Chapter 80
Hopeful Romantic Girls
IRIS
Sa totoo lang, naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang dapat kong paniwalaan at ipaglaban. Nakakapagod na makipagtalo sa mga tao na hindi naman nakikinig sa'yo.
Patuloy silang lumalaban kahit sinukuan na kami ng mundo. Pinagmamasdan ko sila, nag-uusap kung paano mababalik ang love stories, naghahanap ng paraan sa ilalim ng kadiliman namin, at namangha ako sa kanilang lakas at tapang na harapin ang amin hadlang.
Ngayon, napapatingin na lang ako sa mga kaklase ko at iba pang mga writers na binibigyan pa ako ng lakas ng loob para ipagpatuloy pa ito.
Kapag nakikita ko silang lumalaban pa, ang puso ko ay tumitibok para umahon at magpatuloy pa. Hindi ko pwede sukuan ito dahil importante itong lahat sa amin.
I will keep fighting with them together in this journey.
Nagtipon-tipon kaming mga Romance writers sa recreational room. Lahat kami ay nagmumugto ang amin mga mata, kahit ang mga kaibigan ko na mukhang halos hindi na nakatulog kagabi katulad ko. Mahirap makatulog sa ganitong sitwasyon lalo na't nasira ang pangarap namin.
Hawak ko ang listahan na sinulat ko sa notebook kung anu-anong mga love stories ang nabura sa Wattpad. I could only count the ones from our stars and Wattpad Academy sa sobrang daming naapektuhan.
Ang Love Extinction ang nagdulot ng kawalan ng pag-ibig sa mundo namin at pati na rin sa mga love stories sa Wattpad.
"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.
"Kailangan namin ng payo ninyo." Dagdag pa ng isa.
Nakatingin sa amin lahat ang mga kaklase namin na naghahanap ng pag-asa mula sa kawalan ng bawat love story writers. Nagpalitan kaming lima ng tingin, napayuko sila, at ako na lang nagawang humarap 'don sa nagtanong.
"Sa totoo lang, hindi rin namin alam kung ano ang dapat natin gawin sa sitwasyon na ito." Pag-amin ko sa kanila. "Alam kong mahirap para sa lahat na tanggapin na naglaho ang mga love stories sa Wattpad. Masakit sa atin na ang mga naging inspirasyon natin ay nabura na. Ang atin nilikhang katha ay lumubog na sa dagat ng kawalan."
Natahimik silang lahat at napayuko sa nasabi ko, pero hindi pa ako tapos magsalita.
"We're Wattpad Girls. We never give up in love and dreams, especially not to our stars." Nginitian ko sila at hinawakan ko ang kamay ng mga kaibigan ko.
Napatingala sila sa akin at kumawala ang kanilang mga ngiti na matagal ko nang hinahanap simula nang nawasak ang puso at pangarap namin.
"As long as we have each other, our love will be an incandescent light in our darkest days."
Isa-isa namin inabot ang amin kamay sa isa't-isa hanggang sa naging chain reaction ito ng holding hands namin. Magkakapit-kamay kaming lalagpasin itong hadlang. Magkakapit-kamay tayong lahat na dadalhin ang pag-ibig sa mundo na nagawang ibura ito.
"Nasasaktan po ako, ate Iris. Pinaghirapan ko po iyon sabay mawawala na lang bigla?" Tuluyan humagulgol ang babae habang tinatakpan ang kanyang mukha.
"Lahat tayo ay nasasaktan ngayon. Lahat tayo ay nawalan ng importanteng bagay sa puso natin." Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman kong umiinit muli ang mata ko. Akala ko naubos ko na ang akin mga luha ngunit may tumulo pa rin sa pisngi ko. "Huwag kayo magpapatinag sa hadlang kahit gaano pa kahirap lagpasin ito."
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Fiksi RemajaYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...