𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 20

33 3 0
                                    


After ng epic fail relationship nila at Napag usapan nilang mag commute na lang pauwi sa province, gusto ni Serene na ma experience ang buhay na mag co commute pauwi sa probinsya ng Mommy nya. Bagamat mahirap ay nag eenjoy silang mag kakaibigan sa bawat bus stop dahil nakakapag selfie selfie sila at kun todos bili sila ng pagkain at pasalubong.
    Nang nasa terminal na sila ng Bus ay sinunod nila ang instruction na sinabi ng Mommy nila.
    "Sumakay daw tayo ng tricycle at sabihin nating terminal ng jeep pa Mercado" wika ni Serene. Tumawag ng tricycle si Alyza.
    "Kuya pa hatid naman kami sa sakayan pa Mercado" wika ni Alyza. Hinatid nga sila ng tricycle driver sa terminal. Medyo matagl tagal pa ang hihintayin nila dahil 10 am pa daw and first trip, 7am palang kaya 3 hours pa silang mag hihintay.
    Naisipang umupo ni Serene sa isang mahabang upuan habang hinihintay ang oras ng biyahe nila ng biglang...
    "Oh my gosh!" sigaw ni Serene ng may lalaking napa upo sa harap ng legs nya, "Lasing ka ba kuya?!" Biglang tumayo ang lalaki at biglang sinuntok ang isa pang lalaki na papalapit sa kanila. "My Gosh!" tili nila Serene, Summer at Alyza at napatayo rin sila sa gulat.
    "Ano ba tama na!" sigaw ng babae na umawat sa dalawang lalaki na nag aaway.
    "Tama na?! ha?!, paano ako hihinto Venice, niloko mo ako, pati ng pinaka matalik kong kaibigan, niloko ako?! Paano ako matatahimik sa ginawa nyo sa akin!" sigaw ng lalaking natumba kanina kina Serene.
    "Tumigil ka na sa pang gugulo dre, hindi ka na mahal ni Venice kaya nga nag break na kayo diba?" wika ng isang lalaki.
    "Hindi kami nag break Brent! Cool off lang kami. Tapos ikaw na magaling kong kaibigan bigla biglang sinulot ang Gf ko, anong klase kang kaibigan?! Traydor ka" sagot ng lalaki.
    "Hindi na kasi kita mahal Adonis, tanggapin mo na yon" wika ng babae habang naka hawak sa katawan ni Brent. Nang marinig ni Serene ang pangalang Adonis ay lumapit sya lalaki upang tingnan kung si Adonis nga talaga ito.
    "After kong gawin lahat sayo?! Ginawa kitang prinsesa Venice ah, kulang pa ba? Lahat ginawa ko para sayo bakit di ka parin kontento?" tanong ni Adonis.
    "Hindi nga kasi kita Mahal!, ginamit lang kita, ginamit kita para matapos ko yung pag aaral ko. Hindi mo ba napansin yon?, tatlong taon Adonis, tatlong taon kong tiniis na makasama yung lalaking hindi ko mahal para matapos ko lang ang pag aaral ko. Hindi kita Mahal, si Brent ang Mahal ko." Sagot ng babae. Nang akmang susugurin ni Adonis si Brent para suntukin ay lumapit sina Serene, Summer at Alyza kay Adonis para awatin.
    "Tama na Adonis" nag aalalang tono ng boses ni Serene. Narinig sya ni Adonis kaya huminto ang binata.
    "Hahah! Okay, sige Venice, Malaya ka na, mag sama na kayo ni Brent, pero ito ang tatandaan mo, mas hihigitan ka pa ng babaeng ipapalit ko sayo" banta ni Adonis. Umalis sina Brent at Venice.
    Umupo si Adonis sa upuan na halatang dismayado at malungkot, seryoso ang mukha nya at nakayuko habang naka pikit, nilapitan ni Serene si Adonis.
    "Adonis okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Serene., tiningnan ni Adonis ang dalaga, hinawakan sa ulo at nginitian.
    "Okay lang ako, Thank You Miss ha?, Pasensya na rin kanina" sagot ni Adonis at tumayo. After non ay iniwan si Serene na nakaupo. Lumapit sina Summer at Alyza kay Serene.
    "Si Adonis yun diba?" tanong ni Serene.
    "Oo, pero mukhang may kakaiba sa kanya eh" sagot ni Summer.
    "Nag tataka nga ako kasi hindi nya ako nakilala" sagot ni Serene.
    "Yung babae si Venice yun diba? Bakit hindi ka rin nya nakilala?" tanong ni Alyza kay Serene.
    "Hindi ko alam," sagot ni Serene. Mula sa pag biyehe pauwi hanggang sa makarating sila sa bahay ng Lola nila ay nasa isip parin ni Serene ang mga tanong kung bakit hindi sya nakilala ng mga dating naging kaibigan.
    "Mabuti naman at naisipan nyong bisitahin kami dito" wika ni Mamang Sun sa mga apo. Nakatulala lang si Serene dahil iniisip nya parin ang kinilos ni Adonis. "Nag tatampo na ako sa inyo tatlong taon nyo akong tiniis"
    "Mamang naman, naging busy kasi kami sa business namin, hayaan mo Mamang, tulungan mo kaming mag pray na tanggapin ng Black Hearts yung proposal namin, pag mangyari yon, mag kaka branch na kami dito palagi na kitang madadalaw" pangako ni Alyza sa Lola nya habang nakayakap dito.
    "Mamang, parang hindi ko napapansin si Aluza, nasan po sya?" tanong ni Summer.
"Nasa coprahan sya ngayon, tumutulong sya sa negosyo ng Pamilya, Masyadong workaholic, ang batang yon kahit may lagnatbe ayaw paawat sa trabaho. Hala, sige na at mag pahinga na kayo, Mamaya uuwi na sina Tita Solen nyo galing sa palengke, biglang naisipang mag handa siguro na sense nya na uuwi kayo" sagot ngq matanda,.
    "Sige Mamang, tawagin nyo nalang kami sa taas kung naka uwi na sina Tita" sagot ni Serene.
    Habang nasa kwarto ay kanya kanya silang tatlo ng Gawain, si Serene ay nag ta-type ng story sa laptop nya, si Summer ay nag do-drawing ng design para sa next issue ng accessories nila, samantalang si Alyza ay nakatulala sa harap ng laptop nya. Napansin ni Summer ang kawalan ng ulirat ni Alyza kaya kinalabit nya ito.
    "HoY!, matatapos mo talaga yang visual aid mo" puna ni Summer.
    "Bakit hindi man lang magpahinga sa trabaho si Aluza? Yan tuloy? Nagkakasakit na sya" tanong ni Alyza.
    "Bakit kung umuwi ba na masamang masama pakiramdam ni Aluza ay aalagaan mo ang kapatid mo sa Ama?" sagot ni Summer. Hindi sumagot si Alyza at nag type lang sa laptop. "Siguro hindi kasi wala ka namang pakialam sa kanya, so bakit ka worried masyado?"
    Biglang isinara ni Alyza ang laptop nya. "Galit ako kay Aluza pero hindi naman ibig sabihin non ay wala akong pakialam sa kanya" sagot ni Alyza.
    "Ayun..., buti naman at nabigkas na ng bibig mo yan, Natauhan ka na ba? Ilang taon mong tiniis yung kapatid mo" wika ni Summer.
    Tumayo si Alyza at lumabas ng kwarto. Pag labas nya ng kwarto ay bigla nyang napansin ang kwarto ni Aluza, pinuntahan nya ito at kakatok sana sya ng makitang may uwang ang pinto kaya dahan dahan nyang binuksan ang pinto para sumilip sa loob.
    Nakita nya ang isang scrapbook na nakalukat sa kama, umupo sa kama si Alyza at kinuha ang scrapbook para tingnan, maraming quotations ang nakasulat, dun lang nalaman ni Alyza na maganda pala ang penmanship ni Aluza. Binasa nya ang nakasulat sa scrapbook.
    "Life is too short to waste time hating anyone, so get rid of those ill feelings.," basa ni Alyza, "Hatered stirs up dissension, but love covers all wrongs – Proverbs 10:12" inilipat ni Alyza sa ibang pahina ang binabasa. "Forgiveness doesn't make the situation okay, It makes you okay" nagpatuloy pa sa pagbabasa si Alyza. "Ang pag ibig ay matiisin at magandang loob, Ang pag ibig ay hindi mainggitin o mapag malaki o hambog,Hindi magaspang ang kilos, hindi ipinipilit ang sariling kagustuhan, hindi mayayamutin, hindi nag tatala ng mga pag kakamali, Hindi ito natutuwa sa masamang gawa kundi natutuwa sa katotohanan. Pinapasan nito ang lahat ng bagay" habang binabasa ni Alyza ang naka sulat sa scrapbook ay hindi nya namalayang binuksan ng isang lalaki ang pinto ng kwarto ng kapatid. "Pinapasan nito ang lahat ng bagay, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, tinitiis ang lahat ng bagay" Pumasok ang lalaki sa loob ng kwarto ni Aluza. "Ang pag ibig ay walang katapusan, subalit maging mga propesiya ay matatapos, Maging mga wika ay titigil, maging kaalaman ay lilipas. I Corin-" Hindi natapos ni Alyza ang sasabihin dahil biglang nag salita ang lalaki.
    "Corinthians chapter 13 verse 4 to 8" wika ng lalaki. Agad na napatingin si Alyza sa lalaki at nakilala nya agad ito kahit naka salamin sya, bagay sa kanya ang salamin na suot nya, mukhang propesyonal at genius type, hindi na sya yung Raph na nakilala nya 3 years ago.
    "Ikaw pala Raph." wika ni Alyza.
    "Sorry di na ako kumatok, di ko alam na nadito ka,. May pinapakuha kasi si Aluza kaya, pumunta ako dito" sagot ni Raph at may hinahan sa desk na papeles.
    "Bakit hindi mo na ako kinontact nuon?" Biglang tanong ni Alyza. Tumayo sya at lumapit sa binata
    "Hindi ka naman kasi seryoso diba?" sagot ni Raph patuloy ang paghahanap nya,.
    "Hindi ko naman kasi alam kung seryoso ka rin o nakikipag laro lang din." Sagot ni Alyza.
    "Ayoko ng ganong set up, Micro, paano kung na inlove ako sayo, ibig sabihin no hard feelings? Habang ako patay na patay sayo, ikaw naman nag eenjoy makipag flirt sa iba" wika ni Raph. Talagang nag bago na si Raph naging prangka siya at Medyo rude makitungo sa kanya.
    "Sinabihan naman kita nung time na yon hindi ako mahilig mag seryoso" sagot ni Alyza.
    "Di lang yun ang dahilan kung bakit umiwas ako sayo, naki usap sa amin si Adonis, cut all the communications to stop our connections, gusto ni Serene yun kaya pinag bigyan namin ang Pinsan nyo" wika ni Raph.
    Inilahad ni Alyza ang kamay nya para sana makipag shake hands kay Raph "Friends?" tanong ni Alyza. Ngumiti lang si Raph, sarcastic smile.   
"Okay" sagot ni Raph. Nang makita ang hinahanap ay kinuha nya ito, "Alis na ko" palabas na sanaLang ngq kwarto si, Raph pero napahinto sya? Sa, paglalakad nang tawagin sya ni Alyza.
"Oo nga pala, bakit ganon? Nakita namin si Adonis kanina pero parang hindi nya kami nakilala?." Pag iiba ni Alyza.
    "Makakalimutan ba ni Adonis yung minahal nya ng totoo? Kilala kayo non, tinext nga nya ako eh, nakita daw nya kayo sa terminal pero umiwas na lang sya kasi naalala daw nya yung promise nya kay Serene na iwasan sya" sagot ni Raph.
    "Kaya pala, eh bat si Venice di kami nakilala?" tanong ni Alyza.
    "Busy siguro sa lalaki nya kaya di kayo napansin. Wag mo na nga sakin ipaalala yung babae na yon, binigay lahat ni Adonis yung luho nya tapos nag Loloko lang pala" naiinis na wika ni Raph. "Ay, sya nga pala Alyza, mamaya pupunta sina Adonis at Eugene dito kasama si Tito Alfi, ano bang gusto nyong gawin namin pag mag kita kita tayo? Gusto nyo ba wala paring pakialamanan?" tanong ni Raph.
    "Hindi ko alam kay Serene, hindi naman namin gusto ni Summer na iwasan nyo kami eh, si Serene lang, samin ni Summer if kakausapin nyo kami okay na okay yun samin." Sagot ni Alyza.
    "Okay, pero mas mainam yung sabihan mo sila para maging aware naman sila mamaya" wika ni Raph."Alyza I need to go baka natetense na si Aluza kakahintay sakin."
     "Okay sige." sagot ni Alyza. Nang lumabas ng kwarto si Raph ay lumabas na rin ng kwarto Ang dalaga,.   
    Nang makarating na si Alyza sa kwarto nila ay agad syang bumulagta sa kama.
"Saan ka galing?" tanong ni Summer kay Alyza habang nag dudutdot ng cellphone.
    "Sa kwarto ni Aluza" sagot ni Alyza at humiga sa tabi ni Serene.
    "Mukhang nag bago ang ihip ng hangin ah" puna ni Serene.
"Bakit ka pumunta duon? Diba nasa trabaho ang kapatid mo" tanong ni Summer
    "Pumunta si Raph sa kwarto ni Aluza, nag kwentuhan kami" pag iiba ni Alyza. Biglang tumabi si Summer kay Alyza at dumapa sa kama habang naka tingin sa business partner.
    "Oh really? Edi ibig sabihin nandito rin sina Eugene?" tanong ni Summer.
    "Wala. Si Raph lang" sagot ni Alyza. Napansin ni Alyza si Serene na huminto sa ginagawa. "Serene" tawag ni Alyza sa Pinsan. Napatingin si Serene kay Alyza.
    "Bakit?" tanong ni Serene na halatang patay malisya.
    "Kilala tayo ni Adonis, umiwas lang daw sya nung nagkita kita tayo sa terminal dahil tumupad sya sa pangako nyang iiwas na sya sayo. And, pupunta sila dito mamaya kasama si Tito Alfi" wika ni Alyza.
    "What??!!" gulat na sagot ni Serene "Ano pang dapat ipunta nila dito? After lokohin ni Alfi si Tita Solen may gana pa silang pumunta punta dito?" naiinis na wika ni Serene.
    "Ewan ko kung bakit sila pupunta Serene pero ito lang ang masasabi ko, kung sakaling kausapin kami ni Summer nila Raph wag mo kaming papagalitan, tama na ang 3 years na dinamay natin sila sa kasalanang hindi naman nila ginawa, let's forgive and forget nalang" Paliwanag ni Alyza.
    "How can I forgive the person na nag cause ng pagkasira ng pangarap at buhay ni Tita?" wika ni Serene.
    "Sinira din ba nila Adonis yung buhay ni Tita? Sila ba yung nakipag hiwalay? Sila ba ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Tita?" tanong ni Alyza at umupo sa kama habang naka harap kay Serene.
    "Member ng family nila ang nanakit sa Tita natin, so it means involved sila, bakit ba mas kinakampihan mo sila?" tanong ni Serene.
    "Hindi ko sila kinakampihan, ang sa akin lang dahil jan sa galit mo pati kami nadadamay, gusto naming makipag kaibigan pero di namin magawa" sagot ni Alyza.
    "Gusto nyong magkaroon ng kaibigan o gusto mong mag karoon ng kalandian?" tanong ni Serene.
    "Woah! Girls, ano na ang ganap? Away away nalang ba? Ganon personalan nalang tayong tatlo? Nandito tayo para mag relax hindi para mag away" pag awat ni Summer sa mag Pinsan na nag kakainitan. Huminga ng malalim si Serene.
    "Okay, sorry, my fault." Pag papakumbaba ni Serene. "If you want to start a friendly connection to Raph and others then, go ahead I won't force you to avoid them." Wika ni Serene.
    "Sorry too." Pag hingi ng dispensa ni Alyza.
    "Diba maganda yung bati-bati tayo" masayang wika ni Summer. "Kayo kayo na lang ang mag kakamukha tapos nag aaway pa kayo, dapat nga mag kampihan kayo kasi pareho kayong panget" biro ni Summer.
    "Nag mana lang kami sayong panget" sagot ni Alyza.

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon