~Hey mga sis and kyah! Hope you'll read and enjoy my story. Mamats!~
Nandito ako ngayon nakaupo sa isang convenient store na kilala sa tawag na 7/11. Lugar na madalas tambayan ng mga estudyante na akala mo bibili, pero ang totoo nakiki-aircon lang. HAHAHAHAH
Napatingin ako sa aking cellphone para tingnan kung anong oras na. Napabuntong hininga na lang ako kasi 7:40 na.
May usapan kasi kaming magka-kagrupo na dito kami maghihintayan para sa gagawin naming research. Sabi nila 7:30 daw SHARP! Wala daw MALA-LATE!
Late my ass. HAHAHASo, bumili muna ako ng isang cup noodles habang hinihintay ko silang dumating. (Mga feeling kahintay-hintay, baho nyo!) HAHAHAHA
Alam ba nila na hindi pa ako nakakapag almusal sa bahay kasi akala ko late na ako sa usapan namin?
Matapos kong mabayaran yung cup noodles na (hindi ko alam ang flavor, basta kinuha ko na lang sa lalagyan), bumalik na ako sa pwesto ko kanina.
"Mga bweset! Ang usapan 7:30 SHARP tapos ngayong 7:50 na wala pa rin sila. Mga Filipino time amp." medyo gigil na sabi ko sa sarili ko.
Tutal wala pa naman sila, gagawin ko na lang yung madalas kong ginagawa kapag nasa 7/11 ako.
Ganito yun, magbibilang ako ng hanggang limang tao na papasok dito. ( I, love, you, so, much kaya five.) HAHAHA Mga pauso mo self, ewan ko sayo!
Kung sino yung panglima na papasok, yun yung kunwari 'ka-destiny ko'. Yak destiny daw. HAHAHAHA
Nakatingin na ako ngayon sa pinto at nag-aabang kung sino-sino ang mga papasok.
Yung unang pumasok, babae s'ya na nakasuot ng nurse uniform. Tingin ko ay 23 years old s'ya.
Ok, next.
Yung pangalawang pumasok, lalaki s'ya na medyo malaki ang katawan. Mukhang 30 years old na.
Sige, next ulit.
Yung pangatlo naman, isang nanay na kasama ang kanyang anak na bata ang sumunod na pumasok. Actually hindi ko alam kong anak n'ya ba talaga yung kasama niya basta yun na yun. HAHAHAHA
Yung bata counted din yun kaya isa na lang.
Last one...
Actually, hindi na ako nae-excite kung sino yung panglima na papasok.
Kasi naman, yung nasasaktuhan ko na panglima minsan babaeng buntis, matandang lalaki, junior high school students, minsan pa nga pulis eh.
Tapos bigla kong babawiin yung sinabi ko na, 'ka-destiny ko'. ITS A PRANK! HAHAHAHAHA
Yumuko na lang ako at sinimulang kainin yung noodles ko. Kaya lang nung narinig ko ulit yung pagbukas ng pinto, dahan-dahan kong inangat ang tingin ko. Hinihiling na sana this time, hindi na ito pulis.
Pag angat ko ng tingin, nagkatitigan kami nung bagong pasok. Kung ilalarawan ko, siya ay matangkad na mukhang basketball player ata, kaedad ko lang ata, nakasuot siya ng white t-shirt at black pants, at ang pinaka napansin ko ay yung mga mata n'ya.
Napakurap na lang ako nung pinutol n'ya yung titigan namin at dumiretso na sa loob para makabili na siya.
Kinain ko na lang ulit yung noodles ko na lumalamig na.
After 5 minutes, nagulat ako nung nakishare siya ng table sa akin at umupo sa upuan sa tapat ko. May dala siyang cup noodles din at isang mineral water.
Nagtaka ako sa ginawa niya kaya tinignan ko kung wala na bang bakanteng upuan pero marami pa naman.
" Hey, pwedeng makishare ng table?" tanong niya.
" Sige lang. Nakaupo ka na eh saka hindi naman ito sakin." tapos bigla siyang natawa sa sagot ko.
Napailing na lang ako, para kunwari hindi ako kinikilig sa tawa niya! HAHAHAHA
" Funny ka. Na-curious tuloy ako sa pangalan mo." sabi n'ya sa'kin.
" Hmm?" yan lang ang naisagot ko.
" So, anong name mo?" tanong nya.
'don't talk to strangers remember?' naalala ko na sinabi sa akin nung bestfriend ko.
" Sorry, but I don't talk to stranger eh pero you can call me ahmm---" napayuko ako at nag-isip ng pwedeng gawing codename chuchu. Ano ba maganda?
Nadagil ko ng kaunti yung cup noodles ko kaya naman napatingin ako dito. At ngayon ko lang napansin na Ramen pala ang flavor nito.
Ramen... hmm sounds kyut! HAHAHHA
" Just call me Ramen. HAHA" dugtong ko.
"Halatang pinag-isipan ah? HAHA. Sige, Ramen na ang itatawag ko sayo." sagot n'ya.
" Eh ikaw, ano name mo?" tanong ko naman sa kanya.
" Kung ikaw si Ramen, ako naman si---" binasa niya din yung nakasulat sa cup noodles n'ya at napangiwi na lang siya.
" Bakit yung Ramen ang kyut pakinggan? Pero yung akin ang bantot!" sabay ngiwi niya.
" Pffft hahaha! Ano bang noodles yan?" tanong ko ulit.
" Jjampongg."
Medyo mabantot nga pakinggan pero ang kyut pa rin. BWAHAHAHAHA!
" Sana ol kyut." yan lang ang sinagot nya. HAHA
Nagpatuloy pa kami sa pag-uusap at sa pagkain ng noodles namin hanggang sa dumating na yung mga bweset kong group mates. Kailangan ko na tuloy magpapaalam kay jampong.
" Aalis na kami. Bye Jampong."
" Sige bye. Hope to see you again soon, Ramen." then kinindatan niya ako.~pindutin mo yung star, mailaw yan! HAHAHAAH