Chapter 7 Sorpresa vs Halik

152 11 0
                                    

Chapter 7

Wala na nga si Travis. Umalis na ito  at nauna ng lumuwas pabalik ng Manila. Wala na ito ang sabi ng nasa Reception Desk. Nag check out na raw bago kumagat ang dilim. Maghapon kasing hindi napansin ito ni Yanny. Samantalang nanood naman ito sa activity ng mga team. Kasama itong nakiki chear sa games.

Napasandal si Yanny sa  headboard ng  kanyang  kamang hinihigan. Nakakaramdam siya ng guilt sa pag-alis ni Travis. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. Inaalala niya kung ito ba ay kanyang nasaktan o hindi sinadyang nabalewala . Inaamin niya sa sarili na si Chase lang ang kanyang naharap kausapin sa  maghapon. Sumama lang si Travis kahit hindi naman dapat na kasama. Natuwa siya na nagpumilit itong sumama para na rin may nakakausap siya.

"Alam niya na kaya ang tungkol sa amin ni Chase?" tanong ni Yanny sa sarili.

Bakit parang gusto niyang sisihin ang sarili. Hanggang kaibigan na lang talaga ang kaya niyang ibigay kay Travis. Pero si Travis yong kaibigan lang pero hinahanap hanap niya. Nandoon kasi ang pagkakaibigan nilang na hanggang sa kanyang mga malungkot na mga araw niya karamay niya Travis. Si Travis 'yong napipilitan siyang tumawa kahit naluluha na siya sa inis. Kailangan niyang tanggapin na lalayo na sa kanya ang kaibigan dahil may Chase na siya.  Sinubukan niyang tawagan ito pero nakadalawa na siya hindi pa ito sumagot. Pangatlong subok pagka hindi pa sumagot si Travis hindi na siya muling magtatangka tumawag pa  sa kaibigan. Nakakalungkot lang para sa kanya dahil bakit hindi pwedeng kasintahan niya si Chase at kaibigan naman si Travis.

"Hello!" boses ni Travis sa kabilang linya.

"Mabuti naman at sumagot ka pa. Wala ka na daw sabi ng nasa Reception?" May karugtong pang sasabihin si Yanny ngunit sinapawan na kaagad siya ni Travis.

"Ah, nakausap ko kasi si Raven? Umiiyak nagpapasundo sa bahay ko daw siya gusto niya sa akin muna." Maayos na paliwanag naman nito.

"Ganun ba," tanging nasabi ni Yanny.

"Ingat, ingat kayo hanggang sa pagluwas. Kita kita na lang pagluwas niyo," saad sa kanya ng binata.

Walang ibang bakas sa mga tono ni Travis mukhang ayos lang naman. Baka nga wala namang alam ito sa kanilang dalawa na ni Chase.

"Masyadong lang ba akong nag-alala?"   tanong uli niya sa isip.

Hindi niya na kailangan na tanungin pa si Travis. Iisang napaka mahalagang dahilan si Raven para sa binatang ama. Mahal na mahal niya ang anak na si Raven. Kaya iyon din ang  hinahangaan ni Yanny sa kanya. Dahil nakikita ni Yanny ang kanyang daddy Rigo kay Travis. Ang pagka maaalahanin nito sa anak.

Hindi na siya dinadalaw ng antok. Naunang pumasok sa kanyang  isip si Travis kaya malamang mailap na sa kanya ang antukin pa. Narinig niyang may kumatok sa pintok kaya mabilis niya itong pinagbuksan.

"Human size teddy bear, 2 dozen of roses and heart and a big size heart shape box of Ferrero Rocher chocolate for Miss Yanny, special delivery po," saad ng delivery crew na sinamahan pa ng room boy.

Yanny,

        Even though waiting isn't worth for but I still hold on to the little hope.
       
                                                        Travis

So dapat pala Travis ang pinangalan niya  sa unang teddy bear na kanyang natanggap. Katulad uli sa pinadeliver na kasalukuyang hawak niya. Gabi gabi niyang katabi yong naunang human size teddy bear hinahalik halikan at tawaging Chase.

Why she the guilt of hurting Travis? Para bang may nagawa siyang mali sa kaibigan. Baka hindi basta mahal na bilang kaibigan ito. O baka mas higit pa. Inabot na siya ng halos ng madaling araw ba na hindi nakatulog.

"Ay naku Yanny! Hindi pwede ang umibig sa dalawa. Mula sa sandaling ito sisikapin kong mapalayo ang loob ko sa iyo." Kinakausap at tinalikuran ang teddy bear na pinadala ni Travis na nasa tabi niyang higaan.

Tama naman ang kanyang pagpili yan ang pilit niyang ibinaon sa isip. Umagang umaga sa kanyang pagising si Travis ang  unang pumasok na naman sa kanyang isipan. Tinanghali na siya ng gising. Nag-umpisa na sa last day activity ang kanyang mga empleyado. Pagkatapos nila sa maghapon luluwas na ang lahat.

Masayang nanood sa game si Yanny. Sa obstacle course na pilit na nag-uunahan ang mga empleyadong kalahok.

"Manonood ka lang ba?" tanong ni Chase.

"Yeah dito lang ako," sagot ng dalaga sa nobyo.

"Kung gusto mo mag swimming na lang tayo," yayang sabi ng binata.

"Okay sige, but wait babalik na lang ako magpalit muna. Para naman bumagay sa tubig dagat ang suot ko."

Pumayag si Yanny sa yaya ng nobyo para makasama niya ito mag swimming. Masayang naman silang magkasama sa maghapon. Yanny loves Chase. And Chase loves Yanny as well. Kasunod ang puro selfie nilang ginawa. Mga anggulo kung saan may mga magagandang views. Bagay na bagay silang dalawa sa mga nakuha ni Yanny na larawan.

"Pwede bang  may endearment call  tayo sa isa't isa," malambing na tanong ni Chase.

"Ha, okay. Ano naman kaya ang magandang endearment?" wala sa loob na tanong ni Yanny. Nakayuko pa rin kasi siya na nakatitig sa mga larawang kuha na magkasama sila.

Gusto niya pumili ng ilan at ilagay sa kanyang instagram account. At sa iba pang social media accounts. Pero si Travis na naman ang kanyang naalala. Ayaw niyang makikita ito ng kaibigan.  Bakit nga ba inaalala niya lagi si Travis. Ayaw niya itong masaktan. Ayaw niyang maramdaman ng kaibigan na hindi siya ang pinili.

"Love,  tama love na lang mas sweet." May ngiting at ningning sa mga mata ni Chase.

"Okay," ngumiti at sumang-ayon si Yanny. Kahit parang ayaw niya. Parang pakiramdam niya magtatayuan lang ang kanyang mga balahibo. Pero dahil mungkahi ito ni Chase pumayag siya. Masasanay din naman siguro ayon sa  kanyang isip.

"Okay love." Paunang bigkas ni Chase saka dinampian ng halik sa labi ang nobya.

Nabigla man si Yanny pero ramdam pa din niya ang makapanyarihang halik ng nobyo  na halos napayanig n ang paligid na kanilang kinatatayuan.
Nilingon ng dalaga ang buong paligid sa pag-aakalang madami pa ang nakakita sa paghalik ni Chase. Ayaw niya ang masyadong public display touch.  













Yanny, I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon