【Rafael's】
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmula sa bintana. Bumangon sa pagkahiga at tumingin sa orasan. Ang clingy talaga.
8:42 AM
It's late. Dapat bumangon ako ng mas maaga para maihatid ko si Agnes sa kanila. Napakamot nalang ako ng ulo.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto.
Si Clair pala.
"Handa na ang breakfast. Kumain na kayo sa baba." She said coldly at umalis na.
Napansin ko lately ang mga awkward na mga nangyayari samin ni Clair. Una, nung nahalikan ko siya kina Tita Clarisa. At pangalawa, yung kagabi. We almost made out for Pete's sake!
Tumungo ako sa kusina at nakita ko si Anika na nakaupo na sa kanyang upuan sa dining table.
"Daddy!" Tumakbo siya papunta sakin at niyakap ang mga paa ko.
"Maayos ba yung naging tulog mo baby?" Sabi ko sa kanyang habang binubuhat ko siya.
"Yes po." Hinalikan niya ako sa pisngi at yumakap sakin. Tawa siya ng tawa.
Biglang bumukas ang pinto ng cr at nakita ko si Clair na nakatapis lang ng tuwalya.
"Oh san ang lakad mo?"
"Mamamasyal lang kami kasama ni Xander at ni Mico." Sagot niya.
"Mommy, gusto ko kasama si Daddy. Pleaaaaase?" Pagmamakaawa ni Anika kay Clair. Nag puppy eyes pa ito tsaka idinikit ang kanyang mga kamay para ipahiwatig ang pagmamakaawa.
"Don't you want to play with Mico?" Tanong ni Clair kay Anika.
"No, not today Mommy. Gusto ko kasama kayong dalawa ni Daddy. Para happy family po tayo."
Narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa hallway ng second floor.
Nagising na pala si Agnes.
Nakasuot ito ng longsleeve kong polo na isinuot ko kahapon. Bumaba siya sa hagdan at pumunta sa direksyon namin.
"Parang one big happy family kayo ah?" Sabi niya habang naka crossed arms.
"Mommy, who is she po?" Tanong naman ni Anika kay Clair .
"Kumain ka na baby." Kinarga ni Clair si Anika at pinaupo sa upuan.
Umakyat ako sa kwarto at kinuha ang mga naiwang gamit ni Agnes at bumaba rin.
"I'll take you home Agnes." Sabi ko naman sa kanya at hinila ang kanyang kamay.
Hinila ko siya papunta sa labas ng bahay.
"Ayaw mo ba akong sumama sa inyong magbreakfast?" Hinaplos niya ang kanang pisngi ko.
Hinawi ko yung kamay niya at nagsalita.
"Agnes please, umalis ka na. Wag mo na kaming guluhin."
"Akala ko ba tutulungan niyo ako? Hindi mo ba nakikitang iniwan na ako ni Kaden? Alam mo namang I'm in a situation na kailangan ko ng tulong diba?"
"Please, may anak na kami ni Cla-"
"Baka ibig mong sabihin may anak ka. Alam kong hindi siya anak ni Clair."
"Ayoko lang maguluhan ang anak ko."
"Inaamin mo na bang mahal mo na siya? Mahal mo na si Clair? Oh please, baka nga ni two-time mo ako nung ta-"
BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
RomanceMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...