Agwat

47 3 0
                                    

Naglalaro na parang kulisap sa ilalim ng bituka
Nangangatog ang mga tuhod nanghihina,
Tila mga ilaw na pumapatay sindi sa gilid ng kalsada,
Sagot na di ko makita.

Paano, sa t'wing nasisilayan, kaba, tila naghuhukay na sa lupa
Ngunit kung hindi matanaw tinding nangungulila.

Paano sa iyong tinig na bumabatingaw wari'y sinisilaban,
Ngunit bawat salita'y nais kong ibote at di pakawalan.

Nakakalinlang pagkat kwento'y di maaring mabuo,
Parang punyal na nakatarak sa kaluluwa't mariing nagdurugo,
Sa katotohanang ika'y buwan at ako ang mundo.
Totoo, ganito tayo kalayo.

PAPEL, TINTA AT TALINGHAGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon