Epilogue

124 0 0
                                    

~7 months Later

Sa isang pamilyar na lugar ay nakatayo ang isang pamilyar na babae. Naglakad lakad sya at biglang umupo sa isang pamilyar na puno. Pumikit sya at tumingala.

“Nostalgic.” She murmured.

“So you’re finally back?” Napatingin ang babae sa nagsalita at ngumiti ito ng bahagya.

“No. I’m just here for a couple of weeks then aalis na ko.” Tumayo ang dalaga at tinignan ang lalaki. “Hindi ka na nagbago.” Sabi nya.

“Yeah. But you’ve change, Riley.” Malungkot na tinignan ng lalaki ang babae. Nakita nya na nangayayat na ito. May benda sa ulo at ang putla putla.

“Really? Doesn’t feel like it.” Tumawa ng mahina ang babae.

“Riley…I—I gave your number to Audrey, Via and Nate. They are worried sick about you.” Tumango lang ang babae.

“Yeah. I missed them too.” Napangiti sya ng maalala nya ang mga kaibigan na iniwan nya dito basta basta ng walang paalam.

“And…may sasabihin sila sayong importante. I think you should listen to them with an open mind. Marami na ang nangyari simula nung umalis ka. T-Things changed, p-permanently.”

“I know. But I have to let them hear my side too. Especially him. I have to explain everything to him.” Napabuntong hininga ang babae at napahawak sa kanyang buhok na ngayon ay maiksi na.

“Uhm…about him Riley…” Kunot noong tumingin sa kanya si Riley.

“What about him, Chase?” Napalunok si Chase at lumihis ng tingin.

“Ma’am Alice. Sir Spade is looking for you. Its time for us to go.” Tumango lang ang babae at maglalakad na sana paalis ng tumunog ang telepono nya.

Nagkatinginan sila ni Chase at sinagot nya ito.

“Hello?”

[R..Riley? I-Ikaw ba yan?? RILEY!]

“Via. Hi.” Ngumiti ang dalaga. Isang ngiti na matagal na nyang hindi nagagawa dahil sa sakit na mga napagdaanan.

[Riley…huhuhu…I miss you bff! Asan ka? Bakit ang tagal mong nawala? Huhu] Napailing ang dalaga habang natatawa.

“Namiss din kita Via. Wag ka na umiyak nafefeel ko ang pangit mo now. Pfft.”

[SHUT UP! Di ka na nagbago. Huhuhu “Akin na nga.” “No me first! I’m the cousin ah! And its my phone.” “Audskii, ako muna. Bestfriend eh.” “WHAT?” “Sorry MANAHIMIK NGA KAYONG MAGSYOTA AKO KAUSAP EH!]

The Heart Breaker's Bucket List [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon