Part 1

446 26 9
                                    

EXPLICIT CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK.


Abala ako sa pagpaplano kung paano ako makakalabas sa punyetang selda na ito.


Napalingon ako sa mga kasama kong inmates na puro malalalim na ang tulog at yung iba'y ang lakas pang humilik.


Napairap ako sa inis. Hayop na Marcus 'yon, iniwan ako sa kasagsagan ng mission namin. Matapos niyang makuha ang pera, hayon at ang kapal ng mukha na iwan ako ng magsidatingan na ang mga pulis.


Nagpapanggap akong natutulog kada may mga pulis na palakad-lakad sa may pwesto ko.


Matagal ko ng pinlano ito at base sa mga calculations ko, kada alas tres ng madaling araw nagpapalitan sila ng tao na nagbabantay. Lalabas ang unang bantay mga alas tres at dadating naman ang kapalit niya mga bandang alas tres 'y kinse. Approximately fifteen minutes lang ang palugit kong oras para maisagawa ang pagtakas na ito.


Sapat na oras na sakin yun para makaalis sa bwesit na lugar na ito.


Napadilat ako ng marinig ko ang mahinang tunog ng alarm clock na nakapwesto sa loob ng opisana ng nagbabantay, medyo kita sa higaan ko ang pwesto ng pulis na nagbabantay saamin. Alas tres na. Agad akong bumangon at tahimik na pinakiramdaman ang paligid.


Tahimik na. Wala na yung mga bantay na pabalik-balik kanina.


'Kaya mo ito, Trish. Hindi ito ang unang beses na tatakas ka sa pagkakakulong. Trained ka para sa mga bagay na ito,' determinadong sabi ko sa sarili ko.


Sinigurado kong walang makakapansin sa akin. Lumapit sa rehas at tinanggal mula sa buhok ko ang dalawang hairpin. Ginamit ko ang hairpin na iyon para kalikutin ang lock. Napangiti nalang ako ng makarinig ng tunog na 'click' tanda na nagtagumpay ako.


Lakad takbo akong pumunta sa maliit na opisinang kinapapalooban kanina ng pulis na nagbabantay saamin kanina. Nakaabang na si Marcus sa labas dala ang mga susuotin ko. Kailangan ko lang hanapin yung masterkey ng pintuan sa may likod para makaalis dito.


Ilang weeks na ako dito at napapansin na ang lagi lang nila ginagamit ay yung pinto sa may harap. Maingat kong hinalukay ang mga drawer para hanapin yung skeleton key na dala lagi ng mga pulis.


Bawat drawer at lalagyan tinignan ko na. Napaigtad ako ng may nag vibrate sa may hita ko. Nilabas ako ang napakaliit na cellphone na binigay noong huling may dumalaw saakin.


"Trisha, nasaan ka na? Kailangan mo ng magmadali!" rinig kong sabi ni Marcus sa kabilang linya.


"Manahimik ka, Marcus. Kung hindi ka ba naman duwag at hindi mo ako basta iniwan sa misyon hindi mangyayari 'to. Kaya matuto kang maghintay diyan," halos maitapon ko na ang cellphone na dala ko dahil sa inis.


Sinubukan ko ulit hanapin ang susi na iyon para makaalis na ako dito.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tasty OrgasmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon