Sa kabila ng aking mga ngiti.

8 0 0
                                    

Sa kabila ng aking pag ngiti at pag tawa,
Laging merong ikaw na nakikita sa aking mga mata
Ikaw na nag bibigay ng saya
at ikaw na nagbibigay ng halaga.

Ngunit bakit sa isang banda,
Unti - unti kong nakikitang nagbabago ka.

Mahal, nakalimutan mo na ba?
Ako yung taong kasama mo sa tuwing malungkot ka
Ako yung taong naging karamay mo sa mga bagay na walang-wala kapa
Sa madaling salita, ako yung taong nagmamahal sayo at wala ng iba.

Kung nakalimutan mo man,
Hayaan mong ipaalala ko sayo kung sino ka at ako
Dahil gusto kong maalala mo,
Na meron paring ikaw at ako na ang katumbas ay tayo.

Mahal, naaalala mo pa ba?
Yung mga oras na wala tayong nakikitang iba
Yung mga oras na kapag nakikita mo ako ay lagi kang masaya?
Yan yung mga bagay na bumuo sating dalawa.
Yung tipong tawa dito, tawa doon
Hindi ba ganyan tayo kasaya noon?

Sabay pa tayong bumuo ng pangarap nating dalawa tapos sabay tayo nag darasal
Dahil sa mga bagay na yon doon ko naramdaman ang salitang mahal

Mahal, bakit ka biglang nag iba?
Meron kana bang nakitang iba?
Dahil kahit yun ang sabi-sabi ng iba,
Ayokong maniwala sa kanila.

Hindi ko alam kung bakit,
Pero lagi kong nararamdaman yung sakit
Dahil kitang-kita ko naman talaga,
Pero itinatanggi ko lang dahil mahal pa kita

Oo masakit, pero hindi ko alam kung paano ko matatalo
Paano matatalo ang isang bagay na alam kong gustong-gusto ko?
Paano matatalo ang isang taong alam kong mahal na mahal ko?
Dahil hanggang ngayon, kumakapit parin ako
Nagbabaka sakaling isang araw, meron nang pagbabago
Isang araw na sasabihin mo ulit sakin na mahal mo ako.

Kung hindi na mangyari ang mga bagay na gusto ko
Pipilitin ko nalang nasabihin sa sarili ko
Na tama na, masakit na, at kailangan ko ng mag bago
Ngunit kailan? kailan ko makikita ang salitang pag suko
Kailan ko makikita ang salitang pag tanggap sa aking puso?

Hindi ko man alam kung kailan
Pero sa ngayon, handa parin akong masaktan

Mahal...... mahal na mahal parin kita hanggang sa mga oras na ito
Kung babalik ka man at maguluhan ako,
Palagi mo parin tandaan na merong isang ako na nag mamahal sayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa kabila ng aking mga ngitiWhere stories live. Discover now