Chapter 3

16 0 0
                                    

Vea's POV
Tapos na kami kumain nila Dominique,umalis na kami sa canteen at nagdecide na i-tour namin sya sa university na to.
Si Drake na ang nagkukuwento ng kung ano ano . Tinuro nya na rin kung asan ang library ,gym,food park at iba pa

Nakikinig lang ako sa kanila, pero napapansin kong panay ang titig saken ni Dominique... hindi naman sa naga-assume pero yun ang nasilayan ko. Si Drake naman napapatingin rin kay Dominique tas susundan nya kung san sya nakatingin tapos para bang naiinis na ang mukha niya . Problema neto?

" ok na alam mo na lahat" sabi ni Drake kay Dominique na para bang ang cold  nya na magsalita .

" Do you have any problem Drake?"  Tanong ko naman sa kanya habang nakangiti

" wala naman🙂"
"Anyway, I gotta go,may  kukunin pakong libro sa library maiwan ko muna kayo"

At yun na nga iniwan na nga kami ni Drake may kukunin daw na libro sa library

Napatingin naman ako kay Dominique na tila ba nagtataka rin sa inasal ni Drake .  Ngunit ganun din sya , napatingin din sya saken . Nginitian ko na lang . Saka ako naglakad at nauna na sa kanya .

"Vea"
"Yes, what is it?"
"Gusto kitang makilala🙂"
"Kilala mo naman na ako,you're calling me Vea na nga eh"
" No not  that hehe , what I mean is I wanna know more about you"

Napanganga na naman ako sa sinabi niya

"I WANNA KNOW MORE ABOUT YOU"

Interesado ba sya saken?

" Is that s-so" shocks Im stuttering
"Yeah"  And then he smiled at me

Ang gwapo ni Dominique, hindi ako makapaniwala na may gwapo akong nakakausap ngayon

No no no ,  dba sabi ko Self-love muna ako sa ngayon, ayokong bumigay, ayoko maging marupok. Ughhh no Vea, no .

Drake's POV
Drake Alejano nga pala. 19. Wala lang I just wanna introduce myself.

Hmmm pano nga ba ako mag sisimula?

Ugh grabe nakalimutan na nga talaga ako ni Vea.  Hindi ko pa rin kasi nababanggit sa kanya na magChildhood friend kami . May picture pa nga kami, pero ako lang may picture naming dalawa at si mama pa ang nagtake ng pic samin.

Pano na nga ba kasi kami nagkahiwalay ni Vea noon?

Ahh ok

Flashback

"Anak, magpaalam ka na kay Vea. Babyahe na tayong papuntang airport."

"Mom, do we really have to do this?" sabi ng 5 yrs old na batang lalaki ( Drake )

"Yeah, sweetie, gusto na kasi tayo makasama ng daddy mo,ayaw mo ba nun?"
"Babalik naman tayo dito, dont worry, paalam ka na kay Vea".

Tumingin ang batang lalaki sa napaka cute na batang babae. Tila ba naguumapaw ang lungkot sa  mukha ng batang babae. Nakakalungkot na iiwan na siya ng kaibigan niya. Nakakalungkot na iniwan ko na siya noon. Pero kailangan kas dahil yun ang kagustuhan ni Dad.

"Bye Vea"  saka ko siya hinug ng sobrang higpit na para bang nasa edad kinse na kami o disi otso

Tumutulo lang ang luha niya. At ganun din ang batang lalaki.

"Bye Dj"

"Vea? anak?......aww,bye Dj, bye mare,mag-iingat kayo doon ha".  Sabi ng magandang babae samin ni mama. They're like sisters kasi sobrang close sa isat isa kaya naging close din kami ni Vea noon

"Salamat sis, take care,paglaki ng mga anak natin, sila ang dapat magkatuluyan ha HAHAAHAHA ".    Sabi nila  na nagtutuluyan

Saka napansin ng batang lalaki na tumakbo papasok sa bahay nila ang batang babae na umiiyak. Ang sakit sa puso isipin nyo ang bata ko palang noon pero nagkaroon na ako ng first heartbreak .

" Vea ,anak".
"Nako sige na sis,aalis na kami,sundan mo na ang anak mo".  *kisses and hugs*

ahh ayoko na mag kwento end of flashback na .

Wait bakit parang basa pisngi ko? Hell no? Why am I crying?

Nako naman. Kasalukuyan nga pala akong nandito sa Library, sabi ko kasi kila Vea na may kukunin ako dito pero nauna ang drama ko eh .
Ang sama ng loob ko, dumating lang yung bagong kaklase na namin, interesado ba sya kay Vea? Nauna ako sa kanya huh

Kelan ko ba sasabihin sa kanya na ako si Dj? She used to call me Dj before . Kaya siguro di na rin nya ako nakilala as his childhood friend dahil sa pagkakaintroduce ko sa sarili ko noon sa kanya eh Dj lang naman sinabi ko na pangalan ko. Naiintindihan ko naman na di nya ako maalala kasi ang tagal na rin, basta ako naaalala ko pa rin siya.
Hayst, ang cute nya lang noon ngayon ang ganda nya na.

Dbale, naimbitahan ko naman sya sa bday ko,baka pag dumalo sya sa bday ko maalala nya na ako at si mom, ipagkakalandakan ko sa lahat ng visitors ko na si Vea ang child hood friend ko, at higit sa lahat, "MY FIRST LOVE".

Vea's POV
Mahilig ako magshopping
Mahilig ako mag travel
Single ako kaya marami ako kinahihiligan .

" ahh kaya pala"

" how bout you?"

" how bout your personality?"

"Hmmm, mabait ako, pero may attitude din kasi ako na maaaring di magustuhan ng iba"

" oh ikaw naman, your turn."

" mahilig ako sa kotse, and shoes, and clothes na rin , pampora ganun".

" how bout your personality?"

"Im a cold-hearted man pag nandidito sa school, sa bahay naman , madaldal ako, pero mabait naman akong tao,mapagmahal and gentleman. Aaaand Im Single". * winked*
" HINDI KO TINANONG KUNG ANONG STATUS MO"

" SINABI KO LANG"

Yan lang napagusapan namin ni Dominique, sabi nya kasi gusto nya ako makilala edi nagpakilala ako, nagpakilala din siya LOL.

" single ka ngayon?,  Or NBSB ka talaga?"
" single ako ngayon dahil nasaktan na rin ako, but I dont wanna share 'bout that, siguro sa susunod na lang"
" Im not asking you to share 'bout what happened to the both of you duh".
" K"

Nagka girlfriend na pala siya,siguro nung nasa Toronto sya, dun sya nakamingwit ng girlfriend nya. HMMM pero sabi nya ikukuwento niya sakin sa susunod, ok I'll wait for that.

Asan na nga ba si Drake? Sabi nya may kukunin lang siya?    Huh?  di naman nya sinabi na babalik siya,bat ko siya hinahanap?

Habang kausap ko kanina si Dominique,tamang titig lang ako sa kanya buti di nya napapansin . Pero di ko siya crush, gwapo sya pero di ko siya crush,kasi nga dba sabi ko naman sa inyo, di ako masyadong naglalaway sa mga sobrang gwapo, pero mataas pa rin naman ang standards ko pagdating sa lalaki eh. Ewan ko ba,siguro ngayon di ko pa crush ang lalaking yon, baka sa ibang araw?
Luh, malapit na ba akong magkaboyfriend neto? Luh luh luh, hindi . NO WAY  (wait? ang Oa ha? )

Uwian na namin, saka ko lang nakita si Drake nung uwian na, san ba nagsususuot tong lalaking to?

Habang naglalakad ako papuntang mall, ( syempre mall na naman ang punta ko neto ). May bigla akong naisip? Mejo blurry pa sa utak ko, pero parang may sinasabi ang isipan ko na kailangan kong alalahanin?

"Vea, tara bike tayo sa park"
" Sure"

Ha? Sino yun?

" aalis na daw kami ni mommy pupunta na daw kami sa US"
" ha?why?  Hindi na kita makakalaro?"
" hmm"
" waaaaahhhhh F.O na tayo DJ"
" ha"

Bakit para akong naiiyak? Ano ba tong biglang sumingit sa utak ko? Sino yung batang kalaro ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving Dominique Ayala ( On-going )Where stories live. Discover now