2

210 1 0
                                    

[at the cemetery ]
"hi La, hi Lo matagal na nung huli kong *snip* bisita dito *snip*. Hehehe di naman ako naiyak. Tanga ko po talaga eh noh. Di ko manlang napansin na yung asawa ko halos di na umuwi dahil sa business trip nya. BUSINESS TRIP NYA SA KABIT NYA *snip* hahaha ganto nalang ba lagi. Sorry Lo, La kung napadalaw ako dito para lang magdrama" Agad kong pinunasan ang luha ko at umupo sa damuhan.

" Lo kamusta na kayo ni Lola dyan sa heaven? Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng love story gaya nyo ni Lola *snip*"
[30 minutes later ]

"bye na po Lo, La uuwi na ako" paalam ko at agad nagtungo sa sasakyan ng makauwi na.
Mga ilang minuto lang nakarating ako sa bahay namin ng asawa ko. Nakatingin lang ako sa bahay naming maliwanag. Wala kaming katulong kaya nakapagtataka.

Agad akong nagayos ng mukha dahil baka parents namin ang narito.
Dahan dahan akong bumaba at naglakad papasok ng bahay.
"Bakit ngayon kalang? " halos mapaluha na ako ng makita ko sya.

"kumain kana ba? Ipagluluto kita" Agad akong nagtungo sa kusina. Sisimulan ko na sanang magluto ng magsalita ito sa likod ko.

"sign this" napatitig ako sa brown envelope na nilapag nito sa mesa.
Naglakad ako palapit at binuksan ito.
Para akong binuhusan ng yelo ng makita ko ang malaking sulat na "Annulment Paper".

"hahaha wag ka nga ganyan Mahal. Di nakakatuwang biro 'to" naiiyak kong sabi
" hindi ako nagbibiro"
"Bakit? " tulong luha kong tanong. Naglakad ito papuntang pintuan pero bago ito makalabas rinig ko ang huling binanggit nito.

"cause i don't love you anymore" Tuluyan akong napaiyak at napaupo nalang sa sahig.

"Bakit parang biglaan naman? Dati sabi mo mahal mo ako? Sabi mo di mo ko iiwan. Sabi mo sasamahan mo ako sa hirap at ginhawa. Sabi mo di mo ako ipapagpalit. *snip* napakasinungaling mo. Ang tanga ko at naniwala ako. Bakit ba nakalimutan ko na lahat ng pangako napapako *snip*"

Alejandro Reyes

(Matagal tagal narin ng huli kaming nagkita. Kamusta na kaya sya, siguro masaya na sya. Syempre masaya na sya sa asawa nya.

Kaarawan nya ngayon at balak kong pumunta sa bahay nila ng asawa nya. Ano na kayang itsura nya. )

Agad akong bumaba sa sasakyan hawak ang bulaklak at cake. Para akong manliligaw nito.

Nagdoor bell ako pero walang lumalabas sa bahay. Ilang beses ko pa itong inulit pero wala parin. (Baka naman lumabas sila ng asawa nya. )

Babalik na sana ako sa sasakyan ng mapansin kong nakaawang ang gate kaya naman tuluyan ko na itong binukasan at nagtungo sa pintuan.

Pinihit ko ito at di ito naka loack kaya pumasok nalang ako. Pagpasok ko makalat na bahay ang nadatnan ko may mga basak na salamin at vase.

Napansin ko ang babaeng nakahiga sa sofa kaya nagtungo ako roon. At nadatnan ko si Leslie na tulog. Napansin ko rin ang basa nitong pisngi halatang umiyak.

(Ano kayang nangyari? Nagaway kaya sila ng asawa nya?)

Nagtungo ako ng kusina para dun iwan ang dala kong bulaklak at cake bago ko sinimulang linisin ang kalat.

Makalipas ang ilang minuto tapos narin ang paglilinis ko wala naring kalat. Tulog parin si Leslie.

(Ang init naman dito)agad kong kinuha ang fan nila at ni on ito. Tinanggal ko narin ang T-shirt ko dhil basa narin ito.

Nakapagluto na ako ng kanin at sinigang baka kase magutom si Leslie.
(Ano kayang nangyari sa kanila ng asawa nya? Wala ang asawa nya dito)

"Ashton" napatingin ako sa natutulog na Leslie. Binabanggit nito ang pangalan ng asawa nya habang umiiyak.

"Ashton please wag" (ano bang nangyari at umiiyak habang nagmamakaawa si Leslie? Sinasaktan nya kaya ito?)
"Ashton"
" Leslie wake up" paggising ko dito sabay alog. Nagising ito at bigla nalang akong niyakap habang umiiyak.

Ramdam ko ang luha nya sa dibdib ko.
"Tahan na. May ginawa ba sayo si Ashton? " tanong ko pero hindi ito umimik at nanatiling humihikbi sa dibdib ko.

*bbbbzzzzzzttttt*{LESLIE'S PHONE}

Agad kong dinampot ang nag vivibrate na phone ni Leslie sa mesa.

From: Amarlyn Gonzalez

Hindi ka maniniwala sa nakita ko pinsan si Ashton may kasamang babae. Eto yung picture.

*picture of Ashton
while kissing
a girl*

The Hopeless WifeWhere stories live. Discover now