Oo na

3.6K 131 23
                                    

Unang una thank you guys for kahit papaano reading this story. Let me share something about this story.

Experiment lang po ang story na ito. Naisip ko yung concept habang nasa UV ako at traffic sa kalsada. So yun tinary ko. Well the genre is really not for me haha katulad ng description ko sa profile more on light , romcom and feel good talaga ang trip kong isulat dahil doon lumalabas ang kulit ko. I really feel na lahat tayo may Ken sa pagkatao natin, part na hindi makalimot and part na hindi makapagpatawad. This story is really about forgiveness at hanggang saan ang kayang mong gawin for love.




Hanggang dito na lang po ang OO NA. Yes ang ikli niya and ayoko na pong dagdagan ang story nila dahil for sure mas maiirita pa kayo sa character ni Ken. Well trust me I tried hahaha pero doon ako bumabagsak sa katangahan at kaartehan ni Ken so sabi ko wag na. Enough na mga pinagdaanan nila.


======================

"Wag mo nga ihagis-hagis yang bata baka mahulog yan eh" saway ko sa kasama ko habang ito naman ay tumatawa lang na parang walang naririnig. Lakas mang-trip eh.



"Ito naman ang sungit sungit. Naglalaro lang kami ni baby e. Di ba baby? Enjoy di ba?" Ani ni Clifford dahilan para kuritin ko lang ang tagiliran niya.


"Aray ko. Mapanakit ka naman masyado hon" reklamo nito



"For sure sa isip ng bata kanina ka pa niya binabatukan. Kulit mo talaga Clifford" dugtong ko pa na mas ikinatawa lang nito habang ako naman ay napailing na lang. Trip na trip talaga pag nababadtrip ako eh.


Dalawang taon. Oo na! Oo ang bilis. Pero ganun talaga eh, ganun talaga kapag masaya. Biruin mo yun sa daming ka-emohan na pinagdaanan namin especially ako ay hindi ko inisip na magiging ganito pa ako kasaya. Hindi sa pago-OA ha pero yung kaligayahan na gigising ka kada umaga na walang bigat sa puso? Right now sobrang contented at satisfied lang talaga ng puso ko.



Sa dalawang taong yun ay hindi ko ipagkakaila na kahit papaano ay nagaaway at nakakatampuhan pa rin kami ni Clifford pero this time hindi na namin hinahayaan na maapektuhan ng mga ito ang relasyon namin. Actually yung mga problemang yun ang mas nagpatatag at nagpamature sa relationship namin. Narealize ko na hindi naman pala talaga perfect ang love, it has its imperfections at nasa tao na yun kung paano mapupunuan at iintindihin yung mga imperfections na yun.




Katulad namin ni Clifford hindi kami perpekto maraming pagkakataon na magkakamali kami pero it wont mean na nabawasan ang pagmamahal namin sa isat-isa. Siguro kailangan din talaga na bigyan namin ng allowance for mistake ang isat-isa, kasabay ng understanding at pagtitiwala.



"Punyeta ka Clifford! Anong tingin mo sa anak ko boomerang? Akin na nga yan! Matatampal kita eh. Hagis hagis ka pa" eksaheradang reaction ni Janice nang makita niya si Clifford na nilalaro ang pangalawa niyang anak.



Yes! Remember sa mga coffee shop scenes namin na sobra ang pagmamatakaw ni Janice? Yes tama ang hinala ko na buntis nga siya and right now nandito kami para icelebrate ang 1st birthday ng anak niya. Masaya din ako para kay Janice dahil atlast nakakita na din siya ng lalaking magmamahal sa kanya at tatanggap sa una niyang anak.



"Ito naman nilalaro ko lang eh" katwiran ni Clifford na inirapan ni Janice


"Ay teh hinahagis mo po. Jusko kawawa magiging anak niyo Ken" ani ni Janice sabay alis habang karga karga ang anak niya.


Natatawa na lang na pumunta sa kinatatayuan ko si Clifford sabay akbay sa akin.


"Sabi ko sayo wag mong pagtripan yung bata eh" asar ko dito


Oo naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon