Cassandra's POV
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas mula sa nakaawang na pintuan ng sasakyan. Napalunok ako ng mariin nang sumalubong sa aking paningin ang maganda at malawak na bakuran na kinatatayuan ng matayog na mansyon.
Ito kaya ang unang apak ko sa lugar na ito? Pero bakit nakaramdam ako ng kapanatagan? Para bang nararamdaman ko na ito ang aking tahanan?
Tahanan? Teka.. ni hindi ko nga alam kung saan ako nanggaling at kung bakit ako naririto?
"Sandy!"
Mula sa unahan ay narinig ko ang tawag ni Tita Bernadette sa akin habang inaantay ang aking paghakbang patungo sa bungad ng malaking pintuan.
Pero imbes na sumunod sa kanya ay mas inabala ko ang aking sarili mula sa pagmamasid sa paligid.Naaaliw akong tingnan ang mga cultivated flowers sa may hardin.
Mahilig kaya ako sa bulaklak dati? Hinakbang ko ang mga paa palihis sa direksyon ni Tita Bernadette. Tinungo ko ang nagkukumpulang bulaklak na maayos na nakatanim sa may gilid ng fountain.
Pero ni hindi pa nga ako nakakalapit ay bigla nalang akong napatigil sa paghakbang. Mula sa pagkakaluhod ay walang pakundangang tumayo ang isang lalaki habang hawak sa kamay ang isang brush na puno ng pintura.
Mula sa kanyang kamay ay napadapo ang aking paningin sa hanggang tuhod na fence. Hindi lamang kakaibang desinyo ng fence ang nakaagaw sa aking pansin kundi pati ang kulay nito.
Paborito ko ba ang kulay na skyblue dati? Bakit naramdaman ko ang kakaibang igaya dulot sa aking pinagmamasdang kulay?
Matapos kong pagsawaang titigan iyon ay saka pa ako tumingala para tingnan yung lalaki na nakatayo sa may tapat ng fence.
Napahawak ako sa aking dibdib nang magtama ang aming paningin. Bakit bigla akong kinabahan sa klase ng kanyang paninitig?
Yung titig na may halong panunumbat?
Napalunok ako ng mariin at marahang napaatras. Gustohin ko mang ngumiti pero hindi ko magawa. Kasi nakapagtataka dahil puno ng kaseryosohan ang nakabalot sa mukha ng lalaki.
Worker kaya sya dito? Siguro nagalit sya kasi naistorbo ko ang kanyang trabaho. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang tumalikod at mabilis na binaybay ang daan patungong front door.
Naka-unipormeng mga kasambahay ang maayos na nakapila sa bulwagan ang bumungad sa akin nang tuluyan akong makapasok sa loob ng malaking mansyon.
Nagtataka akong pinasadahan sila ng tingin habang nakabalatay sa kanilang mukha ang matinding kasiyahan. Kasiyahan na makita ako?
Napakagat ako sa aking labi bago marahang ngumiti kahit na nga ba ay wala akong nakikilala kahit na isa sa kanila. Marahil, ngayon ko lang sila nakita? O talagang wala akong matandaan?
Pero sa tantya ko parang kilalang-kilala na nila ako...hindi lang ako sigurado.
"Divina, igiya mo sa kanyang kwarto si Sandy." Baling ni Tita Bernadette sa isa sa mga katulong doon.
"Po? S-Sandy po?" Nagtatakang sagot na marahil sya si Divina dahil sya naman ang nangahas na nagsalita.
Mula sa pormal na mukha ay naging seryoso ang ekspresyon ni Tita. Nagpapahiwatig na para bang makakatikim ng hindi maganda ang alin mang hindi sumunod sa kanyang alituntunin sa loob ng pamamahay na ito.
"Oo, magmula ngayon lahat kayo ay Sandy na ang itatawag nyo sa kanya. Yan ang pangalang nakasanayan nya sa loob ng tatlong taon. Kaya hwag na hwag kayong magkakamali na tumawag sa ibang pangalan bukod sa pangalan na nakasanayan nya. Maliwanag?" Maawtoridad na sagot ni Tita Bernadette.
Nagtataka at nag-aalinlangan man ay nagawa paring sumagot ng maayos ang mga kasambahay na naroon.
Marahan akong nilapitan ni Divina bago yumukod sa aking harapan. "Tayo na po sa taas, Miss Sandy."
Hindi man sigurado sa kung ano ang nagaganap ngayon ay nagawa ko paring tumalima sa kanya. Tahimik akong umakyat sa hagdan habang wala sa loob na in-appreciate ang interior design ng bahay.
Pagkatapat sa pintuan ng silid ay marahan akong pumasok nang buksan ni Divina ang pintuan. Marahil ito na ang aking kwarto.
"Magpahinga na muna kayo, Miss Sandy. Tatawagan ko kayo mamaya kapag kakain na ng pananghalian." Si Divina.
Wala sa loob na napatitig ako sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang kabaitan.
"Dati na ba tayong magkakilala?" Wala sa loob kong tanong na syang ikinagulat nya.
"Ako po ang laging nakatalaga sa inyo simula nang nagtrabaho ako sa loob ng pamamahay na ito. Nahinto lang dahil umalis ka." Halata ko ang panginginig sa kanyang boses.
"Umalis ako? Sa anong dahilan?" Curious kong tanong.
"Eh Miss...si Ma'am Bernadette na po ang bahalang magpaliwanag tungkol dyan. Malilintikan po ako kapag pinangunahan ko sya. Sige po lalabas na ako at may trabaho pa akong kailangang tapusin." Hindi pa nga ako nakakasagot ay mabilis na syang lumabas at marahang ipininid ang dahon ng pintuan.
Nagkibit ako ng balikat at ilang segundo pang natulala. So, umalis ako... ibig sabihin dito ako nagmula. Ito ang aking tahanan.
Ihinakbang ko ang mga paa patungo sa tapat ng malaking bintana. Hinawi ko ang kurtina at wala sa loob na tumanaw sa labas. Bumundol ang kaba sa aking dibdib nang matanaw ko mula dito ang malawak na hardin.
Napakurap ako nang mapatuon ang atensyon sa matangkad na lalaki na abala parin sa ginagawang pagpintora sa fence sa may fountain kanina. Napaawang ang aking bibig habang sinusundan ng paningin ang bawat pagkilos ng kanyang kamay at braso.
Bakit nakakaramdam ako ng kapanatagan habang tinititigan ko yung lalaki? Hindi ko man sya kilala pero bakit parang nagkaroon sya ng malaking puwang dito sa puso ko?
Hindi ko man tiyak pero iyon talaga ang nararamdaman ko. Sino ang lalaking iyan sa buhay ko?
Kaagad akong napalayo mula sa kinatatayuan nang mapansin kong napatingala sya at deretsong napatanaw sa direksyon ng bintana kung saan ako nakapwesto. Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang tumahip iyon. Naramdaman kaya nya na mataman ko syang tinitingnan mula dito sa taas?
Nagmamadali kong tinungo ang aking kama at marahang naupo doon. Matapos pakalmahin ang sarili ay saka pa ako nahiga sa malambot na kama.
Why my heart pounding like this?
***
BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...