IDTBP25- Hinanap niya ba ako?

71 3 0
                                    

Chapter 25

Mika's POV

Halos nagbabad ako sa laptop ko kakanood at kakabasa ng Fairy tale. Wala eh...addict na. nang...

"Mika, bumili ka nga muna sa grocery." inutusan ako ni mama na mamili ng grocery niya. Hays! Nasa Interesting part panaman na ako.

kaya naman nagbihis na ako at bumaba na ng kwarto.

*At the grocery*

"Ano ba 'to. Di ko naman maintindihan sulat ni mama." sabi ko habang finifigure out kung ano yung sinulat ni mama sa mala-Doktor niyang sulat.

nang...

May nakasalubong akong kaBatchmate namin....

"Kilala mo ba si Arian Gonzales?" tanong nung isa

"Yung Transferee na Maganda?"

"Ahh, Sabi daw nila Fiancee siya ni C.A." HUH?! PAANO NILA NALAMAN YUN?!

"Talaga? Sa wakas, mawawala na din sa picture yung annoying Mika na yun." Annoying.....?

"Sino ba yun? Siya ba yung Girlfriend ni Ciann?"

"Yah! siya yung babaeng pinost ni Ciann sa Fb." isa siguro sila sa mga nagBad comment dun.

"Ano kaya nagustuhan ni C.A. dun?"

"baka ginayuma nung Mika na yun." GANUN BA TALAGA TINGIN SAAKIN SA SCHOOL?! GINAYUMA KO SI CIANN?!

dinalian ko nalang ang paglalagay ng grocery sa basket at pumunta na ng counter. Baka bumuhos pa luha ko pag pinakinggan ko pa sila.

Nang makalabas na ako ng Grocery Store, Halos mapaiyak na ako nun dahil sa mga babaeng yun nang may nakabangga ako kaya nagsilaglagan ang mga pinamili ko.

"Ay Sorry po...." sabi ko sabay dinampot ang mga pinamili ko. Tanga ko naman. Di mo kasi tinitignan daanan mo mika eh.

"Mika...?" boses yun ni....

onti-onti akong lumingon sa nakabangga ko...Si Ciann pala...OMYGHAD. with Arian nga lang...

"Bakit ka umiiyak, Mika?" kasama niya parin si Arian. Ano ba Ciann, napakabad timing naman oh.

"Mika?" tanong ni Arian saakin.

nang narinig kong lumabas na yung mga babaeng pinaguusapan ako kanina kaya tumakbo nalang ako at iniwan sila dun.

"Mikaa!" sigaw ni Ciann. hahabulin niya sana ako pero pinaikutan na sila ni Arian ng mga babaeng yun.

Ang sakit sobra. Alam ko wala akong karapatan na magselos. Dahil hindi naman talaga kami ni Ciann eh. Pero sa tuwing nakikita ko sila ni Arian, laging kumikirot itong puso ko lagi.

kaya naman di ko muna inisipan na umuwi at magdetour muna. Daming lugar ang dinaanan ko....Mcdo, 7-11, Barbecue stand, and last na dito sa Playground. Nagswiswing ako ngayon sa Swing set.

Ayoko makita ako ni Mama na umiiyak. Kaya ilalabas ko na ito lahat. halos 8:00 na. 6:30 ako inutusan ni mama. Malamang nagaalala na yun si Mama. Kaya naisipan ko naring umuwi nang biglang may tumakbo sa harap ko. Hingal na Hingal at pawis na pawis.

"Ciann?" nagulat ako dahil nasa harap ko ngayon si Ciann ba pawis na pawis at hingal na hingal. Hinanap niya ba ako?

Di ko alam pero ang saya ko.

I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon