***Chapter Five (Part Two): His Secret Place

194 8 1
                                    

Part Two na :D

Dedic sa kanya kasi kaluritan ko sya habang tinatype ko to.

Hahahaha.

MABUHAY ANG MGA PG!! \(^o^)/

***Chapter Five (Part Two): His Secret Place

"Hoy! Bingi ka ba?! Hindi mo ba naririnig yung bell?! Tapos malelate ka, tatakbo at makakadisgrasya nanaman!!"

Bumalik sya.

Mabilis pa sa alas kwatrong binitawan nila ako at sinimulan ko ng tumakbo papunta sa palayong si Toma.

Nilingon ko sina Darcy at inis na inis naman ito.

Nauunang maglakad si Toma. Sobrang bilis nyang maglakad. Ang hahaba naman kasi ng legs nya. Ang dalawang hakbang ko isa lang ata sa kanya. Kaya lakad takbo ang gawa ko.

"S-salamat." sabi ko.

Bigla naman itong huminto sa paglalakad.

Kaya tumama naman ang mukha ko sa likuran nya.

"Para san? Ah. Dun ba sa kanina? Don't be delusional. Hindi kita tinawag don just to play a f#cking hero. So stop saying nonesense." bakit ba asar na asar sya? May nasabi ba akong masama??

"S-sorry."

"Tss." at naglakad na sya ulet.

Kasabay ng pagpasok namin ng room ay ang bulungan ng mga kaklase namin.

Anong meron?

Tinignan lang sila ni Toma tumahimik na sila. Nakakatakot naman kasi ang tingin nya, parang papatay ng tao.

Hindi ata matatahimik ang buhay ko sa school na ito.

Pagdating sa pwesto namin, nadatnan ko ang nakangiting si Marcus. May pinag uusapan sila.

"Ano ulet yung sabi mo??" tanong ni Rusty.

Anong meron?

Marcus: "Masarap yung chocolate cake na kinain ko kanina!" \(^O^)/

Rusty: "Hindi yun!"

Conrad: "Puro ka naman pagkain." =_____=

Marcus: "Yung alin ba?!" nakakunot na ang noo nito.

Ryuuji: "Yung sinabi mo tungkol sa CAT." pagliliwanag nito.

Nagliwanag naman bigla ang mukha ni Marcus.

"Ah! Oo! Sasali ako!"

"ANO?!" magkapanabay na tanong nina Rusty, Yvan at Conrad.

"Bakit?"

Conrad: "Para na ding sinabi mong sasali si Spiderman, Captain America at Hulk sa Justice League."

Rusty: "Para na ding sinabi mong nanakawan ka, sinaksak ng sampung beses, nasagasaan ng truck, at nahulog mula sa 100th floor tapos BUHAY KA PA!"

Yvan: "At para mo na ding sinabing nagsusuot ka ng panloob ng babae."

Nagulat ako sa narinig ko. Ramdam ko din na nag init ang magkabilang pisngi ko.

Naimagine ko kasi na .. na ..

Ah basta !! \(>_____<!!!)/

Tumayo naman bigla si Marcus, namumula.

KISSING THE BULLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon