---
'WELCOME BACK TO SCHOOL!'
Hahayst, ang bilis naman ng oras. Parang kahapon 2nd year palang ako. Ngayon 3rd year na. Parang ayoko na pumasok pa huhuhu.
Pero dapat akong pumasok, pumasok na rin si crush ehh YIIEHSHEU.
Dahan-dahan akong umakyat sa itaas ng paaralan namin, nasa itaas kasi yung building namin.
'3RD YEAR DEPARTMENT'
Pumasok na agad ako sa loob ng room namin, wala pa namang tao kaya't napag-isipan kong umikot muna.
Namiss ko tong paaralan to. Kahit tamad ako sa studies ko.
Umabot ako hanggang sa 1st year, ang aga ko kasi. Ayan tuloy wala kang kausap! Excited lang talaga makita si crush?!
Umupo muna ako sa bench ng park ng school, medyo napagod na rin ako sa kaka-ikot. =>=
Yung park namin ay medyo malapit lang sa entrance ng school (nasa taas lang) kaya nakikita ko yung mga pumapasok na mga estudyante.
Pero sa halip ng nakikita kong pumapasok, isa lang yung nakakuha ng atensyon ko.
Isang lalakeng naka blue yung bag, mahaba yung buhok na hindi masyadong makita yung mga mata niya.
His eyes were dull, as if he's ready to kill someone.
How scary.
But, is it weird that i find it attractive?
---
"Himala! Yung dakilang Ayana Mendozang madaldal, tahimik ngayon!" Panunukso ni Maxine. Tsk, tsk, ehh na cu-curious kasi ako sa misteryosong lalaking yun!
"Tumigil ka nga MaxiPel! Baka ina-antok na naman si Ayana!" Pag dedepensa ni Allaine sa akin. Ewanko pero wala na akong naintindihan sa sinasabi nila.
Sino kaya yun?
"Wag mo akong tawaging MaxiPeel!! Kasalan ko bang Pelin yung apelyido ko?"
Ano kayang year siya? Mukhang 4th year naman,
"Manahimik MaxiPel! Ang daldal mooo! Sumasakit na tenga ko!"
Parang wirdo para sakin. Para sakin lang naman.
"Huy!" Bahagyang nagulat ako sa lakas ng boses ni Max.
"Oh?"
"Gegu ka! Kanina pa kami tawag ng tawag sa'yo di ka namamansin!"
Kanina pa sila tumatawag sa akin? Hindi ko naman narinig ah?? Nag peace sign lang ako sa kanila.
"Inaantok ako eh" of course it was a lie. Mukha namang naniwala sila kaya hindi na sila nangulit.
Halos 5 minutos na ang nakalipas at wala pa ring prof na dumating sa amin.
"WAG MO KASI AKONG TAWAGING MAXIPEEL!! Naiirita na ako Allaine!!"
"Eh ano ba naman MaxiPel? MAXIne PELine, shortcut lang yun! Tsaka ayaw mo bang maging endorser ng Maxipeel?" Nagtawanan naman sila ni Allaine at Dayana.
Hahayst, totoo nga pala yung sinabi nilang 'Curiousity kills the cat'
Makikita ko pa kaya siya? Mas lalong na cu-curious na ako eh.
Matulog na nga lang muna ako..