|*|
Amber's Pov
"Anong nangyari sa kaniya, Crius?"
"She was crossing the street that time, malayo palang ako bumusina na ako. Tinitigan niya nga lang yung kotse ko, I turned right but sadly nahagip ko pa rin yung braso niya."
Nakaupo siya ngayon sa harapan naming dalawa ni Kley habang tinititigan ang malaki niyang pasa sa kaniyang kanang pisnge, "How did you get that bruise?"
"My cheek hitted the steering wheel?"
"Hijo, ba't hindi ka humingi ng cold compress para kahit paano ay tumigil iyan sa pamumula?"
Tumango naman ako sa sinabi ni Tita Cynthia pero umiling lamang si Crius. Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo at nilapitan si Tita. He slightly bowed his head before he smile, "I'll come back tomorrow. May aasikasuhin lang po ako."
"Ah– Oh sige hijo, mag-iingat ka."
Tinanguan lamang ako ni Crius bago dumiretso sa pintuan. Nang makalabas siya ng silid ay nagdadalawang isip pa ako kung susundan ko ba siya o hahayaan ko na lang ba ang pasa niyang mamula ng ganon?
Tumakbo ako palabas ng silid ni Areal at hindi ko na ininda ang pag tawag ni Kley sa aking pangalan. Mabilis na hinanap ng aking mga mata ang bulto ni Crius. Nang makita ko siyang malapit na sa exit ay agad akong tumakbo nang mabilis.
"Crius! Sandali!"
Tila narinig niya ang sigaw ko dahil tumigil siya sa paglalakad at taka akong tinitigan. Napahawak ako sa aking tuhod at hingal na hingal na tumitig sa kaniya.
Ang dami niyang pasa sa mukha, hindi ko mapigilang hindi mag-alala.
"H-Halika Crius, lagyan natin ng cold compress 'yang ano-"
"Amber," Hinawakan niya ang dalawa kong balikat bago ngumiti sa akin. Inakbayan niya ako hanggang sa makalabas kami ng hospital, "I understand if you're concern, pero Amber, we're immortal. Itong pasang 'to wala na." Sa isang iglap ay naglaho ang pasang nasa mukha niya kaya kitang-kita ko ngayon ang makinis niyang mukha.
"Punch me, kick me, burn me, name it. Wala 'yang epekto sa amin. Stab me in my heart and I'll be dead."
He patted my head at iniwan akong nakatulala sa labas ng hospital. Mabilis siyang nawala sa aking paningin at nakita ko na lamang na nasa taas siya ng isang puno hanggang sa nawala siya sa aking paningin.
Wala sa sariling bumalik ako sa kwartong inookupahan ni Areal. Natutulog si Tita Cynthia sa gilid ni Areal habang si Kley naman ay nakatayo pa rin hanggang ngayon sa kinatatayuan niya kanina nang iwanan ko siya.
"Hindi ka man lang nangangalay?"
"Where have you been?"
Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at diretso lang ang kaniyang mata sa puting pader. I sighed, hindi ko nga pala inintindi ang pag tawag niya sa pangalan ko kanina.
I immediately wrapped my arms around him; feeling his scent, "Sorry na, nag-alala lamang ako kay Crius."
"What about me?"
Kumunot ang aking noo, "May sakit ka ba?"
Sumimangot lang siya roon. Totoo naman ah, wala namang masakit sa kaniya. Hindi katulad ni Crius na may pasa sa kaniyang mukha kanina kaya ako nag-alala.
Hindi ko naman alam na wala naman palang epekto sa kanila ang mga ganoong bagay.
Lumabas si Kley ng pintuan kaya nabaling ang tingin ko kay Tita Cynthia na ngayon ay natutulog sa tabi ni Areal. I sighed, hindi pa niya siguro ako napapatawad sa nagawa ko sa kaniya.
Hindi ko kase mapigilan ang puso kong magmahal, kung kaya ko ay mabilis kong pipigilan ang pagmamahal ko sa kaniya, pero gaya nga ng sabi ko kanina, hindi ko kayang iwan si Kley.
I slightly bowed my head at sinundan si Kley. Hindi ko siya nakita sa hallway kaya lumabas ako nang hospital. Nakita ko siyang may kausap sa cellphone habang nakatalikod sa akin. Akmang lalapit na ako sa kaniya nang marinig ko ang pangalan ko.
"Stop this shit now, Kuya. I love Amber at hindi mapipigilan ni Ama ang nararamdaman ko para sa kaniya. I'll fight for her no matter what happen," Napahawak ako sa aking puso.
Malakas ang pintig ng puso ko. Natutuwa ako sa mga sinasabi niya pero hindi ko mapigilang hindi mag-alala. Ano bang mangyayari kay Kley pag sinuway niya ang utos ng kaniyang Ama? I really wanted to meet his Father, pero kung iisipin ko palang na makakausap ko na ang tatay niya ay natatakot ako.
"I can't lose her, Kuya. Please, help me..."
Ibinaba niya na ang cellphone niya at nanlaki ang kaniyang mata nang makita akong nasa likuran niya, "Kanina ka pa riyan?" Iniling ko ang ulo ko at naglakad palapit sa kaniya. His scent is driving me crazy, nakakabaliw.
"Kley?"
"Hmm?"
"'Wag mo akong iiwan, ha?"
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Hinaplos niya ang aking buhok kaya napapikit ako habang dinadama ito. Napaka-init ng kaniyang katawan, ang sarap magpayakap magdamag.
"I would never leave you, boo. I'll promise you that, I'll protect you at all cost."
Inilayo ko ang mukha ko sa kaniya at nakita ko siyang nakangiti sa akin. I smiled back at niyapos siya ulit.
"Protect our baby too, okay?"
Tumango lamang ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko hahayaang mawala ang baby namin ni Kley. Bunga ito ng pagmamahalan namin kaya mamahalin ko ang anak namin gaya ng pagmamahal na ibibigay ko kay Kley.
"Ride on my back, boo. We'll go home."
Agad akong sumampa sa kaniyang likuran. Ang akala ko ay mag-iibang anyo siya pero nagtaka ako dahil naglalakad lamang siya habang pasan-pasan ako. Gusto ko pa namang damahin ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa braso ko.
"I can read your mind, I don't want to go home yet that's why I'm taking you home slowly."
"Kahit saan naman tayo pumunta Kley basta kasama ka, I'll be happy."
"The feeling is mutual, Amber."
Ang sarap sa pakiramdam nang tinatawag niya ako sa mismong pangalan ko. Lagi kaseng boo ang tinatawag niya sa akin pero kahit na ganoon ay kinikilig pa rin ako.
Walang bago ang epekto sa akin ni Kley. He never failed to amuse me. Kinikilig pa rin ako sa kaniya.
"I love you, Amber."
"I love--"
Natigil ako sa pagsasalita nang may mahagip ang aking mata. May pulang mata akong nakikita sa likuran ng punong nadaanan namin. Sinundan ko iyon ng tingin at hindi pa rin nawawala ang matang iyon.
"Amber, you okay?"
"Uhh, yes."
Ibinalik ko ang paningin ko roon at nakita kong nakatingin pa rin iyon sa aming dalawa habang naglalakad si Kley palayo.
BINABASA MO ANG
GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVEL
Ficción GeneralIsang babae pero dalawa ang katangian. Anghel sa umaga, demonyo sa gabi. Anong mga misteryoso ang ginagawa niya kapag sasapit ang alas-diyes ng gabi? Paano kung ang nakasanayan niyang gawin ay magpabago ng buhay niya? Paano kung ang lalaking iniido...