Elijah
Tahimik naming dinadako ang daan papunta sa pinakamalapit na Jollibee rito sa Airport dahil sabi ni Adi ay kumain daw muna kami bago niya ako ihatid sa bahay.
Napansin kong paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa'kin. Siguro dahil na a-awkwardan. Kanina pa kasi kami hindi nag-uusap.
Maya-maya ay nagulat ako ng bigla siyang magtanong "Kararating mo lang kanina, 'no?"
"Hm..."
Tumahimik ulit kaming dalawa at hindi nagkibuan.
"Kumusta, Eli?" Biglang tanong niya.
Napalingon ako sa kaniya at bahagya siyang tinitigan bago tuluyang sumagot "Doing good, how about you Adrian?"
Ngumiti siya "Oo naman, okay na okay ako."
"Good to know."
Narinig kong may mahina siyang sinabi kaya nanatili akong nakatitig sa kanya habang nagtataka kung bakit siya bumubulong-bulong. Tumingin lang siya ng mabilis sa'kin at nagsalitang muli, "Ako pala inutusan nila Tita na sumundo sa'yo. Busy daw sila eh, hindi daw kaya ng schedule nila kaya nakiusap sa'kin."
"Ah, thank you." Maikling sagot ko.
"Kain muna tayo bago kita ihatid sa bahay niyo. Baka na miss mo na kasi yung lasa ng pagkain sa Jollibee." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa daan.
Tumango ako. Oo nga ang tagal ko ng 'di nakakain doon. Madalas kasi ay puro sa fine dining restaurant kami kumakain sa US kaya sobrang nakakamiss. "Okay, Adrian." tugon ko.
"Parang 'di mo 'ko kaibigan, ah, Adi na lang ulit itawag mo sa'kin." Natatawang reklamo niya sa'kin.
Ngumiti ako, "Okay, Adi."
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano ko siya kakausapin. Matagal na simula noong huli kaming nagkita, bago pa ako lumipad papuntang US. Bata pa kami n'on eh. Marami na ring nagbago sa'min kaya nag-iingat ako sa pakikisama sa kaniya. Tumahimik na kami ulit at hindi na muling nagtanong sa isa't isa.
Pagkarating namin sa Jollibee ay agad kaming naghanap ng bakanteng 'mesa at luckily nakahanap kami agad. Medyo na e-excite ako dahil ang tagal ko na ngang 'di nakakain dito. Paborito ko yung burger steak and spaghetti nila, panalo kasi yung lasa at sobrang sarap.
"Ako na o-order." Sabi niya sa'kin at akmang maglalakad na papunta sa counter pero hinawakan ko siya sa likod para pigilan dahilan para tumingin siya sa'kin at tumaas ang dalawang kilay.
"Hindi mo pa alam kung ano o-orderin ko."
Ngumiti siya "Makakalimutan ko bang paborito mo ang burger steak at spaghetti nila dito?"
Nanlaki ang mata ko ng sabihin niya 'yon. Sa tagal na hindi kami nagkasama, naaalala niya pa pala kung ano yung mga gusto at paborito ko. Binitawan ko siya kaya nagpaalam siya't pumunta sa counter.
Nilabas ko ang cellphone ko at kumuha ng mga pictures habang hinihintay na makabalik si Adrian. Hindi nagtagal ay nakabalik na siya. Umupo siya sa harapan ko't tinitigan ako. Medyo nahiya ako dahil parang tinitingnan niya ng maigi kung ano ang mga pagbabago sa'kin.
BINABASA MO ANG
Our Last Summer
RomantikElijah's family forced him to study medicine abroad. After he had finished his studies, he returned during the summer thinking about how to live out his dreams. But best friends who didn't see each other in a while will be reunited this summer. Is t...