Chapter 63

88 6 0
                                    

Chapter 63

Date


IRIS

Naghiyawan ang mga kaklase ko na babae habang ang mga lalaki naman ay nagtataka sa naging reaksyon nilang lahat sa presensya ng bisita namin. Kinikilig sila sa tanong ng gwapo at misteryosong lalaki na nasa likuran ng classroom.

I sat back on my chair bago ako bumaling kina Daisy, Wren, Noelle, at Stephanie na kinikilig na parang mga bulate. Damn, his entrance is making every girl in here go crazy.

"Sino ba siya? Bakit nababaliw kayo sa kanya?" Naguguluhan kong tanong sa apat kong kaibigan dahil sa naging reaksyon nila.

"Siya si Cairo Auden Monteleone, ang Romeo ng mga Juliet!" Tugon ni Noelle habang napapakagat sa kanyang labi.

"Romeo ng mga Juliet'?" Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Ilan beses niya ba kailangan mamatay sa bawat Juliet niya?"

"Iris naman!" Niyugyog ako ni Noelle. "Sikat siya sa mga kababaihan! Sobrang gwapo kasi!"

Stephanie glanced through her shoulders, tinitigan niya nang matagal si Cairo. "Isa yata siya sa First Generation kaya bumisita siya ngayon! Nakakakilig!"

"Sa totoo lang, nakikisali lang ako sa kilig at paghampas kahit hindi ko siya kilala." Sabay humalakhak si Wren.

Napabaling ako sa grupo ng mga boys. Napansin ko na nakatingin sa amin ang mga Antis at nakasimangot ang mga ito. Mas lalo na si Brent na sinasamaan ako  ng tingin. Ano bang problema nila sa amin? Wala naman kami ginagawa sa kanila.

"'Di ba ang pogi niya, Iris?" Pang-aasar ni Noelle sa akin. "Aminin mo na nagwapuhan ka rin kay Cairo."

May naramdaman akong papel na tumama sa noo ko. Hindi ko na lang ito pinansin. Bumaling ako kay Cairo at pinagmasdan siya. Gwapo siya, may nakakaakit na ngiti, at may suot siyang magarang suit. Lumilingon siya sa mga girls at ngumisi sa kanila.

Humarap ako sa mga kaibigan ko. "Gwapo nga."

Napabaling ako sa pinagmulan ng malakas na tunog. Nakita ko na nakahiga ang noo ni Brent sa makapal niyang libro habang tinatapik siya sa likod ng mga kasama niya.

"Okay ka lang, Brent?"

"Dude, nahilo ka ba?"

"Nabaklaan ka na rin ba 'don sa lalaki?"

"Ang gwapo pa rin ni Cairo kahit halos magkasing-edad lang sila ni Professor Paige!" Napabaling ako sa nagsalita sa tabi ko. Nakatingin si Daisy kay Cairo with her dreamy eyes.

"Parang sinasabi mo naman na sobrang tanda na ni Professor Paige." Humagikgik ako. 

"Matanda naman talaga siya, maganda pero matanda." Humalakhak kaming lima.

"Naririnig ko kayo diyan, mga Wattpad Girls!" Sigaw ni Professor Paige sa harap ng silid. Naglaho ang tawanan namin dahil sa bakas ng galit sa ekspresyon ni Professor Paige. "Naririnig namin ang kadaldalan niyo diyan! F-Y-I, twenty-four years old pa lang ako! Hindi pa ako gurang katulad ng inaasahan ninyo!"

It turns out, Cairo is actually twenty years old, nakita namin mula sa bio ni Cairo. It's obvious these two know each other or possibly they have some history.

"Siya ang pinakabata na grumaduate sa kanilang antas." Pagpapaliwanag ni Professor Paige habang namumula ang pisngi nito. "Isa siya sa mga estudyante ko sa Romance at ako ang natatanging nagtutor sa kanya."

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon