ni Alyza.
"Nag para ka in a middle of no where para sumigaw dito sa kalye?!" tanong ni Summer.
"Edi sumakay nalang ulit tayo" sagot ni Alyza. "Sobrang mainit sa loob ng jeep na sinakyan natin baka di ako makatiis bigla akong mag wala maka chop chop pa ako ng mag jo-jowa diba?" parang ewan si Alyza sa inaasal nya, epekto ng break-up nila ni Yao.
"Serene, wag nga muna tayong umuwi sa inyo, dumiretso nalang muna tayo sa mental, mukhang nababaliw na yung kaibigan natin" wika ni Summer. "Ngayon, mag lalakad pa tayo sa tamang sakayan, ayun! Ang layo layo pa!" reklamo ni Summer. Biglang naka ramdam si Serene ng patak ng tubig kaya tumingala sya,
"Oh my! Na ambon na" wika ni Serene. "Tara dun sa waiting shed" palakad takbo ang ginawa nila para hindi maabutan ng ulan pero bigla silang hinarang ng isang namamalimos na bata.
"Ate pengeng lima" pang hihingi ng bata. Kinapa kapa ni Summer ang bag nya, hindi nya makapa ang wallet nya.
"Wala akong pera" wika ni Summer.
"Ikaw ate penge naman pangbili lang ng pag kain" wika ng bata kay Alyza. Ayaw ni Alyza mag bukas ng bag dahil hindi nila kabisado ang lugar, who knows baka may mandurukot na nag aabang lang kaya kinapa niya ang bulsa ng pantalon nya at may nakita syang piso at iniabot sa bata.
"Ano ba yan! Piso lang?!" reklamo ng bata.
"Luh?! Reklamador si ateng?" tanong ni Summer.
"Pwede ba?! Ayoko nang ibigay ang lahat lahat na meron ako, This time mag titira na ako para sa sarili ko para hindi na ako masaktan ng todo!" hugot ni Alyza sa bata.
"Baliw!" sigaw ng bata at tumakbo palayo sa kanila "Barat! Madamot!"
"Edi Wow!" sigaw ni Alyza sa bata.
"Patulan pa ba yung bata?" tanong ni Serene, biglang lumakas ang patak ng ambon hanggang sa tuluyang naging ulan. Nang marating nila ang waiting shed ay agad silang sumilong para hindi mabasa kasama ang mga grupo ng kabataang nasilong din.
Napansin ni Alyza ang mag jowa na naka silong sa waiting shed, inaayos ng lalaki ang hinubad na T-shirt para ipang taklob sa ulo ng Gf nya, kaya iniiwas na lang ni Alyza ang tingin nya sa mag jowa, maya maya narinig nya naman ang tugtog sa cp ng kasama nilang naka silong, naka loud speaker kasi ang tugtog ay 'Ikaw lang ang iibigin, ikaw ang aking mahal, mag pakailan man. Dito sa aking puso, wala ng papalit sa isang katulad mo, kahit na...', - ikaw ang iibigin ko sung by: Josh Garcia. Isinawalang bahala na lang iyon ni Alyza at tumingin sa poste ng waiting shed, bigla ba naman siyang naka kita ng isang vandal na ang naka sulat ay 'Yes! Yes! Yao!' it supposed to be 'Yes! Yes! Yow!' napa kunot ng nuo si Alyza, para syang inaasar ng panahon. Itiningin na lang nya ang paningin sa mga sasakyan, biruin ba namang huminto ang isang sasakyan malapit sa kanila kung saan makakita ang palate number. 'APR 916' biglang may naisip si Alyza, sinagot nya si Yao nuong April 09, 2016, nag face palm si Alyza at bumulong sa sarili.
"Oh Shet talaga" bulong ni Alyza sa sarili.
Laking pasasalamat ni Alyza nang tumila na ang ulan, sa wakas at mawawala na sa paningin nya ang mga mag jo jowang unti unting pumapatay sa biguan nyang puso. Ngalang ay wala na silang masakyan, puro punuan dahil sa ulan kaya muli ay pinag pasyahan nilang mag lakad na lang. Sa pag lalakad nila ay may mabilis na kotse ang lumagpas sa kanila dahilan para matalsikan ng putik sina Serene at Summer.
"My Gosh!" sigaw ni Summer habang hawak at pinupunasan ang natalsikang parte ng damit. Gayun din ang ginawa ni Serene sa damit nya.
"Serene, tumingin ka sa salamin, para kang Dalmatian puro batik ng putik yung mukha mo" sabi ni Alyza kay Serene.
Lumapit sila sa isang naka paradang kotse para sana manalamin, pero dahil sa nag aagawan silang tatlo sa side mirror ay aksidenteng nasira ito ni Summer at napa dikit naman si Alyza sa kotse dahilan para umalingawngaw at tumunog tunog ang kotse. Dahil don, napatayo ang isang lalaki na kumakain lang sa karinderya at nang makita ng lalaki na hawak ni Summer ang side mirror ay inakala nyang mag nanakaw ang tatlong mag kakaibigan kaya hinabol nya ito, agad nag takbuhan ang tatlo pero sinipat pa ni Serene ang plate number ng nasirang kotse, habang natakbo ay hawak parin ni Summer ang isang piraso ng side mirror at nang maramdaman nyang hawak pa nga nya ito ay agad nya itong ihinagis sa kung saan. Dahil sa karipas ng takbo nila ay hindi namalayan ni Alyza na mayroong isang kanal, hindi naman kalaliman pero madumi talaga ang kanal na iyon, biglang natisod si Alyza at natumba sa kanal.
"Alyza bakit ka nag su swimming jan!" wika ni Summer habang tinutulungan nilang tumayo si Alyza.
"Girls! Hindi ko na talaga kaya to! Kanina pa ako minamalas!" Gusto nang umiyak ni Alyza dahil sa nagyayari sa kanya. "Kung hindi nyo nakitang nambababae yung mga Bf nyo hindi ko rin makakita na may asawa yung Bf ko" Paninisi ni Alyza sa mga kaibigan.
"Hello, Excuse me Alyza, sinisisi mo ba kami?" tanong ni Summer.
"Hindi ba halata?" tanong ni Alyza.
"Diba dapat ikaw ang sisihin kasi kung hindi ka nag ayang mag grocery ng kakainin sa biyahe ay hindi natin makakita yung pag tataksil ng mga Bf natin" galit na sagot ni Summer.
"Hey girls! Bakit kayo nag aaway?! Hindi dapat kayo ang mag away okay? It is not about Summer vs. Alyza, it is all about us vs. them. Imbes na mag damayan tayo nag sisisihan pa kayo!, Why do we waste our time on people who don't really care about us? Alam nyo ang magandang gawin natin, Go to my house tomorrow night, bring those stupid stuff na makapag papaalala tungkol sa mga idiot Bf natin and burn it all! Period!"
And yes, they really did it. Sinunog lahat ng mga bagay na maaaring makapag paalala sa kanila, and guess what?! Nahirapan silang kunin kay Alyza ang stuff toy na binigay sa kanya ni Yao nuong niligawan sya.
BINABASA MO ANG
#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st Story
Jugendliteratur"Holy Cow!" sigaw ni Eugene habang nakatitig kina Serene at Adonis na magkayakap habang tulog sa sahig. Nang matauhan si Adonis ay agad itong napa upo, gayon din si Serene at naka taklob ng kumot, si Adonis naman ay kita ang hubad na itaas. "Dre...