Lutang..
Lutang ako sa klase..
Pangatlong araw ngayon mula nung nangyari ang aksidenteng iyun. At nakamove on nako.
Oo, nakatakas ako, naka survivee! ilang diyos ang masambit ko habang tumatakbo. Hinabol nila ako pero sadyang mabilis talaga akong tumakbo. Sa sobrang bilis, diko namalayanh nakaabot agad ako sa bahay.
Pilit kong kinalimutan ang aksidenteng iyon. Ang importante safe ako at hindi nila naabutan. Alam kong di na sila naka sunod sa'kin papuntang bahay dahil malayo ito. Oo kailangan mong magsakay ng jeep, pero due to my adrenaline rush, hindi ko namalayang walang hinto na pala ako sa pag takbo. Oh well moving on.
Magdamag lang ako sa classroom kahit break. Dahil ang totoo niyan, nagka muscle pain ako. T...T
Ikaw ba naman biglang tumakbo edi umungot mga binti ko. Pero medyo okay na, mas grabe kahapon pero okay na.
"Tara lunch." aya ni Ashian
"Bilhan mo nalang ako ng ulam fren."
"Aba! May mga paa ka, ikaw bumili, wag kang tamad jan at nakakamatay yan!" asik nito.
OA ! Ang sabihin mo ayaw mo lang na may mang-utos sayo tch.
"Ngayon lang naman e.. Sige na pleaseeee."
Bigla nalang itong sumeryoso at umupo sa harap ko. *Gulp* Sana pala di nalang ako nagreklamo. Mapapasubo tuloy ako ngayon..
"Mag usap nga tayo. Kahapon ko lang napapansin yang pagkabalisa mo ah." seryosong aniya. Nagsimula na din akong di mapakali dahil baka malaman niya ang nangyari sakin noong gabing iyon. Di pa niya alam at wala akong balaka ipaalam sa kanya.
"T-tara na fren, g-gutom na talaga ako." Pag iiba ko sa usapan at tumayo. Napangiwi pa ako dahil sa sakit ng mga masels ko sa binti .
"Bakit nauutal ka jan... May nangyari sayo no.."
O_O
Bakit ba ang dali makiramdam nito!
"H-ha? Wala naman, ano ba yang pinagsasabi mo? Tara na nga kako dahil bibili pa tayo ng ulam."
"Oh eh, ba't di ka makatingin sa'kin."
Agad akong napaharap sa kanya.
"Oh! kailangan talaga nakaharap ako parati sayo fren! Nakakaumay yang pangit mong mukha kaya! hahahaha--"
Di ito sumabay sa tawa ko, kaya masasabi kong seryoso talaga siya.
"Alam mo naman, sa mukha mo lang makikita kong nagsisinungaling ka diba."
"O-oo naman! Tsaka b-bakit naman ako magsisinungaling sa'yo aber?!" pagalit kong tanong dahil nanghihinala ito. Wala sa plano ko ang mabuko dahil mag-aalala lang siya sa akin.
Matalim ako nitong tinitigan, nanliit ang mata habang salubong ang kilay. Diko maiwasang mapalunok.
Bigla itong tumungo at--
TUMAYO SABAY ANGAT SA ULO WITH NAKA AWRA FACE!.
-,-
"Okay let's gooo, gutom nako." parang walang sabi niya.
Buti nalang talaga medyo abnormal tong frenny ko.
Pumasok kami sa canteen at agad bumili ng ulam. Matapos bumili, lumabas na kami upang bumalik sa room. Habang naglalakad, bigla nalang dumaan ang mga lalaking naka itim sa galid ko.
Nanlaki ang aking mga mata. Tila nanlamig ako bigla sa kinatatayuan ko. Agad bumalot ang kaba sa puso ko.
Kaagad akong tumakbo sa malapit na punong nakita ko at nagtago. Shit! Shit! Paano sila nakapunta ditooo? Masama too baka hinanap talaga nila akooo.
BINABASA MO ANG
Accidentally a Gangster
DiversosVin D. Nyla Isang hamak na studyante lamang sa isang pampublikong paaralan. Pangarap lang naman nito ang makapagtapos sa pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay. Isang araw, may nagpadala ng sulat sa kanyang munting tahanan at nabalitaang may maga...