Song: Perfect by Ed Sheeran.
---
Chapter 94
Everlasting Kiss
NOELLE
Nakaupo kami sa nag-iisang round table sa dulo ng gymnasium. Kakatapos lang namin kumain mula sa buffet. Ngayon, pinagmamasdan na lang namin ang mga kaschoolmates namin na nagwawala sa gitna ng dance floor, letting their inner selves run wild sa kantang Youth ni Troye Sivan.
Napansin kong nag-uusap silang lahat sa kani-kanilang mga partner. Lumingon ako kay Miles na nakatitig kay Wren habang nakikipagkwentuhan siya kay Nicolas, after a second, tumawa silang pareho.
Naalala ko ang pinangako sa akin ni Nicolas. To choose someone I will love. Ibibigay ko ang huling halik sa tamang tao, sa lalaki na mamahalin ko habang-buhay. Ito ang huli niyang hiling sa akin bago nagkaroon ng agwat sa pagitan namin, ignoring each other even when we're in the same place.
Pinagmasdan ko si Miles. Nakatingin pa rin siya sa kanila hanggang sa humalakhak si Wren. Umiwas siya ng tingin habang umiigting ang panga niya.
"Let's dance." Malamig ngunit kontrolado ang boses niya.
I stared at him with parted lips. Inalok ni Miles ang kanyang palad, nakangiti siya pero ang mata niya'y malungkot. Tinanggap ko ito at dinala niya ako sa gitna ng dance floor.
I look back to give a quick glance at Nicolas. Nakaupo siya. Walang balak sayawan si Wren o kung sino man. He's just staring at me with his brooding eyes. Kahit si Wren ay nakatingin na rin sa amin dalawa. Humarap ako ulit kay Miles na hinihila ako hanggang sa huminto kami sa maluwag na spot.
Sinayaw ako ni Miles. But it doesn't feel the same way. Matagal ko na siyang hinahangaan at inidolo. Minahal ko siya sa mahabang panahon pero bakit ngayon nagbago na ang lahat? Bumalik lang si Nicolas sa buhay ko, nagulo na ang nararamdaman ng puso ko.
Pinaghirapan ko na makarating sa puntong ito. Mag-isa lang kaming dalawa. Magkasama. Pero bakit hindi ako masaya? I got what I wanted, a time with him, but it didn't make me happy at all. Sadness starts to surface from my heart.
Nakatitig lang siya sa malayo. Ang sobrang lungkot ng kanyang mata kahit hindi niya pinapahalata ang kalungkutan niya. He doesn't deserve this. Kasalanan ko ito. I tore away their chance to be free to love.
Bumitaw ako sa pagkakapit sa kanya. Napansin niya ito at napabaling siya sa akin na nakakunot-noo.
"What's wrong?" May pag-aalala sa tono niya. Napakagat ako sa ibaba kong labi at nagpakatatag sa harap niya.
"I'm sorry, Miles. Salamat na inaya mo ako at sinayaw mo ako. Salamat sa oras na binigay mo." Ngumiti ako sa kanya. "But I'm in love with Nicolas.
Nanlaki ang mata niya, tila hindi ineexpect na ito ang sasabihin ko.
"Ganon ba?"
"Alam kong mahal mo si Wren. Nakikita ko sa mata mo. Kung paano mo siya tingnan. Kung paano ka gumalaw tuwing nandiyan siya. Ganon din ako tuwing nandiyan ka."
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Подростковая литератураYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...