Chapter 91

82 7 0
                                    

Chapter 91

You


DAISY

Naiinggit ako sa kanilang talento. Lahat sila ay may sariling kakayahan bukod pa sa pagsusulat. Ako, kailangan ko pang pagtiyagain ang writing, ginawa ko na ang lahat para matuto at tumino ang pagbuo ng kwento pero hanggang ngayon, may mga pagkakamali pa rin ako. 

Stephanie is a fighter. Wren is a lowkey singer. Noelle is a dancer. Iris is a spokesperson. And me? Where's my natural talent?

"Apat na lang kayo hindi pa nagkekwento. Huwag na magkahiyaan." Pagbibiro ni Wren.

"You go first, darling." Nginitian ako ni Theodore.

"Why me?" Tanong ko.

"I want to listen to the sound of your voice." He calmly said. Napalunok ako dala ng kaba.

"P-Pero..." My voice trailed off, nahihiya lang talaga ako magkwento sa kanila.

"It's going to be great, darling. Just let the words flow through you." Nakatitig lang siya sa mata ko. He sounded serious and gentle at the same time.

Huminga ako nang malalim, trying to anticipate the right words to say, nakakahiya naman kung ang babaw ng pananaw ng kwento ko at pagbigay ng mga salita sabay sa kanila ang lalalim. Ni hindi ko nga magawang mag-English ng maayos katulad nila. 

"Blossoming Eyes has a simple plot and story. Maraming beses niyo na nabasa ito sa Wattpad. Nagkabungguan sila sa pasilyo. Naging masungit ang boy. Nahumaling naman ang girl dahil gwapo at crush niya."

Kinakabahan ako habang nagsasalita ako sa harap nila. Sila pa naman lahat ang iniidolo ko sa sobrang galing, husay, at tiyaga nila magsulat ng kwento. Kahit baguhan lang si Iris, nahuhumaling pa rin ako sa mga salita niya. Lahat may kabuluhan. Ako lang ang wala.

"Sigurado ba kayo gusto niyo pa pakinggan? Overused na kasi ito sa Wattpad. Baka nagsasawa na kayo." Paninigurado ko habang nakakunot-noo.

Hindi pa naman sila ang tipo na writer mahilig magbasa ng mga cliché. Kahit may mga cliché man na libro o nakatambak sa Wattpad library nila, maayos naman ito. Ako lang iyong jeje sa amin.

"Clichés can be unique. Writers are a living paradox. We can be simple and deep. We can rewrite words and create something new. We are an endless string of emotions, weaving through the pendulum of time." Paliwanag ni Theodore habang nakatitig ang mapupungay niyang mata.

Napaawang ang bibig ko. How could I say 'no' to that? Kahit nahihiya pa rin ako, gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi niya, hindi ako matatakot majudge. I don't think they will judge me at all.

"S-Salamat." Nginitian ko siya.

I took a deep breath. Nagpatuloy pa ako sa paglalahad ng kwento.

"Matagal niya nang hinahangaan ang crush niya. Matagal niya nang minahal sa haba ng panahon. Ginawa niya lahat ng kanyang makakaya para mapamahal sa kanya ang crush niya. Subalit, kahit gaano mo pa kamahal ang tao, hindi siya mapapasayo."

Tahimik lang sila na nakikinig. Serioso ang kanilang ekspresyon. Inaasahan ko na may mabobored na sa kanila o hihikab sa antok, pero wala, lahat sila nakatuon pa rin sa akin, gising pa rin ang kanilang diwa.

"Habang tumatagal, lumalalim ang pagmamahal niya para sa kanya. Lumalalim ang ugat nito sa kanyang puso. Kapag pinitas ito sa kanya'y delikado. Kirot sa damdamin ang aabutin niya. Pero mas delikado pa si Devon sa kanyang kalagayan."

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon