Alamat ng rosas

679 7 0
                                    



Noong unang panahon may isang prinsesa na may pulang buhok na mahaba at mabango, matangos na ilong , mga berdeng mata na parang berdeng saphiro at mga berdeng guhit o marka sa ilang bahagi ng katawan.

Siya ay isang prinsesa na may mabuting puso. Siya ay matalino ,magaling sumayaw, magandang umawit, magaling mag pinta, mahusay gumawa ng tula at iba pa.

Ang prinsesa ay may nakatagong kapanyarihan . habang kung paano ito gamitin ay isang mysteryo dahil ang ilang memorya ng prinsesa ay hindi niya maalala.

Nang isang araw ang tirahan ng princesa ay inatake ng kalaban na kaharian na ang pangalan ay morgana. At natalo ang tirahan ng prinsesa at kinuha ang prinsesa ng mga kalaban at dinala sa palasyo ng hari nila. Nagkagusto ang anak masamang hari sa prinsesa kaya't nagustuhan ipakasal ito sa kanyang anak ,kaya't kinulong at kinadena ang prinsesa sa isang hardin na puno ng mga bulaklak at iba't ibang uri ng halaman upang hindi makatakas sa palasyo.

Katapos ng Isang linggo na nakakalipas.

Ang mga pinunong kalaban kaharian ng Esmeralda o mas kilala na kalaban ng masamang hari ng morgana ay nag padala ng isang binatang ispya para tignan ang nilalaman ng palasyo at mga armas ng kalaban nila.

Ang ispya ay may itim na buhok at mga matang asul. Siya ay ang pinakamagaling na ispya sa kaharian ng Esmeralda at ang pamangking ng hari at reyna ng esmeralda.

Isang gabi ...

Nagtankang makapasok sa palasyo ang ispya. At nag tagumpay naman ito dahil nakakita ito ng pagkakataon na ang isang kawal ng palasyo ay nakatulog sa pwesto nito at siya ay nakapasok. Atnapuntahan ng Binata ang hardin na puno ng iba't ibang klase halaman kung nasaan ang prinsesa.

Ang prinsesa ay na alerto nung nakita niya ang binata at tinitigan niya ito habang may hawak na sangay na galling sa isang puno... Habang ang binata naman ay nagulat at muntikang ma praning dahil hindi niyang maakala na merong makakakita sa kanya ... dahil ito ang unang beses na nangyari sa kanya.

Kaso nakita ng binata ang gintong kadena ng prinsesa At nalabas ng isang kutsilyo na maliit.

Nung una natakot ang prinsesa kaso nagsalita ang binata "wag kang matakot saakin magandang princesa, Dahil gusto ko lamang na pakawalan ka"

Ang tinapon naman ng prinsesa ang sangay at sinubukan lumapit sa binata kaso hindi umabot ang prinsesa dahil sa kadena nito.Kaya't lumapit ang binata sa prinsesa at tinangal ang mga kandado ng kadena gamit ang kutsilyo na maliit.

Masayang Masaya ang prinsesa nung nakita niya na wala na ang kandado sa kamay at sa paa niya.

Kaso may narinig na taoang parating ang binata kaya't nag tago sila sa likod ng isang halaman kung saan sila hindi matatagpuan. Ang taong pumasok ay ang prinsipe ng kaharian ng morgana. Bibisitahin niya sana ang prinsesa kaso nakita niya na wala na ito sa hardin kaya't kumilos ito kaagad. Ang prinsipe ay umalis sa hardin para mag ulat sa kanyang ama. Nakakita ng pagkakataon makatakas sa hardin ang binata at yinaya niya ang prinsesa na tumakas kasama niya. Tumango naman ang prinsesa sa binata. Tumakas sila sa hardin at sa mga kawal ng palasyo. Kaso nung patakas na sila sa gate ng palasyo ... Nagkataon na ang masmatandang prinsipe ay kaka balik sa paglalakbay nito at nakita ang binata at ang prinsesa. Tinawag ng masmatandang prinsipe angt mga kawal dahil nakita niya ang Crest o simbolo ng kalaban kaharian sa kaliwang braso ng damit ng binata. Kaso nakatakas parin ang binata kasama ang prinsesa dahil siya ay mahusay makipaglaban at matalino rin.

Tumakbo sila sa napakalaking kagubatan ng fiora na nag-uugnay sa kaharian ng morgana at kaharian ng Esmeralda. Tumakbo ng Tumakbo ang dalawa ng mahigit tatlong oras. Huminto muna sila para magt pahinga. dahil napasin ng binata ang prinsesa ay pagod na pagod na sa kakatakbo.

Ng nagpapahinga sila nag tanong ang binata kunga ano ang pangalan ng prinsesa kaso...

Walang naisagot ang prinsesa dahil wala siyang maalala tungkol sa pangalan niya.

Kaya't nag isip ng pagalan ang prinsipe at pinagalanan niya ang prinsesa na serene dahil siya ay sobrang tahimik na kahit isang beses hindi ito kinausap ang binata.

At mga ilang minbuto pagkatapos mag pahinga .Ang dalawa ay nagpatuloy mag lakbay papuntang Esmeralda.

At makatapos ng 4 oras na pagtakbo. Nakarating narin sila sa Esmeralda.

At sila ay pumunta sa palasyo para iulat ng binata ang mga natuklasan niya sa kalaban na kaharian at tungkol sa Prinsesa at nagpaalam pa siya na aalagaan niya ito na parang sarilling kapatid.

(Ang binata ay nag paalam sa hari at reyna dahil sila ang itinuring magulang nito.)

Ang hari at reyna ay pumayag naman sa gusto ng binata.

Mga ilang buwan na nakalipas naging mag kaibingan na parang makapatid ang binata at ang prinsesa. Malaki na ang ipinag bago ng prisesa sa binata. Hindi katulad dati na halos isang salita hindi nagsasalita ang prisesa sa binata. At hindi lang ang binata ang kaibigan ng prinsesa pati narin ang prinsipe at prisesa ng morgana. Kaso iba parin ang pagkakaibigan ng binata sa prinsesa Dahil napaibig ang prinsesa sa binata dahil sa kabaitan nito sa kanya.

At isang araw .

Kinausap ng prinsesa ang binata at inamin ang kanyang pagibig. At tinagap naman ito ng binata.

Pumunta sila sa throno ng hari at reyna at pinagsabi ang kanilang relasyon. Natuwa naman ang hari at reyna ditto at hindi trinutulan ang kanilang pagibig.

At magkatapos ng anim na buwan.

Sa isang gabi habang tulog ang lahat sa mga saririling silid.

Habang kumakanta Ang prinsesa ng isang awitin. Ang prinsesa ay Ninakaw ng mga alagad ng hari ng Morgana upang ibalik sa morgana at gawing asawa ng isa sa mga anak niya. Ang prisesa ay sumigaw ng tulong nalang. Pero narining ito ng binata dahil kalapit kwarto lang sila.

Hinabol ng binata ang mga alagad ng hari ng morgana hangang sa kagubatan ng fiora Kung saan nakita niya ang mga alagad ng hari at ang masbatang anak ng hari ng morgana.

Sinubukan ng binata na ibalik ang prinsesa. Inatake ng binata ang ilang alagad gamit ang dalawang kutsilyo na dala niya. At na patumba naman niya ang mga ito. Tapos kinalaban niya ang prinsipe gamit ang kanyang dalawang kutsilyo laban sa isang espada. Natalo ng binata ang prinsipe sa mabilisan na pag patalsik ng espada ng prinsipe. Itinurok niya ang isang kutsilyo sa lalamunan ng prinsipe at...

Napigilan siya dahil kung papatayin niya ang prinsipe papatayin ng isang alagad ang prinsesa. Kaya't napigilan ang binata na patayin ang prinsipe at tinapon niya ang kanyang mga kutsilyo. At pinag papana ang binata ng mga palaso sa likod ng mga sundalo na nagtatago sa tabi-tabi. At ang katawan ng binata ay tumumba sa lupa.

Nakita ng princesesa lahat ng nangyari sa kanyang taong mahal At siya a nag alit. Ang mga guhit o marka sa kanyang katawan ay lumiwanag. Pati narin ang kangyang mga berdeng mata.

At may mga tinik na nangaling sa lupa na pinatay lahat ng mga mga kalaban kasama narin ang prinsipe.

Pagkatapos pinutahan ng prinsesa ang katawan ng binata at yinakap niya ito at umiyat ng buong maghapon Hangang may kawal sa Esmeralda na nakakita sa kanila.

Nagpagawa ang hari at reyna ng Esmeralda ng hardin para sa paglilibingan ng binata na itinuring na nilang sarililing anak .

Ang hardin ay punong mga mamahaling halaman galling pa sa ibang kaharian .

Pagkatapos ilibing ang binata ang prinsesa ay pumunta sa hardin at sinabi sa libingan ng kanyang mahal

"Iiwanan ko itong kaharian ito ng basbas, ang kaharian ng Esmeralda ay magiging masagana at mapayapa sa aking nais."

"Ang aking sarili at aking puso ay mananatiling sayo... hangang sa katapusan ... aking minamahal na Cayden "

Pag katapos nun ang prinsesa o si serene ay nawala nung binisita niya ang libingan ng kanyang mahal . at meron nalang silang nakitang isang bulaklak na kulay red na may tinik sa tangkay nito tinawag nila itong rosas dahil sa ganda nito ay binansagan reyna ng mga bulaklak. at ang kaharian ng Esmeralda ay naging mapayapa at naging masagana .

Habang ang tunay na kataunan ng prinsesa ay hindi parin nalalaman hangan nayon.

Ang wakas.

Alamat ng rosasWhere stories live. Discover now