Photo Credits to inspirock.com
-
"NORDES!" bigla akong nagising sa pagkakahimbing dahil sa sigaw ng konduktor. Napahaba yata ang tulog ko dahil kung hindi ako nagkakamali ay pagpasok na pagpasok pa lang namin sa NLEX ay nakatulog na 'ko.
"Kuya, para po!" sigaw ko habang inilalagay sa bag ang ginamit kong cellphone at earphones saka tumayo.
Mukhang may pagkabastos yata ang driver dahil pagdaka'y itinigil niyang bigla ang bus kaya napakapit ako sa balikat ng katabi kong lalaki, "Ay kuya, sorry po!" hinging patawad ko dito.
Hindi naman 'to sumagot bagkus bahagya lang ngumiti sakin at tumango.
Biglang uminit ang pisngi ko nang lumitaw ang dalawang dimples nito sa magkabila niyang pisngi. Nakaramdam din ako ng kaba nang makita ko ang pantay at maputi niyang ngipin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaganito pero---
"Hoy, Miss, bababa ka ba?" sigaw ng konduktor. Hindi ko namalayang pinagpapantasyahan ko na pala ang lalaki. Jusko, sana naman hindi niya nahalata. Nakakahiya!
"Ah, opo, s-sorry po." Sabi ko saka nagmamadaling bumaba.
Hindi pa agad nakaalis ang bus dahil may humabol na pamilyang sasakay. Nagkaroon pa tuloy ako ng oras para tumingin sa pwestong inupuan ko kanina.
Bahagya namang nanlaki ang mata ko nang makitang nakatingin ngayon sa may bintana ang lalaking nakatabi ko. Hindi sa pagmamayabang pero sigurado akong sakin siya nakatingin.
Muli itong ngumiti kaya nasilayan kong muli ang dalawa nitong dimples. Lord, eto na po ba yung sinasabi ni Alex na jowa?
Ilang saglit pa, nakita kong umandar na ulit ang bus, pero nagulat ko nang bahagyang tinaas ng lalaki ang kanang kamay niya para kumaway. Nagmistula naman akong puppet dahil kumaway din ako pabalik dito. Biglang bumalik ang kaba ko katulad nung pangiti niya kanina.
'Pag lampas ng bus sa akin ay kusa akong napahawak sa dibdib ko. Gosh, ito na 'yun sinasabi nilang "love at first sight?"
Pagdating ko sa tapat ng gate ay binasa ko ang mga salitang nakaukit dito, "Casa de Simeona." napangiti ako dahil after three months ay nakauwi na din ako.
Agad akong sinalubong ng aso kong beagle - si Patchi. Actually hindi ko pa nabubuksan ng buo ang gate ay nag-aabang na siya sa kabilang panig nito.
Madaming nagtataka kung bakit Patchi ang panglan nito kahit hindi naman batik-batik ang kulay niya. Kinuha kasi namin ang pangalan niya sa paborito naming chocolate ni Era.
"Pachito!" hiyaw ko sa aso. Agad naman itong tumayo at itinukod ang magkabilang paa sa bewang ko. Mukhang lalo siyang lumaki kesa nong huling uwi ko, "Naghahabulan size niyo ni Era, ah!"
Mukhang mali yatang sinabi ko 'yon kay Patchi dahil nakita kong nakasimangot na nag-aabang ang kapatid ko sa may pinto. Isiningkit pa nito ang mata dahilan para lalo akong matawa. Nagmumukha kasi siyang intsik na malaman kapag naiinis.Tumayo na ko saka tinawag si Patchi para pumasok. Hindi pa man ako lumalampas kay Era ay nagsalita na ito, "Kapag ako talaga pumayat, Ate, who you ka sakin." Sabi niya na nakapagpatawa sa akin.
Ilang beses niya na kasi akong pinagbantaan na who you daw ako sa kanya kapag pumayat siya, pero hanggang ngayon naman kilala niya pa din ako, in short hindi pa din siya payat.
"Kung papayat." Biro ko pa ulit dito na lalong nagpalukot sa mukha niya.
Nang tuluyan na kong makapasok sa loob ng bahay ay agad bumungad sakin ang makalumang kabuuan nito. Hanggang ngayon ay namamangha ako sa tuwing pinagmamasdan ko ang bahay namin kahit pa dito ako pinanganak at lumaki.
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Teen Fiction𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...