up to this story muna.. hehe sana magustuhan nyo.. light lang yung story. hehe :)
QUIETLY LOVING HER
“SINO hinahanap mo?” tanong ni Trace sa lalaking kanina pa masid ng masid sa room nila. Napaaga si Trace ng pasok kaya mag isa lang siya sa class room habang katext ang matagal na nitong boyfriend na si Gerald. “Ah, ikaw lang ba ang andito?” kapag kuwan ay tanong ni Eugene. Kilala na nila ang isa’t isa dahil sa nobyo ni Fhei na si Raven. Luminga linga si Trace at muling tumingin sa lalaki. “oo, may nakikita ka pa bang iba?” pagtataka nito. Biglang umiling si Eugene bilang sagot at nakahinga ng maluwag si Trace. Akala nito ay nakakakita ang lalaki ng multo. Muling ibinaling ni Trace ang atensyon sa kakareply lang na si Gerald. Bahagya itong napangiti sa mensahe ng nobyo. “Ihahatid sana kita pero nakalimutan kong bawal ka nga pala ilabas sa kulungan ng puso ko.” “Boyfriend mo?” agad na napalingon si Trace sa nagsalita. Katabi na nito si Eugene. Tumango lang ito at saka inilayo ang cellphone. Huminga lang ng malalim si Eugene at saka sumandal sa upuan. Ilang minuto ay wala paring dumadating na mga estudyante. “Ikaw na nga lang, san ba pwedeng magdrop at magpalit ng subject dito?” tanong ni Eugene sa kanya. “Yun lang ba ang hinihintay mo pa kanina? Sa registrar office jan lang sa baba” sagot nito. Tumango tango lang ang lalaki.
“Sige thank you’ at saka tumayo at lumabas na. “Ang weird, naghantay ng kaytagal tapos yun lang, weird” wika ni Trace sa sarili habang nakatingin sa papaalis na lalaki. Nagulat si Trace ng biglang lumingon ang lalaki at muling lumapit sa kanya. “Ano nga ba pangalan mo?” tanong nito. “Bakit mo tinatanong?”pagtataka ni Trace. “Siyempre para alam ko kung sino sisisihin pag mali yung pinuntahan ko” sagot nito. Hindi makapaniwala si Trace sa narinig. Sisihin? Bakit akala ba nito na inililigaw siya ng dalaga? “Tama yung sinasabi ko sayo, third year na ako kaya alam ko! Kaya hindi mo na kailangang malaman ang pangalan ko” sagot niya dito. Ngunit hindi parin umaalis ang lalaki at nakatingin lang sa kanya. “Ba-bakit?” kinakabahang tanong niya dito. Nagulat nalang siya ng biglang umanga ang strap ng ID niya. “Trace Razel Manabat, okay” at saka binitawan ang ID at saka umalis. Hindi makapaniwala si Trace sa nasaksihan niyang nangyari. “Ang weird talaga” wika nalang niya sa sarili. Ilang minuto pa ang nakalipas at dumadating na ang mga kaklase nito pati narin ang mga kaibigan niya. “Aga mo ah?” pagtataka ni Janelle.
“Naman, bagong buhay” naka ngiting sagot ni Trace.
“Bakit break na kayo?” wika naman ni Joy sabay baba ng bag.
“Hindi ah, ito naman”
“Woah~ mag be-break din kayo no” pang iinis ni Anie.
“Hoy adik maghanap ka nalang ng boylet”
“Over my dead body” pandidiri ni Anie sa sinabi ni Trace.
“Woju, baka nga may jowa ka na may kabit pa, ayieeh” pang iinis pa lalo ni Rhanne
“Ano yun, no other man?” at natawang wika ni Khay.
“Tigilan ninyo ako, kadiri kayo” halata parin sa itsura ni Anie ang pandidiri sa sinasabi ng mga kaibigan. Maya maya ay dumadating na si Fhei kasama si Raven. Bigla tuloy naalala ni Trace ang kaibigan nitong weirdo. “Hi guys” pagbati ni Raven sa mga ito. Tumugon naman ang ilan ng ngiti at kumaway naman ang iba. “Mamaya na lang” sabay bigay ni Raven ng bag kay Fhei. Bago pa umalis si Raven ay tinawag ito ni Trace. “Yung kaibigan mo kanina ka pa hinahanap” wika niya. Ngumiti lang si Raven at tumango. “Message copy” yun lang at saka umalis na ito dahil alte na ito sa klase. Magkaibigan nga sila parehong weird anito. Magtatapos na ang klase ngunit tila wala parin sa sarili si Trace ang nasa isip nito ay ang eksena nila ni Eugene kaninang umaga. Kung paano tingnan ni Eugene ang pangalan nito sa id niya. Dahil sa malapit lang ito ay natanawan niya ang saktong tangos ng ilong niya, ang dark brown nitong mata ang mapupulang labi na kaysarap halikan. Agad na ipinilig ni Trace ang ulo nito. Hindi dapat niya iniisip ang mga ganoong bagay dahil may nobyo na ito at mahal niya ang nobyo niyang si Gerald. “Hoy! Okay ka lang?” pagtataka ni Khay na katabi lang nito. Bahagyang tumango siya bilang sagot at bumalik sa pakikinig sa prof nila. Ngunit kahit anong gawin nila ay hindi nito maiwasan na isipin paulit ulit ang eksenang iyon. Trace kumalma ka may boyfriend ka na! galit na wika sa isip.