"O ang bilis naman natapos?"
"Di pa nga tapos,kasi'y kinapos ako ng budget."
Sagot ni Amora sa kaibigan."O ang akala ko ba'y???"
"Anu bang malay ko na bulok narin pala ang kisame,pabagsak narin pala eh."
"Nakuuuu yan na nga ba sinasabi ko.Nanganak na ang gastos."
"Bakit ba hindi ko naisip.Kapag nabulok ang yero'y bulok din siyempre ang kisame at mga trases."
Nawalan ng lakas na sabi ni Amora sa sarili."M-May alam kabang ibang raket?"
Tanong niya bigla sa kaibigan."Nako!Ako pang inasahan mo diyan?E alam mo namang mahiyain ako.Sa iyo nga lang ako umaasa!"
"Ano bayan!"
"E alam mo naman."
"Ganitong kailangang kailangan ko talaga kahit ano papasukin ko na."
"Oh?Kahit iyong ano?!"
"Anong iyon?"
"Yunnnnggg!"
"Ano ngang iyon?"
"Yung alam mo na!Ano bayan!Mamatay nalang tayong dalawa na tatanga tanga.Ano di pa rin magets?"
"Iyonnnn???Grabe hindi ko naman kaya iyon."
"Sabi ko nga!E kasi'y ang sabi mo kahit ano eh."
"Hindi nakatulong."
Nag aaalalang sabi niya.Nakaalis na ang kaibigan ngunit tuliro parin si Amora.
"Ano ang mabuti niyang gawin?"Ang kanyang paglilimi-limi'y naantala ng pagtunog ng kanyang cellphone.
Sinagot niya ang tawag.
"Hi."
Napakunot siya sa may ari ng boses.Pamilyar.Dati na niya narinig."Sino po ito?"
"Graham.Who else.Hindi mo paba naisave ang number ko?"
"Bakit ho?"
Hindi niya sinagot ang tanong nito."Gusto sana kitang anyayahang lumabas."
Napasimangot siya sa narinig.
"Sorry po wala po akong time lumabas kung hindi ho pagkakakitaan."
Matapat at deretso niyang sabi rito."Exactly! Kaya nga kita inaaya.Baka ako ang sagot sa problema mo"
Medyo napahiya man sa maling akala niya'y wala naman siyang balak na mapahiya.
"S-Sige po.Saan po tayo magkikita at anong oras?"
"No.Susunduin nalang kita sa inyo para wala kang hassle,tutal ako naman ang may kailangan."
Kanina pa niya naibaba ang tawag ngunit nag iisip parin siya.
Ito na ba ang sagot sa kanyang problema?Mabuti nalang at hindi niya nasungitan ang lalaki kanina.Siya kasi.Hindi kaya napasobra naman ang kumpiyansa niya sa sarili?Feeling niya yata'y lahat ng lalaki'y maaring magkagusto sa kanya?! Maige sana kung mayaman siya?Wakatoots naman siya!
Bawasan nga ang sobrang kumpiyansa sa sarili,hindi niya iyon ikayayaman.Ilang minuto lang ay may nagbusina na sa labas at tapat ng kanyang bahay.
Nagmamadali siyang lumabas upang hindi naman nakakahiya sa lalaki upang sa paglabas niya'y madismaya dahil sa nakita.Malaki at itim na itim na motor ang nasa harapan niya.Bagaman alam niyang mahal ang motor ay mukha naman itong nakakatakot sakyan gaya ng lalaking nakasakay rito.Parang color coordinated yata ito at ang kanyang motor.Mula kasi sa jacket na itim ay itim din ang jagger na suot nito at itim din ang sapatos.Nagbaba ito ng tingin sa suot naman niya kasabay ng pagalis ng sunglass nitong itim.
"Hindi ko yata nasabi sayong jet ang dala ko."
Kahit hindi niya gusto ang paghagod ng tingin nito sa kanya ay napatingin din siya sa paldang suot.Mukha talagang mahihirapan siya dahil sa napasulyap siya sa makitid at maliit na upuan nito sa hulihan.Gustuhin man niyang tumagilid ay mahihirapan siya dahil sa haba ng makitid niyang palda.
"H-Hindi bale.Maari ka ng mauna nalang at ako nama'y magpapalit ng damit."
Sabi niyang alanganin rito."No hindi na.Narito na ako'y iiwan paba kita?Pwede mo naman akong patuluyin hindi ba?"
Gaya ng mga sagot niya rito'y alanganing tango naman ang ginamit niya rito.
Nakita niyang bumaba agad ang lalaki.Dali dali naman niyang binuksan ang maliit na gate ng may pagmamadali.
Sa pagbukas naman ng main door ay kandarapa siya.
Ewan ba niya at bakit ilang na ilang siya sa lalaki.Isip niya'y baka hawakan siya nito at iyon ang ayaw na ayaw niyang mangyari."Ooppps careful"
Sabi nito ng matapilok siya.
Para namang tangang lumayo siya agad dito.Ewan lang kung napansin nito ang ikinilos niya.
"Maupo ka muna."
Sa pag lubay niya ng tingin rito'y nasulyapan niya pang lumibot agad ang mga mata nito sa bahay.
"Can you offer me anything?A coffee perhaps?"
Iyon ang nagpahinto sa tangka niyang paghakbang at tumango lang siya sa sinabi nito.
Ayaw sana niya dahil kape iyon!Mainam sana kung softdrinks o juice nalang ang hiningi nito.Bakit?Dahil matagal iyon bago maubos.
Pagkatapos niyang ilapag ang kape sa harap nito'y...
"Ikaw lang dito?"
Nakakunot ito habang gumagala at tila naghahanap ang mga mata nito."H-Hindi,umalis lang sandali ang kaibigan ko.Dalawa kami rito."
Napakunot noo naman ito sa sinabi niya at tumango narin.
"Sige maiwan muna kita."
Sabi ni Amora rito.Habang iiling iling ay hinubad niya ang paldang suot at pinalitan iyon ng nakitang leggings.
Na agad niyang hinubad dahil kitang kita ang hugis ng katawan niya roon.Ayaw niyang magbigay ng motibo.Baka pagkamalan pa siya nito at iyon ang ayaw niyang mangyari.Sa halip ay pinalitan niya iyon ng square pants.Iniwan niya narin ang sandals sa kanyang paa at hindi na pinalitan.Mas mukhang walang effort mas maganda.
Hindi rin siya nagtagal sa pagpapalit at nagmamadali siyang bumaba.Upang mailang lalo dahil sinalubong siya ng tingin nito at ng makitang balak pa nitong ubusin ang kape ay napilitan siyang umupo nalang kung saan malayo rito.
"Alam mo bang ang ilap ilap mo?"
Bigla napatuwid ng upo si Amora ng sabihin iyon sa kanya ng lalaki.
"P-Pasensiya napo kayo,ganito lang talaga ako.I-Isa pa ho'y hindi ko pa kayo ganoon kakilala,sana po'y maintindihan ninyo."
Pagpapaliwanag ni Amora.Nakita ni Amorang tatango tango lang ang lalaki sa sinabi niya.
"Tara na?!"
Pagkatapos na inilapag ng lalaki ang pinagkapehan sa lamesa ay sinabi nito.Siya naman ang tumango.
Nang nasa harapan na sila ng motor nito ay nauna na itong umupo at tinapik naman nito ang likurang upuan na tila sadya yatang pang isahan lang.
Diyos ko po! May space paba?"
Hindi tuloy malaman ni Amora kung paano siya uupo ng hindi kumakapit rito.
Para tuloy siyang tangang nag akyat panaog ngunit hindi makapanhik panhik dahil nakayupyop siya sa motor nito sa pwetan.Nagmukha lang tuloy siyang tuko.''Tsk!tsk!tsk!"
Narinig ni Amorang palatak ng lalaki dahil kanina pa pala siya pinanunuod nito sa pinag gagagawa niya.
Hinila nito ang kanyang braso at hinawakan siya sa kanyang pigi na ikinatili niya,mabuti nalang at walang mga tao sa labas ng mga sandaling iyon.
Pulang pula si Amora lalo na ng malamang nakasubsob siya sa likod ng lalaki.
Paano niya ngayon ilalayo ang kanyang dibdib dito e paturok ang upuan ng lalaki na halos pahiga na yata masyado?Para siyang nakayakap ngayon rito.
Ang isa pang ginawa nito na hindi niya nagustuhan ay ang iniyakap din nito ang kanyang mga kamay sa baywang nito."Hold on tight!Lilipad na tayo."
Iyon ang narinig niyang sinabi ng lalaki bago nito paharurutin ang maingay at malaking motor.
BINABASA MO ANG
Tres Bastardos
RomanceThe three prodigal sons: This Story is about the Cordova Brother's,Graham,Drako and Zebh.The three Eligitimate Child of Cordova's.Came from the same seed but not in the same womb.Different personalities but they have one thing in common.A hit and...