FOUR years later...
Epilogue
"EXCITED for tomorrow?"
Nakangiting nilingon ni Sachi ang asawa. Katatapos lang ng pag-uusap nila ni Walter nang yumakap ito mula sa likuran niya. Ang ganda-ganda nito sa suot na summer dress. At kahit dalawa na ang anak nila ay mapagkakamalan pa rin itong dalaga. Ang bunso nila na si Julian ay mag-aapat na taong gulang na. Makulit na rin, mas makulit pa at pilyo kaysa sa panganay nilang si Saschia.
Sina Walter at Annika ay isa pa lang ang anak. Nakita na niyang minsan iyon nang mag-video call silang magkaibigan. Mas matanda pa rito ang bunso nila ni Julianna. Pero kung sa likot ay walang makakatalo rito.
"Oo, siyempre. Ang tagal din naming hindi nagkita."
"You missed him," wika pa ng kanyang asawa.
"It sounds gay, but yes. I missed him. Bago kami nagkakilala ni Kuya Aki ay siya na ang itinuring kong parang kapatid."
Nang magdaan ang guilt sa mukha ng asawa ay mabilis itong kinawit ni Sachi patungo sa harapan niya at hinagkan sa noo.
"Napatawad na nila tayo. Sabi nga ni Annika, let bygones be bygones."
Sa sinabi niya ay napangiti na rin ang kanyang asawa.
"Mooom, Daaad...!"
"Uh-oh," sabay na reaksyon nilang mag-asawa nang marinig ang matinis na pagtili ng kanilang panganay.
Saglit pa at nakita nilang tumatakbo palapit sa kanila ang bunsong si Julian. Sa likuran nito ay ang namumula sa inis na si Saschia.
"I didn't do it, t'wasn't me, Mommy," mabilis na paliwanag ni Julian.
"Liar!"
"I am not lying."
"Did, too. Liar, liar pants on fire," pang-aasar ni Saschia.
"Mommy!" papaiyak ng palahaw ni Julian.
"Ano ba kasi ang nangyari?" Napapakamot sa ulong tanong ni Sachi at ipinasyang mamagitan na.
Si Julianna ay niyuko ang kanilang bunso na mahigpit na yumapos sa ina.
"Look, Daddy," lukot ang mukhang itinuro ni Saschia ang buhok sa harapan.
Saglit na pinagmasdang mabuti ni Sachi ang itinuturo ni Saschia. Nang mapagmasdan niyang mabuti iyon ay saka lamang niya na-realized kung ano na namang kapilyuhan ang ginawa ng bunso nilang makulit.
"He cut your hair?" maang na reaksyon niya, gustong matawa ngunit inawat ang sarili.
"Yes, Daddy. I look so ugly na. Peter will surely make fun of me when he sees this," mangiyak-ngiyak na wika ni Saschia.
"But he's your friend. Friends don't make fun of each other." Sa pagdaan ng ilang taon ay naging matalik na kaibigan ng anak niya ang batang madalas nitong makaaway noon.
"The more reason he will laugh at me because we're friends," napapadyak ang isang paa ni Saschia sa inis.
Sinuklay ni Sachi ng mga daliri ang buhok ng anak.
"Don't worry, madali lang ang solusyon dito."
"Really, Daddy? I won't look ugly, right?"
"You won't. Wala naman akong anak na pangit, di ba, Mommy?" nilingon ni Sachi ang asawa.
"Of course. You both came from our genes kaya hindi kayo lalabas na pangit."
"Where do babies come from, Mommy?" di-kawasa'y usisa ni Julian.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...