Kataga

7 0 0
                                    


-AVIEL HERREZO-

"Nagmamahal, A." ngiting basa ko sa huling kataga ng ginawa kong sulat.

"Hoy, ano yan?"

"Ay put--!"

Agad agad kong niligpit ang gamit ko at pilit tinago ito sa kabigan ko. Saglit lamang siyang tumingin sa'kin nang nakukunot ang noo at ibinaling ang tingin sa kamay kong nasa likod ko. Napansin niya sigurong wala akong balak ipakita ang kung ano mang nasa likod ko kaya naman pumesto na lang siya sa harapan kong upuan at doon umupo.

"Tss. Bakla ka talaga, magugulatin masyado."

Agad na umusok ang ilong ko at konti na lang ay malapit ko ng hambalusin to.

Hambalusin ng pagmamahal. Haist.

"Jeahn Rei De Guzman! B-bakit ba naman k-kasi biglang sumusulpot ha?! Lagi ka na lang nanggugulat eh! Alam mo bang muntik na kong atakihin dahil bigla bigla ka na lang bumubulong at nanghahampas dyan?! Mamatay na ata ako dahil sa pinaggagawa mo--!"

"Ang ingay mo. Nakatingin na sa'yo si Ma'am." Ngising saad niya sa'kin ni Jeahn kaya naman agad nabaling ang aking tingin kay Ma'am na ngayon ay nakakunot na ang noo at itinuturo na sa'kin ang daan papuntang langit.

Este, daan palabas ng room.

"Go get out, Mr. Aviel Herrezo," madiin nitong sabi sa'kin.

Kaya naman bago pa may lumipad na sapatos sa ulo ko, nahihiyang yumuko ako at lumabas pero bago iyon ay pasimple kong sinulyapan ang peste kong kaibigan na ngayon ay nakalollipop na at nakangisi sa'kin ngayon. Dinuro ko siya bago lumabas ng room pero ibinalik lang nito ang tingin sa harapan na labis kong ikinainis.

Haist! Kung hindi lang kita mahal, Jeahn manhid. Tch.

Bagsak ang balikat kong nagpunta na lamang sa locker namin at wala sa sariling isiniksik doon ang ginawa kong sulat para sa kanya.

Tama. Para sa kaibigan kong manhid, si Jeahn Rei De Guzman.

Saglit akong natigilan at napatitig sa kanyang locker. Halos araw araw ay ginagawa ko ang bagay na ito. Ang pagpunta sa locker niya at palihim kong inilalagay doon ang ginawa kong sulat para sa kanya. Sa tagal ko ng ginagawa 'to at sa tagal na naming magkaibigan, ni minsan ay hindi ko narinig sa kanya ang tungkol sa kung ano mang sulat na gawa ko.

Nung minsang tinanong ko siya kung may napapansin ba siyang sulat sa locker niya, sabi niya oo. Pero tinanong ko siya kung bakit hindi niya iyon binabasa, pero walang kwenta ang sinagot sa'kin ng babaeng manhid na 'yon.

"Mamamatay ba 'ko kung hindi ko babasahin 'yon?"

Pero kahit ganon, hindi ako nawalan ng pag-asa. Ito lang kasi ang kaya kong gawin. Baka hindi ko na siya makausap kung sakali mang sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Kapag umamin ako, aasarin ako ng babaeng 'yun. Mahangin masyado. Tch.

Ewan pero, sa pagiging manhid mo, dun ako mas lalong nahuhulog sayo.

--

"Oh, pre. Bakit kayo lumabas?" Takang tanong ko kay Jasper na isa sa mga kaklase ko. Nandito kami ngayon sa period namin bago mag vacant. Medyo nalate nga ako dahil sa hindi ko namalayan ang oras. Nagsilabasan na rin ang iba ko pang mga kaklase hanggang sa wala ng natira sa loob ng room.

"May emergency si Sir. Kaaalis lang daw pero hindi na nagpaalam sa mga studyante niya eh."

"Ah ganon ba. Sige pre, salamat." Tumango ito sa'kin at agad ng humakbang paalis. Sumilip ako sa room pero wala akong nakita na kung sino.

KATAGA (One-Shot)Where stories live. Discover now