XXIII

1.8K 111 16
                                    



"Bakit napadalaw ka naman ata Ken? Biglaan ha" Tanong ni Seb habang kumukuha sa dala kong dalawang box ng pizza kanina.


"Ahh wala naman. May errand kasi ako malapit here so I thought why not dumaan man lang. Tagal ko na ding hindi nakakabisita eh" sagot ko kay Seb. Talaga ba Ken? Sinong niloko mo?


"Sus namiss mo lang ako e" singit naman ni Choi sabay tawa nang malakas.


Di ko alam pero kinakabahan ako sa mga ginagawa kong ito. I woke up having this feeling na need ko kumilos, its my bahala na version of everything. Hanggang ngayon nageecho pa rin sa isip ko yung mga sinabi ni Sir Isaac na I should fight for him.


Medyo ilang lang dahil kaaalis lang ni Clifford ngayon papapunta sa opisina niya dahil may need daw siyang ireview na report kaya naiwan lang muna yung dalawa dito para kainin yung dala ko. Hindi ko alam pero bakit feeling ko iniiwasan niya ako?


Paano ba to? Eh para sayo Clifford yung dala ko. Noong dumating din kasi ako kanina ay halos walang reaksyon to, para walang ka-emo-emosyon ang mukha nito nang pumasok ako. Pero ano nga ba ang ineexpect ko, na magtatatalon siya tuwa at salubungin ako ng yakap? Syempre hindi! Kaya nga nandito eh,para bumawi kasi nasaktan mo siya.


"Puntahan mo na" dinig kong sabi ni Seb dahilan para mapatingin ako sa kanya with the look na "pinagsasasabi mo?". Ang arte ko na naman damn.


"You know what I am talking about. Just go to his office" ani nito sa akin


"Baka maabala ko eh. Alam mo naman si Clifford" sagot ko na lang sabay bitaw ng isang pekeng ngiti.


"Wala yung rereviewhin kasi katatapos lang ng meeting namin. Dalhin mo na itong isang box ng pizza" sagot ni Seb sabay abot sa akin ng pizza.


Bahala na nga. Kaya kinakabahan man ay naglakad na ako papunta sa opisina nito na nasa dulong bahagi ng palapag na yun. Parang ang lalim ko naman atang magtagalog? Kakatok ba ako? O bubuksan ko na lang? Pero I dont want to be rude kaya kumatok muna ako.

"Come in" dinig ko sabi nito mula sa opisina niya.


Nagbabasa nga ito at pinasadahan lang ako nang tingin noong makapasok ako. Suplado naman nito. Clifford naman, wag ganito.



"Uhmm dinalhan kita ng pizza" sabi ko dito sabay bigay ng pekeng ngiti pero hindi man lang ako nito tinignan.


Mukhang hindi niya pa rin nakakalimutan yung nangyari. Ken ano ba tong ginagawa mo? Pero bahala na, kailangan kong sundin yung sinabi ni Isaac. Jusko Ken, may girlfriend yung tao? Sorry di ako malandi pero kailangan ko lang to sabihin kesa habambuhay ako magsisi.


"Iwan mo na lang diyan sa mini-table" sagot lang nito without even giving me a glance. Pati ba naman tingin mo Clifford pinagdadamot mo na ngayon?


Yun na yun Clifford? Ugh! Ganito ba yung nararamdaman niya pag nirereject ko siya dati? Pag sinusungitan at sinusupladuhan ko siya dati? Pero katulad nang sinabi niya inilapag ko nga yung dala kong isang box ng pizza pero hindi pa rin ako umalis kaya meyo nagtaka siya at tumingin sa akin.


"What? May kailangan ka pa?" Tanong nito


Fuck fuck ano sasabihin ko? Uhmm, ikaw? Ikaw ang kailangan ko? Fuck ang landi hindi ikaw yan Ken. Wag ka na magmalinis need mo gawin best mo kasi kasalanan mo din naman to. So ano maghubad ba ako dito? Not you Ken


"Uhmmm ano walang pineapple yan. Hehe oo kasi di ba ayaw mo nun?" Sagot ko na lang dito


Pota ka Ken?! Ano ba pinagsasasabi mo? Paki-alam naman niya sa pinya? Halatang gumagawa ka lang ng reason para hindi ka agad maka-alis. Ano ba kasing ineexpect mo? Mag-oopen siya ng topic sayo? Na makikipagcatch up pa siya sayo?


Oo naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon