Meron akong friend. Ayan, friend na naman. Astig ang porma, macho, may balbas, lalaking-lalaki ang dating. Pero pag may dumaan na pogi, nakupo, siya pa ang unang kikiligin.
Akala talaga ng lahat tunay siyang mhin, kasi naman pag kumilos, parang knight in shining armor my dear! Pero sa totoong buhay, mas malandi pa sa akin. Minsan, may nadaanan kami na gym. OMG, andaming boys. Biglang huminto ang bakla at naglitanya ng "Ate, dito na lang muna tayo. Ang ganda ng view. Kanin na lang ang kulang." Wala akong nagawa, sige, pagbigyan na lang ang loka.
At natatawa talaga ako kapag finifill-upan niya ang portion na gender. Sasabihin ko, "Hoy, ano'ng ilalagay mong kasarian? Tiyak o Di-tiyak?" at sasagot naman ng "Di-tiyak!!!!". Kaya naman nalilito ang pipol around kasi di nila malaman kung lalaki ba talaga siya o nagpapanggap lang. Nung una kasi, medyo in-denial pa, patago-patago, pinipigil ang sarili pero habang tumatagal, unti-unti ring lumabas ang kulay. Yes, kulay green!
Pero para sakin, hindi mahalaga ang sekswalidad sa pagkakaibigan. Ang mahalaga, masaya ang samahan, walang plastikan, walang pikunan at walang lihiman. Masaya ako kasi may mga kaibigan ako na tulad niya, na tulad nila. Kapag kasama ko sila, parang walang problema kasi lahat puro tawanan lang, saka, nasasabi ko lahat ng gusto ko. Kahit minsan inookray nila ako, inaasar pero tinatawanan ko lang kasi alam ko naman na lab nila ako. Hehehe.
Siguro nga, choice na rin yun ng iba na itago ang kanilang lihim. Maaring meron silang dahilan, at irespeto na lang natin yun. Ang importante, kaya nilang tanggalin ang kanilang maskara sa harap natin, kaya nilang magpakatotoo at kaya nilang aminin na sila ay may pusong babae din.