"HI SERR!"
Tumuwad, dumapa, umupo, kahit ano ginawa ko na.
"Pisting ballpen 'yon! Kamag-anak ata si Dora The Explorer grrr!"
Nadumihan, nahirapan nako't lahat-lahat di ko parin nahahanap si Bullet, Ang punyetang ballpen ko na nahulog at gumulong kani-kanilang.
"Nakuuu Bullet ko! Magpakita ka na, di na galit si mommy!"
Paulit-ulit kong sambit, ng biglang...pagtingala ko ay nasilayan ko ang mapang-akit na mukha si Adonis, oo Adonis kasi sobrang gwapo niya! May hawig rin siya ng konti ni Leonardo Di Caprio mahlabs. Bigla kong narinig 'yong kanyang 'Heaven By Your Side'.
"Oh Lish anong ginagawa mo diyan sa ilalim ng armchair mo?"
Tanong ni Serr Amador, ang teacher namin sa Araling Lipunan. Napatingin ako sa aking sarili. Nakaupo sa sahig, gusot-gusot ang palda dahil sa mga stunts na ginawa ko kani-kanina lang. May mga alikabok rin ang kamay ko. Nang napagtanto ko ang sitwasyon ay napatayo na lamang ako dala-dala ang hiya sa nangyari sa'kin. Pinamulahan ako ng pisngi kaya't yumuko na lamang ako.
"Ahh wala po Serr."
Tumango na lamang si Serr Amador at ibinaling ang tingin at atensyon niya galing sa akin tungo sa aking mga kaklase. Napakamot nalang ako sa ulo sa nangyaring kahihiyan.
"Ok class, this is Sir Jake Gastro"
Tumingin Ang lahat sa lalaking tinutukoy ni Serr Amador.
"He is your temporary teacher in A.P, he is my substitute for the meantime. He is a practice teacher from Alinawan College of the Philippines."
Pagpapakilala ni Serr Amador sa lalaking katabi niya na siyang tinutukoy ko kaninang mala-Leonardo Di Caprio ang itsura at datingan. Jusko makalaglag dyoga este panga ang kagwapohan ni Serr Gastro.
"Hi Everyone!" Baritonong tinig ni Serr Jake.
"Good morning Serr Gastro!" Bati ng aking mga kaklase.
"Hi Serr!"
Malakas kong sigaw na pagbati. Napalakas pala ang pagbati ko kaya't naagaw ko talaga ang pansin ni Serr at ng mga kaklase ko. Ngumiti na lamang ako ng may alangan.
'Ano ba kasing nasabi kong mali?'
Napailing na lamang ako at napakamot sa ulo.
"Okay class you may sit down. I will leave Sir Gastro to you. Please take care of each other." Pagpapaalam ni Serr Amador.
"Yes Sir! Goodbye Sir!" Turan naming lahat ng mga kaklase ko.
"Is this what your looking for?"
Nagulat ako pagkarinig ko sa baritonong tinig na galing sa aming practice teacher. 'Yong ballpen ko 'Yong tinutukoy niya. Tinitigan ko siya ng walang kurap-kurap kaya't iwinagayway niya 'yong palad niya sa harap ng mukha ko.
"Ahh yes Serr! T-thank y-you Serr." Pautal-utal kong tugon.
"Your Welcome." Nakangiti niyang sambit. Maya-maya lamang ay nagtanong siya sa Amin kung pwede na ba siyang magsimulang magturo.
"Of course Sir!" Malalambing a sambit ng bida-bida kong kaklase na animo'y nang-aakit. Inirapan ko ito at pinagtaasan ng kilay.
'kala mo naman maganda, mukha namang palaka'
"All right then. Let's start our discussion"
Ang lamig at ang ganda ng boses, nakakabali... Habang nagtuturo si Serr ay panay cellphone lang ang mga kaklase ko na halatang kinukunan ng litrato si Serr. Hinayaan ko nalang sila, syempre, magpapasend ako mamaya eh...yiehhhh! Nakaupo ako ng matuwid at nakatagilid ang ulong pinagmamasdan si Leonardo Di Caprio sa katauhan ng aming guro na nasa harapan namin ngayon.