---
"Oh, Ayana. Si Zachier Quelaz nga pala. Kapatid niya si Zach."
Ha? Si Zach?! May Kapatid?! Teka bat di ko alam!?
"Huy!" Nagulat ako. Tila nagtataka si kuya Kenneth sa reaction ko. Hindi ko alam ah?!
"Ahh, ikaw pala yung babaeng tanga kanina."
Nagulat naman ako dahil naalala niya ako. Ang sakit niya naman magsalita!
"Di ako tanga!" Pag dedepensa ko. Nag smirk naman si Kuya Kenneth.
"Oh? Kilala niyo pala yung isat-isa? 'Bat di ako na inform? Ikaw Zachi ha! Bat di mo sinabi kilala mo pala kapatid ko?"
"Di, nakilala ko siya kanina lang. Binangga niya kasi ako dahil hindi siya tumitingin sa daan. Tsk, tsk. Tanga kasi"
Napahiya naman ako. Hinawakan ko yung pisngi ko kasi parang namumula na. Ang bastos naman!! Sinamaan ko naman siya ng tingin at nag 'bleh' lang siya sa akin
"Oh, bat ganyan ka makatingin tanga?" Bulong niya. Gusto ko siyang sampalin pero nandgan si kuya Kenneth eh, baka ano pa namang isipin.
Piste, nakakainis!
"A-ah. Mauna na ako, may klasi pa kami" palusot ko. Di ko talaga kayang makasama 'tong lalaking 'to! Ang bastos!! Huhuhuu.
Nagpaalam naman ako kay kuya Kenneth at dumiretso na sa classroom namin.
"San ka galing teh?" Tanong ni Dayana, hindi ko yun sinagot at nag smile lang sakanya.
Bwiset yung Zachier na yun!
Pumasok na yung prof namin at nagsimula ng mag-klase. Di ako halos nakinig kasi wala ako sa mood. After 30 mins or so, nagbilin siya ng assignment at pina-uwi na kami kasi may lakad pa raw siya.
"HAHAYSTT!! TARA UWI NA TAYO GUYZ!!" Pagsigaw ni Maxine sa labas ng classroom namin, agaw pansin naman kasi yung iba nasa kanilang rooms pa. Paano kasi ng lakas ng boses, abot sa room nila crush.
"Tumahimik ka nga Maxipeel! Ang lakas ng boses mo!" Pagsesermon ni Dayana, totoo naman. Parang tinitingnan kami ng mga profs sa mga rooms.
"Gusto ko na kasing umuwi!! Mag wa-wattpad pa ako! Hatid niyo ako guys!"
Naglakad kami papuntang gate at hinatid si Maxine sa kanilang bahay. Malapit lang kasi bahay nila sa paaralan kaya pwedi lang namin siya puntahan sa kanilang bahay at humingi ng pancit.
Masarap kasing magluto nanay ni Maxine ng pancit.
"Nandyan ba nanay mo Maxine? Parang gusto kong kumain ng pancit!" Sabi ni Allaine. Natawa naman kami ni Dayana kasi totoo naman,
Nagugutom rin ako.
"Pwee! Ang pa-plastic!! Nandito lang kayo para sa pancit!!"
"Di ah!! Hinatid ka namin kasi lab ka namin!!"
"Ewwwww!!!"
Napatawa naman ako sa kanilang away. Kahit kaylan ang i-ingay talaga nila!
Pero di parin mawala sa aking isip yung buwiset na Zachier na yun! Gwapo nga pero ang kapal ng mukha!!
Mas gwapo lang talaga si Zacharie! Mabait pa!!
Di talaga siya crushable, UNCRUSHABLE SIYA!!