*Vin's POV*
Ako si Vinnyla, labimpito, Philippines! at nag-aaral sa CCENHS at naniniwala sa kasabihang 'walang taong pangit sa mata ng diyos, ngunit hindi ako diyos!' and I thank youuu-
"Hoy."
Pagtawag sakin ng sino man na siyang nagpabalik sakin sa reyalidad.
"Oh?" Pagalit kong sagot.
"Anong iningise-ngise mo jan? para kang asong na krazy" ani ni Ashian, kaibigan ko na seatmate ko tas classmate ko at schoolmate na din.
oh diba"May naiimagine lang."
"Haaaaa- panira ka talaga always, alam mo namang nag-uusap tayo, kong saan saan lumilipad iyang utak mo"
Napanguso ako
"Ano ba yang iniimagine mo at sabihin mo nga dahil para kang naulol sa pangiti-ngiti mo jan" singhal nito sa akin. Ewan ko ba't di matutong mag chill tong babaetang to puro singhal
"Wala yun, so asan na nga ulit tayo"
"Pasuntok nga." inis na aniya.
"Ito oh." sagot ko naman habang pinakita ang braso.
Masama lang ako nitong tinignan sabay ikot ng mata. Mahina, Hahaha.
Ganyan talaga yang kaibigan ko, she despise violence kaya di namimisikal yan pag mag-away kayo, pero ihanda mo yang tenga mo dahil pag na tsambahan ka niyan eh tinatawag lahat ng santo. Hate niya rin yang mala Cardong tao, mga gangster and sporties. She really don't like watching someone doing physical or self-abuse. Oo abuse sa kanya yun AHAHAHA- well wala tayong magagawa ganyan talaga tao.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa classroom habang hinihintay na mag aalas kwatro, yun kasi oras ng uwian sa school namin. Pareho kaming senior high school ni frenny at pareho ding Humss student at klasmeyt nga.
Bilib rin ako sa school na ito. Talagang hinihintay pa ang tamang oras saka bubuksan ang gate. Eh syempre, pag ganitong walang teacher sa last subject nakakaenganyong umuwi ng maaga. Kaso wala rin silbi kasi di kanaman makakalabas, kaya tambay nalang sa room.
"Uy! Alas kwatro na!" sigaw ng kaklase namin kaya agad kaming tumayo at sinukbit ang bag.
Habang papalabas sa room at naglalakad sa magulo at mataong hallway, biglang napatanong si Ashian.
"Saan ka pala pupunta ngayon Vin?"
"Pupuntahan ko si Nanay Sus, dadalawin ko lang yung baby na binabantayan niya, na miss ko kasi." sagot ko habang napangiti. Namiss ko si baby Nor. Excited nakong kargahin siya.
"Pwedeng sumama fren?"
"Wag na, baka mapagalitan kalang ng parents mo pag ginabi ka ng uwi, napaka protective pa naman nila pagdating sa mga princess nila." sabi ko na may diin sa princess na word. Puro lang kasi sila babaeng magkakapatid. And their parents equally love them.
"Gusto ko talagang sumama huhuhu, pero ikaw ha wag ka magpapagabi masyado sa daan lalo na't ikaw lang mag-isang maglalakad. Alam mo naman maraming mga basag-ulo jan sa kanto at madamay ka pa."
Parang nanay na habilin ni Ashian, sinimangutan ko ito at tumango.
"Ako pa, kita mo to." ani ko sabay flex ng arms.
"Oh? kita ko yung bones tapos?"
"Anong buto, masels yan."
Umasta naman itong naghanap kaya binawi ko nalang kamay ko. Kainis! Di nalang sinakyan..
"Ahh, invisible masels oh tapos? Maliligtas ka ba niyan sa kapahamakan ha?"
"Yun lang.." tanging sagot ko.
BINABASA MO ANG
Accidentally a Gangster
CasualeVin D. Nyla Isang hamak na studyante lamang sa isang pampublikong paaralan. Pangarap lang naman nito ang makapagtapos sa pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay. Isang araw, may nagpadala ng sulat sa kanyang munting tahanan at nabalitaang may maga...