CHAPTER ONE

32.8K 577 47
                                    

PAUNAWA: Ang kwentong ito ay tumatalakay sa kwento ng lalaki sa kapwa nito lalaki. Salamat!

CHAPTER ONE

"BAGSAK ka na naman sa halos lahat ng subjects mo, Andru?!"

Nakadapa si Andru dela Vega sa kanyang kama nang pumasok ang kanyang mommy. Hawak niya ang kanyang cellphone at kasalukuyang nagla-like ng sari-saring posts na nakikita niya sa Facebook. Galing ang kanyang ina na si Aida dela Vega sa school niya at sa pagkakaalam niya ay ibibigay sa mga magulang nila ang kanilang mga report card.

"Mommy, nasa inyo na ang report card ko, 'di ba? Hindi mo na dapat sa akin tinatanong kung bagsak ako o ano dahil nandoon na ang sagot," balewala niyang sagot. Hindi man lang siyang nag-abalang tapunan ng tingin ang ina.

"Aba't namimilosopo ka pa!" Lumapit ito sa kanya. Mabilis niyang kinuha ang earphone at isinaksak iyon sa kanyang tenga. Ngunit agad din iyong tinanggal ng Mommy Aida niya. "Makinig ka nga sa akin, Andru! Kahit ngayon lang!"

Kita niya ang galit sa magandang mukha nito. Marami na nagsasabi na siya ang kamukha ng ina niya. Male version, kumbaga. Kuhang-kuha niya kasi ang bilugan nitong mukha, ang matangos nitong ilong, singkit na mga mata at manipis na labi. Kahit ang tatlong nunal nito sa kaliwang pisngi ay nakuha din niya.

"Okey, makikinig na ako," aniya. Bumangon siya at umayos ng upo sa kama paharap dito.

"Andru, pwede ba, ayusin mo na ang pag-aaral mo? Eighteen years old ka na pero nasa third year high school ka pa lang. Hindi ka ba nahihiya? Ilang beses kang bumalik ng second year dahil sa mga bagsak mo? Hindi ko na alam! Mabuti na lamang at hindi ka inabot ng K-12 dahil baka patay na lang ako katulad ng daddy mo pero hindi ka pa tapos ng high school-"

"Mommy-"

"Huwag ka munang magsalita! Hindi pa ako tapos!"

"Okey. Ituloy niyo na..."

Huminga muna ito nang malalim bago nagpatuloy sa panenermon sa kanya. "Alam mo naman na hindi na tayo mayaman, Andru, kaya sana pagbutihin mo ang pag-aaral mo! Hindi na tayo katulad noong buhay pa ang daddy mo."

Napansin niya na medyo naluluha na ang Mommy Aida niya. Naaalala na naman nito ang daddy niya na namatay five years ago dahil sa isang car accident. Noong nabubuhay ang daddy niya ay ito lang ang nagtatrabaho sa kanila. Maginhawa ang buhay nila lalo na at nag-iisa siyang anak. Car dealer ang daddy niya sa isang kilalang car company. Pero ang lahat ay nagbago simula nang sumakabilang-buhay na ito. Napilitan na magtrabaho sa isang manpower agency ang kanyang ina bilang HR. Pero kahit na hindi na ganoon kalaki ang pumapasok na pera sa kanila ay sinusunod pa rin ng kanyang mommy ang gusto niya. Wala naman kasi itong paglalaanan ng pera nito kundi siya lang. At sa isang private school pa rin siya nag-aaral kahit na dati, ang akala niya ay ililipat siya sa public school nito.

Bumaba si Andru sa kama at niyakap ang mommy niya. "Okey, mommy... Mag-aaral na akong mabuti. Babawi ako ngayong final quarter." Hinmas-himas pa niya ang likod nito.

"Ilang beses ka na bang nangako sa'kin ng gan'yan, Andru? Ayoko! Hindi na pwede sa akin ang mga promise mo na iyan na hindi mo naman tinutupad!"

Kumalas siya sa pagkakayakap. "What?! A-anong ibig niyong sabihin?"

"Next school year, doon ka na mag-aaral sa Quezon Province sa Lola Fe mo!"

"Seryoso?!" Nanlalaki ang mga mata na tanong niya.

Si Lola Fe ay ang nanay ng mommy niya. Seventy years old na ito at mag-isang naninirahan sa tabing-dagat. Ang gusto nga ng mommy niya ay dito na lang sa siyudad manirahan si Lola Fe ngunit ang matanda na mismo ang umaayaw. Anito, baka mamatay agad ito dahil sa polusyon sa siyudad. Mabuti pa daw sa probinsiya at sariwa ang hangin. Madalas silang magbakasyon doon lalo na kapag summer. Sa katunayan ay kakagaling lamang niya doon ng nakaraang sembreak.

Ang Asul Na Buntot ni AquanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon