"Manyak mo kaloka ka. Akala ko ako na ang pinakamanyak sa grupo natin""Hinalikan ko ba? Hindi naman di ba? So technically ikaw pa rin. And please hindi ako manyak noh!" Inis kong react dito dahil kanina pa ako inaasar nitong si Janice dahil sa pagkukwento ko sa kanya nang nangyari.
"Asus kunwari ka pa. For sure planodo mo na siyang halikan noh, nahuli ka lang. Ang bagal mo naman Ken kung ako yun for sure hindi lang halik" sagot ni Janice na sinamaan ko na lang nang tingin. Napaka malisyosa talaga ng utak ng babaeng ito.
I know! Nakakahiya yung nangyari. Sobrang nakakahiya to be exact. Sino ba kasing mag-aakala na bigla siyang didilat? I mean tinitignan ko lang naman siya eh, I dont have any intentions na halikan siya or what so ever, pero yun nga bigla siyang dumilat habang nasa ganung position ako.
"Hahalikan mo ba ako?"
Tanong ni Clifford dahilan para manlaki ang mga mata ko at kaagad na umatras mula sa paglapit ko sa kanya. Muntik na ako actually matumba pero mabuti na lang gain ko ang balance ko dahil mas nakakahiya if ever.
"Fuck" reaksyon ko habang gulat na gulat pa rin akong nakatitig sa kanya.
"So are you trying to kiss me?" Nakangising tanong ni Clifford dahilan para mas manlaki ang mga mata ko. I am not exaggerating guys, pero kulang na lang iluwa ko ang mata ko sa mga nangyayari ngayon. Bakit kasi lumapit nang ganun Ken?
"Of course not! Why would I even do that? Hindi ako manyak noh!"medyo inis kong sagot dito while I am trying to collect myself. Jusko bakit biglang pawis na pawis ako?
"Eh bakit halos isang dangkal na lang ang lapit mo sa akin kanina? Nakatitig ka pa sa mga labi ko, ano yun?and wala akong sinabing manuak ka ha, unless guilty ka" Nakangising tanong ni Clifford habang prente pa rin siyang nakaupo sa swivel chair niya. Bakit parang enjoy na enjoy naman siya sa nangyayari?
Whut? What is he even trying to say? Tumitig ako, oo. Hindi ko namalayan na lumapit ako, oo. Pero ang halikan siya? Hindi noh! Hindi naman ako nandito para magtake advantage. Mang ahas,oo.
Come on, Ken matalino ka. Humanap ka ng lusot. Hindi pwedeng isipin niya na ganun ka dahil in the first place hindi ka ganun.
"May dumi...yes sarap na sarap ka sa pizza to the point na hindi mo na namalayan na may dumi sa mukha mo. I was just trying to help Clifford. Tatanggalin ko lang sana" dire-diretso kong sabi dito habang ito naman ay nakatitig pa rin sa akin na parang kinikilatis talaga ako.
Thats was a good excuse Ken. And tumitig ka lang naman eh. So okay na yun.
"Really?" Tanong nito sa akin na sinagot ko agad ng tango.
"Ano ba pa aber? Wag kang malisyoso" agad na sagot ko dito na ikinatawa naman nito
"Okay. Just in case, kilala kita pag nagsisinungaling and.....nevermind. Anyway, why are you still here?" Pagtatanong na lang nito sa akin. Okay nalusutan mo yun Ken so thats good job.
Pero teka bakit nga ba ako nagstay nang ganitong katagal? Oh yes, gusto ko makipagusap. Pero paano ko sasabihin yun? Hindi ko naman pwedeng sabihin na , ready na ako, or okay sige tayo na ulit, or ipaglalaban na kita. Ang dami ng complications ngayon dahil sa pagiinarte ko noon. 1st, I am pretty sure na galit siya sa ginawa ko, 2nd hindi na tayo sigurado sa nararamdaman niya for me and last he is already in a relationship.
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?