KABANATA 4

1 0 0
                                    

Nanatili akong nakatitig sa kanya at hindi makahuma sa kanyang sinabi. Parang gustong sumabog ng puso ko sa narinig mula sa kanya pero kinailangan kong hamigin ang sarili.

"Paano si Eica? Akala ko ba si Eica ang gusto mo?" I said while taking in everything he said.

"What about Eica? Saan mo naman narinig yan?" Kunot noo nyang tanong.

"Kay Ethon, sabi nya noon halos lahat kayo may crush sa akin maliban syo kasi may iba kang gusto." Paliwanag ko habang nakataas ang kilay.

"Psh. I told him that i like somebody else but i never told him that i like Eica." Balewala nyang sagot.

"But you always look at her adoringly." I spat at him.

"So napapansin mo lahat ng tinitignan ko? Baka gusto mong tantyahin kung sino ba tlga ang tintignan ko everytime, usually kasi magkatabi kyo ni Eica, so you feel like i am looking at her when in fact i am looking at you. Pinapaniwala mo lang ang sarili mo na sya ang tinitignan ko kahit ikaw naman talaga." I was speechless habang iniisip yung mga panahon na ganun nga and i feel so ashamed. "Back to my question, bakit mo ako iniiwasan? May nagawa ba akong hindi mo gusto?"

"You said mahal mo ako the first time you laid your eyes on me? Kailan yon?" I asked habang nag iisip kung paano ko sasagutin yung tanong nya.

"Nung unang araw ng pasukan sa first year natin. You caught my eyes pagpasok ko pa lang ng classroom. You have the air of confidence na kinainisan ng ibang babaeng classmate natin. I don't know why maybe because they are threatened." Tumigil na ako sa ginagawa ko dahil tapos ko na at hinarap na nga sya ng tuluyan. Nakita ko ang kaba sa mata nyang harapin ko na sya gayong hindi naman sya kinakabahan kaninang umamin sya ng nararamdaman nya.

"Ang gwapo mo pala talaga lalo na pag kinakabahan." Sabi ko na ikinapula ng mukha nya na nagpangiti sa akin. Tama, binabaliw ako ng isang Light Gunther Peñaflor dahil kanina lang, frustated ako sa kanya, naiiyak at ngayon ay napapangiti naman. "Paano kung lalo na kitang iwasan at layuan dahil sa sinabi mo?" Tanong ko and i saw how he lick his lips bago ako tinitigan ng mariin.

"Then i won't stop pestering you hanggat magsawa ka na lang kakaiwas sa akin at hanggat sagutin mo na rin ang tanong ko kung bakit gusto mo akong iwasan." He answered firmly that is why i got the courage to confess.

"Ayoko ng malapit pa syo ng sobra kaya ako lumalayo at umiiwas sayo. Dahil magmula ng magkaroon tyo ng pagkakataong mapalapit sa isa't-isa yung damdamin na pilit kong hindi pinapansin noong hindi pa kita nakakausap ay unti-unting umuusbong ng hindi ko namamalayan. Natatakot akong malaman mong mahal na kita dahil bata pa tyo at hindi ako mayaman kagaya mo. Natatakot din akong pag nalaman mo, ikaw na mismo ang lumayo kaya ako na gumawa dahil natatakot akong masaktan, Light. Wala akong maipagmamayabang syo kung sakaling nalaman mo agad na Mahal kita at hindi tyo pareho ng nararamdaman kaya inunahan ko na ng pag iwas sayo." Sabi ko ng dirediretso dahil baka mabahag nanaman ang buntot kot layuan nanaman sya.

"M-m-mahal mo din ako?" He asked na parang hindi makapaniwala. Parang ang mga katagang yun lamang ang nagsink in sa utak nya sa haba ng sinabi ko.

"Oo. Gusto mo bang bawiin ko na lang? Sa haba ng sinabi ko, yan lang talaga ang sasabihin mo?" Tanong ko habang nakatingin sya ng diretso sa akin.

"No. Hindi mo na pwedeng bawiin yon. Mahal mo din ako. You made me the happiest. Hindi nasayang yung pagbabantay at pagtanaw ko syo gabi-gabi." Sabi nya na parang lumilipad pa sa ulap at niyakap ako ng mahigpit. "I love you, Mira!" Madamdamin nyang pahayag habang nakasubsob ang ulo nya sa gilid ng leeg ko. Sa tangkad nyang to, yukong-yuko syang nakayakap sa akin na sinagot ko din naman ng yakap.

"Mahal din kita, Gunther!" Sagot ko naman at hindi na inalintana ang kalalabasan ng pag-amin namin sa isat-isa. Naramdaman ko ang marahan nyang paghalik sa buhok ko bago ako pinakawalan sa yakap nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon