Kabanata 16

7.9K 116 0
                                    

Selene's POV:

       Habang nag aasikaso ako ng pasyente ay bigla akong tinawag ni Cherry.

     "Selene pinapatawag ka ni Head Nurse hindi mo ba narinig yung announcement nya?" agad namn ako nagulat dahil nakalimutan ko.

     Ang bilis ng takbo namin ni Cherry hanggang sa makaabot na kami sa Nurse Station at nakita ko ang lahat ng Doctor at Nurse na nakatipon doon kaya sumingit kami ni cherry.

    Pero bigla na lang tumayo ang babae at niyakap ako. Ewan ko ba pero may hindi ako maintindihan eh..sobrang kaba yung naramdaman ko ng niyakap ako ng babaeng kayakap ko ngayon dahil iyak sya ng iyak..

    Tumingin ako kay Head Nurse Doctor at sa mga katrabaho kong nurses nakita ko din ang gulat nila dahil sa ginawa ng babae sa akin.

    Pero may lalaki akong nakita na umiiyak din dahil iwan ko ba kaya. Hinagod ko ang likod ng babae at iyak parin sya ng iyak dahil parang ilang buwan syang nawalay sa anak nya.

    Ma'am okay lang po ba kayo? Gusto nyo po bang umupo muna at magrelax?" umiling namn ang babae. Kaya hinayaan ko na lang sya na yakapin ako.

    Nung nawala na sa pagkagulat ang lahat ay ipinakilala na ni Head Nurse kong sino ba ang bisita namin ngaun.

     Attention everyone, dahil ipinapatawag ko kayo dahil nandito sila Mr. Jero Fortaleza at yung asawa nyang si Mrs. Krylle Fortaleza nagbiglang bisita sila dito sa hospital." nung narinig ko yun ay nagulat din ako dahil ang nakayakap sa akin ngayon ay yung may-ari ng hospital na ito at yung nakatingin sa aking lalaki ay ang asawa nya.

    Nung nahimasmasan na yung babae ay umalis na sya sa pagkakayakap sa akin at bigla syang nagsabi ng........

    "Uwi kana sa atin Khloe..." at umiyak ito.

    Kinuha namn sya ni Sir Jero at niyakap. Pero nabigla ako dahil tinawag nya akong Khloe.

  Kasi ito yung nakapangalan sa kwintas ko.

  Nagpaalam ng umalis ang dalawang mag asawa dahil sa ginawa ni Ma'am Krylle.

   "Nurse Selene bat ka niyakap ni Ma'am krylle tapos tinawag ka pa nyang Khloe." agad na sabi nito sa akin ng isang nurse.

   "Ewan ko nurse baka nakikita nya lang sa akin ang anak nya kaya sya nagkakaganun.

   "Wag mo tong sasabihin Selene sa iba ha? Pero alam na din namn nila yung istorya siguro ng mga Fortaleza."agad namn nitong sabi dahil Break time na namin.

    "Ano namn yun nurse." agad ko namng sabi.

   "Kasi ganito yun, may nawawala silang anak na babae noon pa sya hinahanap ng mga Fortaleza. Nagbibigay pa nga yan ng Price si Ma'am Krylle kung sino makakahanap sa nag iisa nilang anak na babae pero magaling magtago ang nagnakaw sa kanya kaya wala pang nakakakita doon sa bata." mahaba bitong kwento.

   "Pero ilang taon na nawala yung anak nila nurse?" agad ko namng tanong.

   "27 years na ata nurse Selene kasi ang galing nga magtago nung nagnakaw sa anak nila pero hindi tumitigil si Ma'am Krylle sa paghahanap ng nawawala nyang anak." agad nman na sabi at napatango na lang ako.

   "At ito pa nurse Selene.. May palatandaan daw yung bata bago daw yun ninakaw sa kanila."

   "Ano naman yung palatandaan na yun?"

   "Kwintas daw na pangalan na KHLOE." doon ako nagulat dahil Khloe din ang nakalagay sa kwintas ko.

   Kaya napatayo ako at umalis ng walang paalam. Pumunta ako ng Restroom para maghilamos dahil sa nalaman ko.

   Ayokong mag assume na ako ang nawawala nilang anak dahil baka nga regalo nila Mama at Papa tong kwentas ko na sinasabi nila na wag kong tanggalin sa leeg ko. Hinawakan ko iyon at hinimas ang pendant na Khloe.

   Pagkatapos kong tingnan ang mukha ko sa salamin ay lumabas na ako ng restroom para bumalik sa nurse station.

   Binalikan ko na lang natitira kong schedule at sa totoo lang pinagtitinginan ako ng mga doctor at ibang nurses dito sa hospital dahil sa nangyare kanina.

    Pero hindi ko lang sila pinansin at tinapos ko na ang trabaho ko bago ako umuwi.

    Pagkatapos lahat ng schedule ko ay tinawagan ko si Josh para sunduin ako at nag antay pa ako ng 5mins. Dahil traffic daw.

   Pagkadating ni Josh ay sumakay ako agad.

   "Josh dumating na ba sa bahay si Kaizer?" agad kong tanong.

  "Hindi pa po Ma'am kakagabihin daw po sya ng uwi sabi nya kanina."

   "Ahh..okay."

    "Iidlip muna ako Josh at gisingin mo na lang ako pagdating natin sa bahay."

     "Sige po ma'am"

      Habang umiidlip ako ay may napapanaginipan  ko yung mukha ni Ma'am Krylle at Sir Jero na nagmamakaawa na bumalik na daw ako sa kanila.

      Pero bago pa man ako makakita pa ng iba ay ginising na ako ni Josh.

      "Ma'am nanaginip ka po nandito na tayo sa bahay kanina pa at kanina pa din po kita ginigising."sabi ni Josh sa akin kaya humingi lang ako ng pasensya.

        Dumeretso na ako sa kwarto ko para maligo.
Hinilot ko muna ang ulo ko dahil sumakit iyon. Parang makakasakit ata ako pero kakayanin ko para makapasok lang ako bukas. Dahil masama ang pakiramdam ko ay itinulog ko na lang yun.

————

Kaizer's POV:

      Nandito pa ako sa Office dahil may pinaiimbestigahan din ako dahil may kumuha daw ng pera sa kompanya namin kaya gagabihin ako ng uwi sa bahay.

     Kaya napag isipan kong tawagan si Manang Elma at tingnan si Selene kung tulog na ba ito o hindi.

      "Manang Elma naisturbo ba kita?"

      "Hindi namn Sir Kaizer, bakit po?"

      "Manang pasuyo namn ako na tingnan mo muna si Selene sa kwarto nya kung nagpapahinga na ba sya. Dahil gagabihin po ako ng uwi."

     "Ahh.. Ok po sir tatawagan na lang po kita pagnatingnan ko syang Okay"

     "Sige manang salamat po."

     Habang may tinitingnan ako sa mga papeless ay nakita kong tumawag si Manag Elma kaya sinagot ko ito.

      "S-sir, si Ma'am Selene po inaapoy ng lagnat. Tatawag na po ba ako ng ambulansya?"

     "Manang relax lang po punasan mo muna sya at kung hindi parin bumababa lagnat nya ay tumawag na kayo ng ambulansya Okay? Tawag ka ulit sa akin manang."

      Nung nalaman kong nilalagnat si Selene ay gusto kong umuwi pero kailangan ako sa Company namin kaya napaisip na lang ako na tawagan si Manang Elma

     "Manang bumababa na ba lagnat nya?"

     "Sir, ganun parin po tulad ng kanina."

      "Cge manang tumawag ka ng ambulansya at pwede po ba na samahan mo muna si Selene sa Hospital? Pupunta na lang po ako doon pag Okay na po ako dito sa Office."

      "Sige Sir, wala namn pong problema."

       Enend call ko na at nagmamadaling basahin ang mga papeless na andito ngayon sa Table ko. Para makapunta agad ako sa Hospital.

        Mga ilang minuto na ang nakalipas ay nagtext si Manang Elma na nasa Fortaleza Hospital daw sila.

       Ang ginawa ko na lang ay dinala ko na lang ang mga papeless ko paalis ng office para doon na lang basahin sa Hospital dahil ako magbabantay kay Selene dahil asawa ko sya.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon