Chapter 82
Deidra
STEPHANIE
Pumasok kami sa loob ng Director's Office, ito ang opisina ng parents ko, ang may-ari ng Wattpad Academy. Bihira lang sila nasa opisina nila tuwing may mga major events lang katulad ng graduation ceremonies, awardings, or events.
Inaasahan ko ngayon ay wala sila sa loob ng opisina, subalit pagkabukas ko pa lang ng pinto, silang dalawa ang unang bumungad sa harap namin.
"This is a disaster! Umaatras ang mga producers at sponsors dahil nawala ang mga love stories!" Rinig kong angal ni Daddy habang naghahalungkat ng mga papers sa desk niya. "Hindi na nila mapagkikitaan ang mga gawa ng writers sa ganitong lagay."
"You have to calm down. Magagawan pa nila ito ng paraan." Pagkumbinsi ni Mommy na nagtatype sa Apple desktop niya.
Napalingon sa direksyon namin ang parents ko. Agad akong lumapit sa harap nila at nilatag ang palad ko sa ibabaw ng kanilang desk just to lean closer to them.
"Oh, Stephanie? Anong ginagawa niyo dito kasama ng mga kaibigan mo?" Tanong ni Mom nang mapansin niya sila sa likod ko na nakatayo.
"We need your help to bring back the love stories." She rolled her eyes at humarap ulit siya sa monitor screen.
"Anak, alam mo naman na hindi kami ang nag-aasikaso niyan." Bumuntong-hininga siya, without looking at me. I heard the tapping sound of the mouse.
"Take us to Wattpad Headquarters. Let us talk to them."
"They won't allow you to enter there, Stephanie." Tugon naman ni Daddy, looking through his glasses with a glare. "There's nothing we could do about it. Would you please leave us be? We're really busy."
"Pero kayo ang namamahala ng Wattpad Academy!"
"Just the school, not the app." She pointed out. Napalingon ako sa kanila na tahimik na nakikinig sa amin. Alam ko hindi sila makakasingit ng kanilang opinyon dahil ako lang talaga ang may kakayahan na kumbin
"But Mom!" I stomped on my feet. I was losing it. Tears start to form in my eyes. If they refuse to help us, it felt like the love stories becomes unreachable to us. "You could talk to the creators na ibalik nila!"
"I already announced na inaayos ito sa headquarters. Hindi sila ang nagbura, may ibang nagbura na unauthorized personel or maybe a hacker."
"Please, Mom! You have to help us!"
"I'm sorry, anak. Wala na kami magagawa pa sa sitwasyon niyo. It's out of our hands." This time, lumingon na sa akin si Mommy with her symphatethic look, like this is as far as she can go.
"This is important to all of us." Sabi ni Jax at tumabi siya sa akin. Umiwas ako ng tingin, hindi ko pa rin siya napapatawad.
"Malaking tulong po ito sa amin. Lahat po iyon ay inspirasyon at mahal namin." Sabi ni Daisy.
"Masakit po sa amin na mawalan ng love stories." Dagdag pa ni Noelle.
"This is our living dreams and we can't lose it."
Marami pa silang dinagdag, they said everything they could think of to convince my parents to help us about our situation, tahimik lang nakikinig sa amin ang magulang ko, and I'm not so sure if they would agree with us.
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Teen FictionYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...